May 2009
MAGMULA noong simulan ko ang photography, naisip kong sa ganitong paraan ay mapapasaya ko ang mga tao at matutulungan silang makuhanan ang happiest moments nila. Every time I get to click on my cam, I make sure na that person or those people in the picture will forever remember that moment.
Totoo nga ang sinasabi nilang kapag gusto mo ang ginagawa mo, parang hindi ka nagtatrabaho.
Although I have so much space for improvement, I enjoy my days working na paminsan ay contract-based at paminsan naman ay wala talagang raket.
Kailan man ay hindi ako napagod sa aking propesyon. Ito na ang pangarap ko noong 16 years old palang ako, and now that I'm 24, I can safely say that I fulfilled my dream. I was successful and was getting a lot of projects. I am at the peak of my career.
But despite all of that, pakiramdam ko ay may kulang. Mula noong nagkamalay ako sa mundong ito, ganoon na talaga. I always felt na may kulang sa akin. My social life is fine. I love social gatherings. I have lots of friends from different circles. I have a good relationship with my family.
Kung sa tingin ninyo ay love life, I already had 2 boyfriends, pero for some reason, hindi kami nagwowork-out. They told me I was always spacing out and tila maraming tinatago. Maybe they're just weirdos. Or am I?
It's probably not the death of my mother when I was 18. Bago pa man ang lahat ng iyon, may puwang na hindi kailanman mapunan. Lalo lang lumaki ang puwang nang mamaalam si Mama. I basically don't remember a thing, iyong mga memories ko bago mamatay si Mama. That's how I coped with her death.
The doctor said it's possible.
It was a just normal night.
Galing sa trabaho ay dumaan ako sa simbahan kung saan ko na nakasanayang magsimba, ang San Agustin Church sa Intramuros. May iilang taong labas-masok kahit malapit nang mag-alas otso nang gabi. Kadalasan ay mga turista.
Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at lumabas upang bumili na ng kandila at magtirik sa kapilya. Pagod man sa event kanina ay hindi talaga ako pumapalyang dumaan rito kada ako ay uuwi at magpasalamat.
"Hija, pabasa ka na," Bago pa man ako makapasok sa gate ay naroon pa rin ang matandang lalaking manghuhula na palagi akong inaalok ng kaniyang serbisyo. Ang alam ko ay bawal sila rito kapag araw kaya't sa gabi siya pumepwesto rito.
Hindi ako naniniwala sa hula, at naniniwala akong kapag nalaman mo ang iyong hinaharap ay doon na lamang tutungo ang buhay mo.
"Ipabasa mo na ang iyong nakaraan."
Otomatiko akong napalingon sa kaniya. Aba, bago ito ah! Ipabasa ang nakaraan? Hindi ba ay future ang pinapabasa?
Lumapit ako sa kaniya at nilinaw ang aking mga narinig, "Paano hong nakaraan?"
Sa gitna ng kadiliman sa labas ng simbahan ay tila napakapayapa ng mga mata at maliwanag na nakakakita ang manong. Akala ko nga ay hindi siya nakakakita ngunit ngayon ko lamang siya natignan nang diretso. Mahaba ang puti na niyang buhok na sadyang nakalugay lahat sa kaniyang likuran.
"Ang iyong nakaraang buhay, Sol."
Nanindig ang aking mga balahibo sa kaniyang sinabi. Hindi ko natatandaan kung nabanggit ko na ba sa kaniya ang aking pangalan.
"Pa-paano niyo po nalaman ang name ko? Manong, ah. Narinig niyo ata kasi lagi akong nandito e."
Matama ako nitong tinitigan at hinawakan ang aking kamay ngunit marahan ko itong binawi, "Solianna Jimenez Alejandrino."
Ngayon ay nakuha na niya ang aking buong atensyon. Alam niya ang aking buong pangalan.
Alam niya ang aking buong pangalan?
Naisip ko tuloy... May mga tao pala talagang psychic? Clairvoyant? O baka bogus lang talaga itong si Manong?
Baka walang mawawala kung malaman ko kung totoo nga ba ang kaniyang pagbasa sa aking "nakaraang buhay."
