Ikaapatnapu't-lima: Ang Susunod Na Habangbuhay

50 1 0
                                    

Ikaapatnapu't-limang Kabanata: Ang Susunod na Habangbuhay (La Ultratumba)

June 2009

NAPAKARAMING hiwaga ng buhay. Ang hirap ipaliwanag kung ano nga ba ang nais ipaalam sa akin ng Diyos sa pagkakataong ito.

Naaalala ko ang lahat mula sa nakaraang buhay ko.

I was once Lucia Ysabel Yangco...


"Manuel..." Noong masabi ko ang pangalang iyon ay nawala ang kalumaan ng aming kasuotan, ang dalampasigan, at ang kanina'y eclipse na ngayon ay isa na lamang madilim na kalangitan na nababalot ng mga bituin.

"Manuel?" Nagulat si Harold sa sinabi ko.

Pinilig ko ang ulo ko at itinaas ang palad ko, "Ah, sorry. Sorry po. May naalala lang."

Tumawa naman siya, "It's okay. Do I look like that Manuel?"

Kinagat ko ang daliri ko. What the freak. He sure looks like Manuel na nasa past life ko! Iyong dati kong 'nobyo' na ipinaubaya ako kay Miguel.

Naluha ako unconsciously. Ang weird lang dahil kanina lamang sa mga alaala ko ay makaluma ang kasuotan niya at talaga namang hindi siya pala-ngisi noon.

Miguel...

Pakiramdam ko'y mayroong gustong kumawala sa loob ko... Paulit-ulit na ibinubulong ng puso ko ang pangalang iyon.

Litong-lito pa rin ako. Iisa lang ang katawan ko pero pakiramdam ko I'm living the life of one more person... but I was once that person... almost a hundred years ago. It feels strange.

"Ms. Sol, a-are you okay?" Tanong ni Manuel - I mean, Harold nang makitang umiiyak ako.

Ang weird na ngayong marinig siyang nag-eenglish.

"Opo, sorry sorry! I need to go sa bathroom," I excused myself. Pinanood naman ako nina Henry at Lina na tila ba nag-aalala.

What the actual fuck? What the fuck! Ano ito?

Nababaliw na ba ako? Anong past life? Pero I swear... totoo!

Totoo lahat ng na-recall ko habang lutang ang diwa ko kanina! That eclipse lasted for seconds, pero iyong mga na-recall ko ay napakatagal. Even the emotions. I felt it all. It was all so real. Nararamdaman ko ang sakit na naramdaman ni Lucia that time. I witnessed it all, hanggang mamatay si Lucia! All in Miguel's point of view, Teyong's, and mine! Naiiyak ako para sa kaniya. Naiiyak ako sa mga dinanas ko kung iyon nga ang nakaraang buhay ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Don't tell me totoo ang sinabi ni manong ermitanyo sa akin? Na mayroon nga akong past life? Hindi naman niya sinabing ma-rerecall ko ang memories ni Lucia! Magiging pahirap ito kung sakali! And why? Hindi ba dapat si Miguel ang makikita ko, not Manuel?

Nasaan na nga ba si Miguel? Does he even exist in this lifetime?

Pakiramdam ko ay iyon ang purpose ng pagbalik ng mga alaala ko from my life a hundred years ago... para hanapin si Miguel. Siguro ay tila isa itong mission para pagtagpuin sila... or rather, kaming muli.

And I wondered, kapag nakita ko ba siya, will something snap out of me at mawawala ang buhay na meron ako as Sol?

Nabubuhay lang ba ako para sa kaniya... at sa aming pangako dati?

Hindi ko alam... ngunit kahit hindi ko na matandaan ang pakiramdam na makita at mahawakan siya'y pakiramdam kong napakalalim pa rin ng aking pagmamahal sa taong iyon... kahit na isang siglo na ang lumipas.

Sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon