Pahimakas

35 1 0
                                    

"....MAKALIGTAAN man ng marami ang ating kahapon,
nawa'y hindi ito tangayin
sa isang malayong dalampasigang lingid na sa atin."

Ito ang dalampasigang lingid sa akin.

Sa likod ng salamin ay nakita ang mukha niyang pamilyar ngunit malabo rin - tila ba malayo na sa aking mga alaala.

...para bang ang kaniyang pagkakakilanlan ay nasa kabilang isla at wala na ang bangkang masasakyan ko upang makarating doon.

Ang alam ko lang, sa malayong islang iyon ay minahal ko siya.


Sa buhay natin, hindi lahat ng tao ay mananatili. Ngunit, hindi naman natin kailangan ng iilang tao upang manatili.

Ang kailangan lamang natin ay kahit isa.

Ang isang tiyak na hindi lilisan at paulit-ulit tayong pipiliin.

Bakit nakalimutan ko ang maalala siya?

"Traumerei," Napalingon ako sa tinig sa likuran ko. Araw iyon ng piano recital ko. Sinabi sa akin ng mentor ko na pinili ko raw ang pinakanakakaantok na piyesa para sa isang recital.

Nagkibit-balikat ako at sinabing gusto ko itong tugtugin dahil espesyal para sa akin ang piyesa na ito.

"Paano ka nakapasok sa music room?" Tanong ko sa lalaking schoolmate ko. Hindi ko siya kilala pero nandito siya. Ang weird naman niya.

"Kasi may pinto?"

Suminghap ako at nilipat ang pahina ng music sheet, "Whatever."

"Iyong dati kong nobya, tinutugtog din 'yan," Kumento niya pa kaya't nilingon ko siya habang naiirita.

"Ano ba, wala akong pakialam sa past lover mo or whatever. May recital ako in a few minutes. Leave me alone."

Tumawa na lamang siya at inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks.

Iiling-iling siyang bumulong bago lumabas, "Hindi niya ako naaalala."

Before I even loved photography, I loved playing the piano. When my mother died, I stopped playing it. Hindi ako makatipa nang hindi naaalala si Mama kaya't itinigil ko ito kahit mahirap para sa akin.

Kinabukasan pagtapos ng libing ng Mama, natagpuan ko ang desk kong mayroong limang pulang roses at nakabigkis ang mga ito sa isang blue ribbon. Nagpalinga-linga ako upang tignan kung mayroon nang tao.

Dinampot ko ito at inamoy. Hindi naman mabango.

Itinapon ko ito sa malapit na trash can.

Kahit itinapon ko ang mga iyon, the next day, mayroon na namang ganoon. Nakabigkis pa rin sa blue ribbon. Hindi ko iyon naintindihan kahit inaasar ako ng mga kaklase kong mayroon akong secret admirer.

"Yie, Sol, ganda mo talaga!"

"Si Miguel ata ang naglagay niyan! Iyong escort ng Section C?" Bulyaw pa ng isa.

Tumikhim na lamang ako at itinapon nang muli ang mga bulaklak. Wala akong oras para sa mga ganiyang bagay at gusto kong lumayo sa mga taong aalis din naman.

"Bakit mo tinatapon 'yung mga bigay ko?" Umalingawngaw sa hallway ang boses niya, oras ng uwian. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

Siya ba iyong Miguel ng Section C? Teka, unang-una, ano ba ang koneksyon namin? Siya rin iyong nangulit sa akin sa music room.

Sa TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon