Chapter 63: A beautiful Dream

6 0 0
                                    

3rd Person's POV

It's been half an hour of consuming alcohol but not saying any words not until Asher broke the silence which stopped Ethan from thinking.

"Sa tingin mo ba sapat na yang nainom mo para maging tapat ka sa akin, sa sarili mo, at sa nararamdaman mo?" Ethan look at the alcohol he is holding wondering if it is authentic. Mukha yatang pinadadalahan na siya ng may halong tubig ng ama niya dahil alam nito ang ginagawa ng anak.

"If you're asking kung may tama na ba ako? Then no. Ilang araw ko ng gustong malasing para makalimot pero yung sakit damang dama ko pa rin," natawa si Asher sa narinig mula kay ethan.

Both of them sip from their shot glass,

"Remember when i told you na that feeling shouldn't be kept dahil pwedeng kapag gusto mo na, huli na," binaling ni ethan ang atensyon sa kaibigan. "Feelings kept are the most dangerous. I always admire that you love her selflessly, kaya nga hinayaan ko na mapalapit kayo lalo sa isa't isa, gusto ko din na ipaglaban mo. You have my blessing yung nilakasan mo ang loob mo because I know, you're the one who can treat her right. But you didn't, you just let things be tapos may dumating pa that changed everything," napa kunot ng noo si ethan sa narinig. He knows what he is thinking, he knows who he is referring to.

"If you think I feel something for Rhea, then you should change what you are thinking. Hindi ko siya gusto." Ethan said defensively, Asher just nodded his head.

"This is what happened when your love for someone took over you. And Ethan how you reacted just now says a lot, wala pa akong sinabing pangalan, wala rin akong sinabing may gusto ka sa kanya." Asher said with a smirk on his face. "It's time to face the changes Ethan. Hindi na kagaya ng nararamdaman mo dati ang nararamdaman mo ngayon para kay allison. If it is, you won't act that way."

Ethan look away. "Hindi ko maintindihan,"

"Dahil ayaw mong intindihin, marami kang kinakatakutan. First you are afraid to understand your own feelings kasi alam mong hindi na kagaya ng dati. Ayaw mong mawala ang nararamdaman mo kay Allison dahil nasanay ka na at gusto mong manatili but the thing is, that's is not the case anymore. That is why you acted that way because one more pain, one more disappointment from her, pwedeng tuluyan ka ng magsawa na mahalin siya. You want something more from her because you want to secure your feelings and you're preventing to lose it."

He read him well more than anyone because he understood him more than anyone. Ethan can't say anything, he made sense, and just like what asher said ang pinaka kinatatakutan niya simula pa noon ay ang mawala ang nararamdaman niya para sa kaibigan.

"All my life, ang pinaka alam ko lang ay mahalin siya kaya natatakot ako. It must be so empty," Ethan whispered.

Asher sighs. "Sinasabi ko rin to sayo dahil gusto kong pakawalan mo na para papasukin na ng tuluyan ang naka pasok naman na. I don't want you to lose this one, I don't want you to lose her. Ethan nagbago kasi may bumago. Isa sa pinaka kinatatakutan mo yung mag mahal ka ng bago, hindi mo matanggap pero meron ka ng nararamdaman para kay Rhea diba?"

"I don't know..."Bulong ni Ethan.

"But you didn't say no so there is a possibility. Don't make it worse for you when the time comes, accept changes."

Ethan drunk from his glass, hindi niya matanggap pero lahat ng sinabi ni Asher ay totoo,

"The love I have for Allison is a treasure for me. Nagigising ako ng umaga ng naka ngiti dahil alam kong makikita ko siya tapos matutulog ako ng gabi thinking about her. Sobrang mahal ko siya to the point na kahit nasasaktan ako, okay lang kasi sa ganon na paraan alam kong nagmamahal ako. I felt a lot and learned a lot, kaya ayaw kong pakawalan. Won't it be a waste to let it all go?"

Can We Fall, One More Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon