Chapter 4: Falling Out Of Love

109 13 9
                                    

Mag isa ako ngayon sa library. Kakatapos ko lang mag basa ng mga libro at sa tingin ko ay isang libro pa, sasabog na ang utak ko. Bukas na ang debate and unlike last school year, kami naman ang pupunta sa ibang school.

Tinabi ko ang mga libro sa gilid, I removed my eyeglasses as well, panay puyat din kasi ako kaya di ko masuot ang mga contacts ko.

I was just about to take a nap nang may kumalabit sa akin.

It's Lucas with friends. Ang kilala ko lang sa kasama niya ay si Dave, classmate namin and the rest, I only know them by face.

"Anong ginagawa niyo dito?" tumabi sakin si Dave at Lucas, ang mga kasama naman nila ay sa harapan ko.

"Ano pa bang bago? Cutting." sabi ni Dave na natatawa pa.

"at ikaw nagpa demonyo ka naman?" tanong ko kay Lucas.

"obvious ba?"

Napa iling nalang ako, do they gain something good by doing what they shouldn't be doing?

Hindi ko na lang sila pinansin.

Nag usap usap na sila as if I am not here with them. Hello, I was supposed to study pero matutulog na lang sana ako tapos biglang nandito sila para mag kwentuhan?

Wala namang ibang student and hindi naman din naririnig sa labas but still it's irritating to hear chitchats on a library that supposed to be a quiet place.

Inayos ko ang mga libro bago tumayo.

"Hala galit ka?" tanong ng isa sa mga kasama nila, I shook my head.

"Matutulog ako sa clinic, enjoy." sabi ko bago umalis.

Papunta pa lang ako ng clinic nang umilaw ang phone ko.

From: Lucas Evangelista
Are you mad?

To:Lucas Evangelista
Nope, I just need rest.

From: Lucas Evangelista
Oh, okay. Then have a good one.

Then time passed by so fast...

Iba pala ang pakiramdam kapag nasa ibang teritoryo ka. Damn, mas nakaka kaba pala talaga kapag nasa ibang school ka.

The bus just entered the university, hindi pa kami nakaka baba pero ramdam ko na na sakop kami. Our school only allowed the section of each representatives to come. Each department has four representatives. Sa amin, the senior high school department, kumuha ng tig dalawa sa grade 11 and 12. Marami na rin but compared to the population of this university? We're not even half of the half.

"Im nervous, " sabi ko kay Asher.

"Don't be, you can do it." Asher said, still reading a book. Pa-cool lang siya pero halatang kinakabahan.

"E kung ma mental block ka niyan?" natawa siya at sinara na ang libro.

While parking, nakita ko ang mga sections na naka baba na with their banners.

Pag baba namin ay naka abang ang adviser ko.

"Picture muna daw tayo." sabi nito na may hawak na balloons.

Nasa likod lahat sila ng bus at naka ayos na ang klase, they place me in front with our adviser. Naka ilang take kami bago tumigil.

"Goodluck!" sabi ni Lucas.

"Thank you! Diba dito nag aaral ang girlfriend mo? Puntahan mo na." sabi ko sa kanya. He shook his head. He was just about to say something when one of the college representative called me.

Can We Fall, One More Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon