Chapter 17: Summer With You (3)

20 2 0
                                    

"Good morning, " he said as I opened my eyes. He smiled at me before giving me a peck on the lips. "You missed the sunrise again,"

"Goodmorning." tumayo ako at tumuloy sa banyo. Dinala ko papasok sa banyo ang maleta kung saan nakalagay ang damit na binili niya sa akin.

Lucas sure knows what to buy. These are all maxi dresses. He is making me enjoy everything, even in what I am going to wear during our stay here. I remember laughing yesterday because he brought me pajamas that I could use at night. He told me that he doesn't wanna see me wearing a nightie again.

Nagulat ako ng may nakita akong mga two piece, may mga one piece den, sa sobrang dami niyang binili naniniwala na ako na kahit dalawang linggo pwede akong mag stay dito.

Pinili ko ang white na dress, i love white, maaliwalas sa mata. When I saw underwear, I can't help but to chuckle, I can't imagine Lucas buying underwear. What's shocking is that, alam niya ang size ng bra ko.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay lumabas agad ako sa cr. I saw a sandals in front of me. He is prepared, parang sanay na sanay na siya sa ganito. Kinuha ko ang salamin sa lamesa at nag suklay. There's no hair dryer kaya binuksan ko nalang ang maliit na electric fan na naka tago pa.

Nang matuyo ang buhok ko ay agad din akong bumaba. Walang tao sa baba kaya lumabas na ako. Lucas and Trevor are sitting in front of the pool. There's a sea out there, why did they choose to stay in front of the pool?

"You're here, " sabi ni lucas nang makita ako.

"Good morning," sabi naman ni Trevor, ngumiti lang ako sa kanya.

"Beautiful, " Bulong ni lucas ng nakaupo na ako sa tabi niya.

"You didn't join me last night," Sabay kaming napatingin kay Trevor, "What about later?"

"I don't drink, " I said. I mean, i do pero nasabi ko na ba na during occasions lang? "But it's fine. Sasamahan ko kayo pero hindi ako iinom."

"why?" tanong niya.

Is he always curious about everything? He kept on asking questions.

He look at lucas, "Akala ko bang malakas uminom ang bagong girlfriend mo?" napalunok ako. He is smiling pero nakakainis ang ngiti niya, para siyang nakakaloko.

"Akala ko bang maliit ang girlfriend mo? You even told me na morena siya, she's also a little bit chubby but i can't see any of that to you, you're the artist right?" tinitigan niya ko. binalik niya ang tingin niya kay lucas. "That's how you describe her when you called me, drunk. Detailed lucas, I won't forget that kasi paulit ulit mong sinabi."

"Mamaya na tayo mag usap." hinarap ako ni lucas. "Let's g-"

I cutted his words. "That's Chloe" mukha namang alam niya so there's no need to hide anything.

Lumaki ang ngiti niya. Pinatong niya ang siko niya sa tuhod ng nakatingin lang sa akin. "and she's the girlfriend." I nodded, see? He already knows. Kung magpa patay malisya pa kami, mag mumukha na lang kaming tanga "Then who are you?"

"I respect that you are a family and older than me so I am keeping my patience long." sabi ni lucas na ngayon ay nakatayo na.

Can We Fall, One More Time?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon