Chapter 66: That Christmas...

7 0 0
                                    

After class, we have a schedule kaya ngayon magkakasama na kami ng banda. What they know is I broke up with him, hindi nila alam na nagkaayos kami and today i have a plan of telling them.

"Guys, i have something to tell you," Nag tinginan sila ng sabihin ko yon but they didn't say anything so i continued. "About me and lucas..." I look at their reaction but there is no hint of disapproval to the topic that I opened, kaya kinakabahan man, itinuloy ko pa rin. "We didn't break up, he broke up with Chloe and..." Hindi ko pa man natatapos ang sinabi ko ay tinuloy na ito ni asher.

"You got back together... mali, hindi naman pala kayo nag hiwalay... you're now together, officially in private."

Isa isa ko silang tinignan, walang nagulat sa kanila. But the thing is, paano nalaman ni Asher yon?

Tinignan ko si Ethan, ngumiti lang siya sa akin. He's been distant, nalulungkot ako pero naiintindihan ko naman.

"We know. He gathered us all," Nagulat ako sa sinabi ni Sky.

"I think it's the day pagkatapos nyong magkaayos. He was sorry and he said he will try his best to not hurt you again," Dagdag ni enzo.

"I never thought he could be the man, alam niya na hindi namin siya gusto, alam niya na pwede siyang makatikim sa akin but he still did it. No joke i wanted to hit him kahit isa lang makabawi lang sana sa galit ko sa kanya but i'm afraid you'll get mad at me instead," sabi naman ni Kit.

Magsasalita pa lang sana ako ng biglang naglakad paalis si Ethan,

"Oras na, tara na." Ethan said, una siyang nag lakad palabas, tinignan ko lang siya. Kahit ngumingiti siya sa akin alam kong hindi pa rin kami okay. I sigh before I follow him.

Sinabayan ako sa paglalakad ni Asher bago ako hakbayan. "Masama ang gising and from then till now dala dala niya yung inis. Pag dasal na lang natin na bukas maganda na gising niya." Natawa ako sa binulong niya but i know why very well why he is acting that way. I cause him pain, it is not easy to get over it.

Hindi man ngayon, sana dumating yung araw na maging komportable na ulit kami sa isa't isa. He is not just a friend, he is one of the most important persons in my life, I can't lose him.

Lucas POV

I am on my way to meet Mica. Matagal na noong huli kaming nagka usap kaya nagtataka ako kung bakit gusto na naman niyang makipag kita. Wala naman na akong balak sa kanya but this is also an opportunity to end things with us. No more good times, no more play time.

She reserved a VIP table for the both of us on a restaurant. Pag pasok ko, agad na bumungad sa akin ang masamang tingin niya and before I could even sit, water splash all over me.

"What the fuck did I do?" Tanong ko.

"Masaya bang maglaro lucas? Masaya bang gamitin ako?"and that silenced me. "Kagaya ng mga tao napaniwala mo ako na binago kita, na minahal mo ako pero lahat ng yon wala lang pala? Parte lang pala ako ng malaking plano mo?" I lowered my head, I guess today I need to ask for forgiveness too.

"Si Chloe, hindi naman siya bago diba? Ang totoo nandyan siya simula sa pinaka una na babaeng niloko mo. Grabe yung manipulation lucas, binilog mo ako. Sabihin mo nga sa akin kung anong rason, kasi mababaliw na ako kakaisip kung bakit mo ginawa sakin yon!" I can see how furious she is pero paano ko ba ipaintindi sa kanya? My reason is stupid, it isn't acceptable.

"Pasensya na," yun lang ang na sabi ko. Umiling siya, her hands are shaking, galit na galit talaga siya.

"Kinalat mo sa mga tao that I cheated on you kaya tayo nag hiwalay but you know i never did that. You broke up with me, lucas. Nanahimik lang ako kasi hindi naman na ako doon nag aaral, inisip ko na hindi naman siguro ako ma aapektuhan tsaka may pinagsamahan rin naman tayo kaya hindi na kita siniraan pero grabe tinuloy mo pa. Sa mga panahon na yon dun ka na minalas kasi nakaramdam na ako. I don't even know why i spend so much time knowing the truth when i should just let you go pero nag sayang ako ng oras and now that I know things, hindi ko hahayaan na matuloy ang panloloko mo kasama ng chloe na yon."

Can We Fall, One More Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon