Chapter 4

16 3 0
                                    

C H A P T E R 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"May surpresa raw sa'atin si ma'am bukas," bungad sakaniya ni Joan noong pagkarating niya mula sa cr. 

Kunot-noo namang kinuha ni Zephire ang gamit niya. "Parang masamang surpresa yata 'yun." 

Nakangiting umiling ito at sinampay na ang kamay sa braso niya. Saka hinila na ang dalaga palabas sa room nila. 

"Feeling ko hindi," nagpapantasya nitong sabi kaya napa-iling na lang si Zephire. 

Pagkalabas ng school ay agad na silang naghiwalay ng kaibgan dahil pupunta pa siya sa resto habang si Joan ay dideretsyo na sa bahay. Night shift siya ngayon kaya kailangan masigla siya kahit na pagod na siya sa pag-aaral. 

"Oh mukha ka nang nanay," natatawang puna sakaniya ni Matthew ng matapos siyang makapag bihis ng uniporme nila. 

"Pakyu." Tinaas niya pa ang middle finger niya sa mismong nito at hindi na pinansin pa ang malakas na pagtawa nito. 

Hanggang sa magsarado na ang resto ay panay asar sakaniya ni Matthew. Muntik pa niyang masabunutan ito, kung hindi lang niya kaibigan ang binata ay baka kanina niya pa ito napatulog gamit ang pagsuntok niya. 

"Tumahimik ka na 'nga at maglinis ka na lang d'yan. Isupalpal ko sa'yo 'tong basahan na hawak ko eh," inis niya sabi habang nagpupunas ng table. 

Agad namang tinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Sige po madame, maglilinis na po ako." 

Hindi niya na sinagot ang mapang-asar na sinabi ng kaibigan at nagpatuloy na lamang sa paglilinis. Habang pinupunasan ang table ay hindi maiwasang mapaisip ang dalaga. 

Kung naging mayaman ba ang pamilya niya ay hindi niya ito dadanasin? Malamang, hindi niya talaga ito mararanasan kasi 'nga mayaman siya at hindi niya na kailangan magtrabaho dahil mayaman naman ang mga magulang niya. 

Ngunit siguro ay hanggang panaginip niya na lang iyon mangyayari. Oo, masyado pa siyang bata at marami pang mangyayari sa buhay niya. Pwede pa siyang yumaman pero, hindi makakasama sa pagyaman ang kaniyang nanay. 

Marahas na pinilig ni Zephire ang kaniyang ulo upang maalis ang nagbabadyang luha na namumuo sa mata niya. Ramdam niyang unti-unting sumisikip ang dibdib niya at ramdam na ramdam niya ang hapdi noon dahil sa naiisip. 

Sabi na 'nga ba eh. Kaya ayaw niyang isipin ang pagkamatay ng nanay niya. Dahil hanggang ngayon ay sobra pa rin siya nasasaktan. Pasalamat niya na lang talaga sakaniyang sarili na marunong siyang magpigil ng luha at lungkot na nararamdaman niya, at kaya niyang hindi ipahalata iyon sa ibang tao. 

Agad naputol ang pag-iisip ng dalaga ng biglang marahas na bumukas ang pinto ng restaurant. Agad siyang humarap dito. 

"What the.. heck?" hindi makapaniwalang bulong niya ng makita ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. 

Imbis na suwayin ay pinanood niya lang ito na magpagewang-gewang na tumungo sa isang sofa. Napangiwi siya ng makitang may red horse itong hawak sa kamay. Nakayuko ang lalaki kaya hindi niya masilayan ang mukha, pero pamilyar sakaniya ang bulto ng katawan nito. 

"Baliw na ampota," bulong niya at inipit ang mahaba niyang buhok. 

"W-Wala siyang k-kwenta," bulong nito at agad sinandal ang ulo sa sofa. 

Agad napatigil ang pagtibok ng puso ni Zephire ng makita ang taong iniiwasan niya simula noong nag enroll siya sa school na pinapasukan niya. Ang taong matagal niya ng kinalimutan. 

"Anak ng porkchop, anong ginagawa nito dito?" hindi makapaniwalang tanong niya. 

Agad siyang bumuntong hininga upang tumigil ang puso niya sa pagkabog ng malakas 'nun. 

Crazy Little Things (Little Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon