June 2027
It was just a normal life.
"ANG pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Hindi ito natutuwa sa masama,
sa halip ay nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas."
Taimtim akong nakinig habang inuulit ni Father ang pamilyar na bible verse. Walang palya niya itong pinapaalala sa bawat misa niya.
Mula bata palang ako ay sa simbahan na ito na ako nagsisimba. Para sa akin ay isa ito sa mga pinakamisteryosong simbahan sa Maynila, kung kaya't mayroong naghihila sa akin rito.
Hindi ko na malilimutan ang pinaghalong amoy ng sampaguita at mga kandilang nakatirik sa mga pintuan at sa kapilya nito. Bakas din sa sahig nito ang libingan ng mga taong namayapa noon pang panahon ng mga Kastila.
Noong habang lumalaki ako ay tila lumiliit rin ang simbahan ngunit mas lalo naman itong gumanda. Sabi nga nila'y parang lagi kang nasa nakaraan kapag nasa simbahan ka ng San Agustin dahil sa hitsura nitong tila napag-iwanan ng panahon.
Pinanatili nila sa pagdaan ng mga taon ang magagarbong kagamitan sa altar at maging sa likuran nito. Ang ilang kagamitan ay noon pang panahon ng mga Kastila.
Palagi akong nananaginip at paggising ko, para akong nagluluksa sa pagmamahal na di ko pa naman nahanap.
Abala ang mga kamay ng tao sa simbahan sa pagpaypay kahit hindi naman gaanong mainit, naroon rin ang mga nakakatandang akala mo'y hilig ang misa o ang Diyos ngunit sila nama'y napapapikit na sa antok dulot ng homily. Ang iba nga'y nagkekwentuhan lang tungkol sa mga kabataang nakikita. Mas abala sila manghusga. Napailing nalang ako.
"Tunay na may-awa ang Diyos, at palagi siyang nagbibigay ng panibagong pagkakataon," iyan ang huling linya ni Father Cruz. Hindi ko ito naintindihan. Lagi namang matalinhaga kung magsalita si Father. Minsan iniisip ko kung may kahulugan ba ang sinasabi niya o magaling lang talaga siyang magsalita.
May nalimutan yata ako.
"May pre-nup shoot ako mamaya sa Bulacan. Tulungan mo si Manang maghanda ng dinner, baka gabi na ako makauwi," bilin ko sa nakakababatang kapatid ko na si Rei pagkaalis namin ng simbahan.
Matama akong tinitignan ni Manong na hinulaan ako noong nakaraang buwan. Nag-iwas ako nang tingin at inihatid na si Rei at Papa sa sasakyan.
"Rei," tawag kong muli sa kaniya dahil mukhang hindi niya ako narinig.
Tumango ito habang abala sa kanyang cellphone. May boyfriend na ata itong batang ito.
Napailing na lamang ako. "Tulungan mo si Manang, ha? Rei?"
Inis itong tumango sa akin kaya't natawa ako. "Oo na, ate!"
Nagpaalam na ako kay Papa at pinanood silang sumakay sa sasakyan upang makauwi na.
Ako naman ay sumakay na rin sa aking sasakyan at nagtungo sa kliyente ko. Sa San Jose del Monte, Bulacan ito. Isang oras rin ang naging byahe ko nang nakarating ako sa isang 'Garden' kung saan gaganapin ang shoot ng ayon sa Waze.
Pagdating ko sa lokasyon ay naabutan ko si Henry na kausap ang may-ari ata ng Garden. Umalis na ito bago ko pa man mabati dahil tila nagmamadali siya. Hindi ko man naabutan ay alam kong guwapo na agad ang may-ari dahil halos himatayin na si Henry sa kaniyang kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Sa Takipsilim
Fiksi Sejarah[Rebolusyon Duology #1] Batid nating mayroon nang mga librong pangkasaysayan ang nabasa na natin noong elementarya, hayskul, o kahit kolehiyo. Tinukoy sa mga libro ang pananakop at rebolusyon- ngunit hindi pa kailanman nabanggit ang pighating idinul...
