11 Oktubre 1898
Kampo ng San Carlos, PangasinanNAPAGTANTO kong hindi pala madali ang maging opisyal sa ilalim ng isang Heneral Luna. Hindi ko alam kung saan nadampot ni Heneral de Jesus ang kaniyang mahabang pasensiya sa pagsasanay ng mga sundalo, ngunit ako ay nauubusan na. Dalawang araw lamang nanatili rito si Koronel Roman at Kapitan Rusca at iniwan na rin nila ako upang mangalap ng mga tao.
"Kapitan Hernandez!" Sigaw ko pagdating ng kampo. Nanggaling ako sa isang pulong sa Nueva Ecija at naabutan ko ang mga sundalong pakalat-kalat lamang at pawang mga walang ginagawa, "Ano ang inyong ginagawa? Hindi man lang kayo nagsasanay! Mga banlag pa naman kayo kung umasinta!" Sigaw ko at pinaghahampas ng aking gorra ang mga tauhan kong nakahiga pa sa ilalim ng puno.
Lumabas mula sa palikuran si Kapitan Hernandez at agad akong sinaluduhan. Sumasakit ang ulo ko sa kaniyang hitsura. Tanghaling tapat at talaga namang pinainit nila ang aking ulo.
"Koronel, kalma lang po," Bulong ng aking Tinyente sa gilid.
Nakunot ang aking noo, "Anong kumalma? Ganyan ba ang sinabi ko sa inyo? Humilata ng tanghaling tapat?"
Tumingin ako sa mga sundalong ngayon ay nakahanay na sa aking harapan, "Maaaring may mga natutunan na kayo sa akin, ngunit hindi ang disiplina. Sakto, kailangan ni Heneral Del Pilar ng mga tao sa Bulacan. Ipapadala ko na kayo doon!"
"Koronel, hindi pa po kami handa para doon!" Daing ng isa.
Nilapitan ko siya, "Paano ka magiging handa e nakahilata ka lamang? Masdan mo ang iyong uniporme!" Sigaw ko at halos mapapikit siya.
"Ano? Lalaban kayo sa mga Amerikano nang ganyan? Nakakahiya kayo! Ipinapahiya ninyo ang Heneral Luna!" Napapikit ako at pinunasan ang aking pawis. Kung totoo man ang Diyos ay pahabain niya pa nawa ang aking pasensiya.
"Walang tanghalian! Wala akong sundalong mga tamad," Bumaling ako sa mga sundalong naabutan kong nakatayo sa aking pagdating at maaayos ang uniporme, "Kayo, sumama kayo sa akin! Manananghalian tayo."
Halos isang buwan kong pinagtiisan at dinisiplina ang mga baliko nilang ugali. Sa tulong rin ng itinatag kong Kapitan at Tinyente ay sinanay ko silang umasinta ngunit kailangan pa rin ng mga pagsasanay. Pawang mga bata pa kasi ang mga ito at akala'y laro lamang ito.
Sinanay ko silang maging maayos at presentable kahit walang nakatingin, at pinaalala kong laging maging alerto at maayos ang tindig. Sinabi kong lagi ko lamang silang pinagmamasdan at hindi makakakain kapag nakita kong lalambot-lambot sila. Kailangang maayos sila dahil ayun ang ibinilin ng Heneral Luna sa akin. Tatlong beses sa isang linggo kung siya ay magtungo rito upang kamustahin ang aming brigada, at paminsan ay naghahatid ng mga ginoong balak umanib sa hukbo. Ayon sa napag-usapan ay kada buwan ang pagpapalit ng mga brigadang kailangan sanayin, hindi nga lamang kasali ang aking Tinyente at Kapitan.
Mabuti na lamang at matino ang aking mga Tinyente at kahit maingay ang Kapitan na si Diego ay may silbi naman ito.
21 Nobyembre 1898
Engkwentro sa San Carlos, malapit sa Golpo ng Lingayen"Iasinta! FUEGO!" Sigaw ko at sinabayan ang kanilang pagpapaputok gamit ang aking rebolber. Tinanggal ko ang aking gwantes dahil sa sobrang init at pagpapawis ng aking kamay. Nakakabingi ang pagsikad ng mga bala na tila ba ano mang oras ay bubutas sa aming mga ulo. Mukhang hindi sasapat ang aming barikada.
Tulad ng inaasahan ay sinubukang pumasok ng mga natitirang Kastila sa parteng ito ng Pangasinan. Mula noong nagbaybay ako kahapon ay napansin ko nang may papalapit na mga bangka mula sa kabilang panig kaya't agad akong nanghiram ng dalawang pulutong na tao mula kay Heneral Luna. Nagtungo rin siya rito upang tumulong sa amin dahil hindi namin ito inaasahan. Ni hindi pa mahuhusay ang mga sundalong aking sinasanay sa buwan na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/291187427-288-k292684.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Takipsilim
Ficción históricaHIGHEST RANKING: #25 - historical fiction #2 - philippinehistory (03-20-2024) #10 - timetravel #1 - spanishera Halina't maglakbay sa oras kasabay ng paggunita nina Sol at Harold sa kanilang nakaraang buhay sa pamamagitan nina Lucia Ysabel Yangco y E...