Sa pagkadami ng posibilidad sa mundo, maaaring totoo nga ang past life, ano?
"Sige, manong. Bigyan kita ng chance, sabihin mo sa akin ang past life ko," Iniabot ko sa kaniya ang aking palad at marahas niya itong kinuha, "Aray naman, manong."
"Hindi naging kaaya-aya ang iyong nakaraan, hija. Ngunit nanggaling ka sa isang marangyang pamilya," Ngayon ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pinanatili ang dalawang daliri sa aking pulso, "Ikaw nga... Tama ang aking nakikita sa araw-araw na nagdaraan ka rito. Ikaw ang binibining napuno ng mga kasawian at pagsisisi. Kaya ka narito... sa panahong ito."
"Manong, niloloko mo naman ako e."
Hindi niya ako pinansin, "1881 nang ikaw ay ipanganak bilang isang binibining nagngangalang Lucia. Anak ka ng isang mayamang Intsik na negosyante at mestizang Pilipina."
Taimtim akong nakinig ngunit nainip rin, "Hinahangad ka ng lahat dahil ikaw ay maganda, nanggaling sa prominenteng pamilya.... At mayroong nanghingi ng iyong kamay."
Bahagya akong napangisi. Kahit pala sa past life ay humahataw ang love life ko?
"Anak ng isang intsik na mangangalakal," Ngayon ay inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa aking palad, tila binabasa ito, "Ngunit dumating ang isang ginoong nagpabago sa takbo ng iyong buhay. Unang beses mong nahulog nang ganoon kaya't nagbago ang iyong kapalaran dahil sa kaniya."
"Sa kaniya po ba ako ikinasal?" Tanong ko.
Naghintay ako ng kaniyang sagot ngunit may naramdaman akong kakaiba nang siya ay dumilat at tumitig sa akin, "Hindi... Hindi naging madali ang lahat, Lucia."
Lucia? Ngayon ay tinatawag niya na ako sa pangalan ng isang tao na hindi naman ako? Or maybe ako sa nakaraang buhay ko?
Ay ewan!
Sa kung anong dahilan, pagkasabi niya ng ngalan na iyon ay nanindig ang mga balahibo ko at mayroon akong nadinig na malakas na tunog ng kampana kahit lagpas alas-sais na. Kasunod noon ay ang matinding pagsakit ng aking ulo.
Anong...
"Manong, okay na po," Binawi ko ang aking kamay mula sa kaniya, "Gumagabi na rin po kasi," Kinuha ko ang aking limandaan sa pitaka at iniabot sa kaniya. Hindi ko na kayang tagalan ito dahil sa kung ano mang dahilan. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
Pagkaabot ko sa kaniya ay humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso, "Alam kong nariyan ka, Lucia. Namatay kang puno ng pagsisisi. Sa susunod na duyog ay itinakda kayong magkitang muli. Isinilang kayong muli upang magtagpo!"
Marahan kong hinila ang aking braso, "Good night na ho, manong. Salamat."
Chikadora naman 'to si manong e. Okay na 'yun, advance pamasko ko na sa kaniya iyong 500.
Inisip ko tuloy kung tama bang hindi ako patuloy na nakinig. Pakiramdam ko rin kasi e baka nga totoo ang mga sinasabi niya, ngunit kung panay pighati naman ang aking nakaraang buhay ay huwag nalang. Baka mapuno lang ako ng negativity. Saka, I doubt it. Mahina ang belief ko sa ganiyang mga bagay.
Ipinagsawalang-bahala ko lamang ang mga diumano'y hula niya sa aking nakaraan, hanggang sa dumating ang araw na nangamba akong totoo ito.
©Plumalope
BINABASA MO ANG
Sa Takipsilim
Historical FictionHIGHEST RANKING: #25 - historical fiction #2 - philippinehistory (03-20-2024) #10 - timetravel #1 - spanishera Halina't maglakbay sa oras kasabay ng paggunita nina Sol at Harold sa kanilang nakaraang buhay sa pamamagitan nina Lucia Ysabel Yangco y E...