21 Mayo 1897
Paco, ManilaAYON sa natanggap na liham ng Presidente-Heneral mula kay Don Theodoro ay bandang hapon na kami magtungo sa tahanan ng mga Yangco dahil malaki ang kanilang magiging handaan. Hindi ko mabatid kung bakit kailangang malaki at grandiyoso ang handaang magaganap, akala ko ay isang normal na tanghalian o hapunan man lamang. Nanatili muna kami sa kapatid ng Heneral de Jesus sa Paco at dito na rin hinintay ang Tinyente at Komandante.
"Napakainit sa Pilipinas! Diyos ko, kaawaan!" Daing ni Teyong at ginawang pamaypay ang kanyang gorra.
"Eto, tubig," Inilapag ng Ginang Hulya ang isang lalagyan ng tubig at iilang baso sa kanilang lamesita. Si Ginang Hulya ang asawa ng kapatid ng Heneral na si Chiko, "Wala pa si Chiko, nasa pamilihan pa. Paumanhin kung mainit, Tinyente."
Agad lumiwanag ang mukha ni Teyo at kumuha ng isang baso ng tubig, "Salamat ho, ayos lang. Ngunit tila hindi ako nasasanay sa init ng Pinas, ay!"
"Doon nga sa pista sa Nueva Ecija ay pagkabanas, ngunit nang makakita ka ng isang binibini ay tila nakalutang ka sa nyebe," Ani Heneral de Jesus na nakaupo sa isa sa kanilang bintana. Agad kaming nagtawanan at binato ng aming gorra si Teyo.
Napansin kong tahimik lamang si Komandante Alcazar sa isang tabi. Umiigting ang panga nito habang pinapanood ang nagdaraang mga kalesa sa labas. Dinampot ko ang aking gorra at nagtungo sa kanya.
"Komandante," Naputol ang kung ano mang iniisip niya at bumaling sa akin, "Matagal rin tayong hindi nagkasama. Ano nga ba ang nangyari sa Maragondon?"
Ibinalik niya ang kanyang tingin sa labas, "Mahabang kwento, Koronel."
"Mayroon tayong dalawang oras," Umupo ako sa silyang nasa kanyang harapan at hinintay siyang magsabi ng mga bagay na bumabagabag sa kanya. Malalim niyang pinagisipan kung ibabahagi niya ba ang mga ito sa akin, "Nakakabahala ang iyong katahimikan."
Mula sa malalim na kanyang mga mata ay tila ba mayroon siyang sinariwa, "Hindi ko na alam kung ano ang tunay sa hindi, Koronel. Paminsan ay nadapo sa aking isipan ang isang pangyayari, na tayo ay bigla na lamang lalaya. At lahat ng ito ay tapos na."
"Lalaya tayo, ngunit hindi sa mapayapang paraan." Tugon ko.
Tumango siya at matama akong tinitigan, "Tama ka. Kahit sino pa mang sumisira sa kapayapaan ay nararapat idispatsa. Lalo na ang mga taksil."
Sa dalawang oras na aking ibinigay sa kanya ay dalawang minuto lamang ang naigugol, subalit naramdaman kong may mali sa kanyang mga iniwang salita sa akin. Ano ang nangyari sa Maragondon, at bakit bigla na lamang naglaho ang mga Katipunero? Bakit hindi niya nasagot ang aking tanong at binigyan ako ng isa pang tanong?
Hindi ko maiwasang tignan siya habang nakikipagusap kay Heneral de Jesus. May mali sa kanyang mga ikinikilos, maging sa kanyang mga ekspresyon. Tila ba may pilit siyang ikinukubli mula sa amin. May alam kaya ang Presidente-Heneral?
SUMALUBONG sa aming pagdating ang hindi pamilyar na alpombra na aming nakasanayan sa pwertahan ng mga Yangco. Mabigat na luntian ang alpombra na umabot sa panhik ng kanilang hagdanan. Malapit na ring dumilim nang kami ay dumating. Mukhang tama lang naman dahil may mga nagpapasukan pa lamang na mga bisita.
Mukhang hindi ito karaniwang piging, ah?
May iilang mga mayamang negosyante ang aming pinauna sa pagpanhik kasabay ng Presidente-Heneral. Nauna na sila ng Komandante sa itaas at naiwan kami ng Teyong sa ibaba, inalalayan ang mga ginang at binibini sa kanilang pagpanhik. Marahan naman na mga tango ang kanilang nagsilbing pasasalamat.
![](https://img.wattpad.com/cover/291187427-288-k292684.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Takipsilim
Historical FictionHIGHEST RANKING: #25 - historical fiction #2 - philippinehistory (03-20-2024) #10 - timetravel #1 - spanishera Halina't maglakbay sa oras kasabay ng paggunita nina Sol at Harold sa kanilang nakaraang buhay sa pamamagitan nina Lucia Ysabel Yangco y E...