Ikalabing-apat: Ang Kabundukan Ng Panganib

40 4 0
                                    

03 Hunyo 1897
Himpilan ng Presidente-Heneral
San Jose, Nueva Ecija

PAGKALABAS ko ng himpilan ay naupo ako sa isa sa mga hakbang sa hagdanan at kinalikot ang aking maletin. Doon ay natagpuan ko ang papel na nakadikit sa kahon ng aking uniporme noong inabot ito sa akin ng Donya Teresita. Koronel Miguel.

Itatago ko na sana itong muli nang mapansin kong nakatupi lamang pala ito!

Tinanggal ko ang aking gorra at agad itong binuklat at binasa.

Malalambot ang mga kurba ng kanyang sulat-kamay, pantay-pantay at napakalinis. Sa kanyang sulat-kamay pa lamang ay mababakas na ang kanyang pagkametikuloso sa mga bagay-bagay.

12 Mayo 1897
Calle Escolta, Binondo, Maynila

Koronel Miguel,

         Alam kong malaki ang naging epekto sa iyo ng mga sinabi ng aking abuelo, ngunit maniwala ka man o sa hindi ay siya rin ay nalulumbay para sa iyo.
         Nang magkita tayo kaninang umaga ay inasahan kong magkakausap tayong muli, nang mas klaro, at nang makamusta ka dahil halos isang buwan tayong hindi nagkita. Subalit nang ako ay tawagin mong Senorita imbis na sa aking pangalan ay alam kong wala nang dapat pang pag-usapan.
          Isinulat ko itong aking liham sa pagbabakasakali na dumalo ka sa aking kaarawan, kahit alam ko naman na lagi kang kasama ng Presidente na siya ring imbitado. Iniisip ko lang na baka pati aking kaarawan ay iyong iwasan.
         

Lucia


Kaya pala ay hindi ko nalaman na kanya palang kaarawan! Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha at umungol sa aking katangahan.

Kamusta na kaya siya? Nakarating kaya siya nang ligtas sa Paris? Nalunod ako sa aking pag-iisip at pagsariwa sa mga bagay na tila dumaan lamang sa aming harapan. Napagtanto kong sa maikling panahon iyon ay nahulog ako sa kaniya at hanggang ngayon ay hindi ako makaahon.

Mabuti na rin na maaga itong natapos, kaysa ang antayin pa itong magtagal.

Bata pa lamang kami at totoong hangad ko na makahanap siya ng lalaking siya ay iingatan. Ang kanyang nararamdaman sa akin ay daraan lamang, iyon ang sigurado. Kung mali man ako ay sana kalimutan niya na ang lahat ng tungkol sa akin dahil hihilahin lamang siya nito pababa.

Nanatili ang aking titig sa kanyang liham bago ito itagong muli sa aking maletin.

Sunod naman na aking kinuha ay ang kanyang talaarawan na hindi ko pa nabubuklat mula nang siya ay umalis. Kulay itim ang pabalat nito at personal na nakalagda ang kanyang pangalan sa ibaba.

Lucia Ysabel Yangco y Enriques

Pagkabuklat ko nito ay bakas ang mga pinunit niyang mga pahina ng mga unang parte, ito ay noong mga araw na hindi niya pa ako nakikilala.

Walang mga bura ang kanyang talaarawan, at tila ba isinulat niya ang mga ito sa iisang araw lamang. Ganon ito kapareho.

Sa pagbabasa nito ay tila naririnig ko na rin ang kanyang tinig.

22 Marso 1897

Mayroong mga sundalo ng rebolusyon na kasama ang Presidente nang magtungo siya sa aming tahanan. Ang Presidente ay nakakatuwang makausap at makilala.

Ang isa sa kaniyang mga sundalo ay isang matandang "heneral" kung kanilang tawagin. Bigotilyo ito, at palatawa.  Mukha ring mahilig siyang kumain.

Ang isa naman ay isang matangkad na lalaki. Moreno ito at mamula-mula ang mga pisngi, tila ba morenong mestizo. Inisip ko kung isa ba siyang Kastila dahil sa kanyang pisikal na katangian. Kapansin-pansin rin ang kayumanggi niyang mga mata. Tinawag nila siyang Koronel Miguel Valenzuela.

Sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon