MAAGA akong nagising at nag ayus ng sarili kailangan kong makabawi sa baby Diane ko. Excited ako na kabado rin dahil hindi ko alam kung ano ang mukhang makikita ko sa kanya. Siguradong galit yun kaya dapat ko ng ihanda ang sarili ko.
Nagmamadali akong bumaba dahil alam kong nasa baba na si Diane at nagbe breakfast na.
Pero pagdating ko sa dining room ay si mom lang ang nandun at kumakain mag isa.
"Good morning mom!" Bati ko sa kanya. Lumapit ako at humalik sa pisngi nya. Luminga linga pa ako at hinahanap si Diane. "Si Diane mom?"
"Umuwi na sa kanila!" Seryoso lang si mom na sumagot sakin. Mukhang inis pa rin ito sa nangyari kahapon. "Dumating na ang ninang mo kanina kasama ang ninong mo at sinundo dito si Diane, himala nga at umuwi ang ninong mo!"
"Ganun po ba?" Laglag ang mga balikat kong sagot sa kanya. "Akala ko makakabawi ako sa kanya ngayun."
"Buti nga sayo!" Napatingin naman ako kay mom. Inis nga talaga sya sakin. "Sana nga hindi ka na nya pansinin dahil sa ginawa mo!"
"Mom naman!..." Malungkot na sagot ko sa kanya. "Nag sorry na nga ako diba!... Eto na nga at gusto kong magsorry at bumawi sa kanya."
Pero hindi man lang ako pinansin ni mom dahil tumayo pa ito at nilayasan ako. Shit!. Ang saklap naman nito. Galit na nga sakin ang baby ko, inis pa sakin si mom.
Masaya sya siguro ngayun dahil kasama nya papa nya. Dahil matagal na panahon nyang hindi nakasama ang papa nya. Kumpleto ang pamilya ng mahal ko ngayun.
HINDI ko na alam ang gagawin ko dalawang araw ko na kasing hindi nakikita si Diane. Nang puntahan ko sya kahapon sa bahay nila ay wala ito. Lumabas daw silang buong mag anak. Ewan ko ba pero namimiss ko na sya. At ang nakakainis pa ay hindi man lang nya ako pinupuntahan dito sa bahay para kwentuhan ako tungkol sa papa nya. Dati dati kahit maliit na bagay lang ay pinupuntahan nya ako para lang ikwento sakin pero ngayun walang Diane na nagpapakita sakin.
Ganun na ba talaga kalaki ang galit nya sakin at hindi nya man lang naaalala g punta han.
Hindi pwede ito. Ayoko ng ganitong pakiramdam, pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip ko sa kanya.
Tumayo ako at nagdesisyong puntahan sya sa bahay nila. Itinago ko pa ang regalong binili ko sa bulsa para ibigay sa kanya kapag nagkita kami. Hindi pa man ako nakakalabas ng gate namin ay nakita ko na sya sa loob ng bakuran nila. Nasa harap ito ng mansyon nila. Nakaupo ito sa isang upuan na gawa sa simento at busy sa ginagawa. Hindi ko alam kung nagdrawing ba o nagsusulat. Kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng panahon. Lumabas ako ng gate namin at tumawid papunta sa gate nila. Binuksan naman ang maliit na gate nila ng security guard nila na ako mismo ang nagbigay sa kanila. Isa kasi sa security agency ang business namin.
Nginitian ko lang ang guard at dumiretso akong umupo sa tabi ni Diane. Nagulat pa ito ng makita akong umupo sa tabi nya. Gulat na tiningnan nya ako pero nginitian ko lang sya ng matamis.
Akala ko ngingitian nya rin ako pero hindi. Seryoso nya lang na binalik ang atensyon sa ginagawa nya.
"Busy?" Tanong ko para magpapansin dahil hindi nya ako kinikibo.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang buhay nyang tanong sakin. Nasaktan naman ako sa tanong nya dahil pakiramdam ko ayaw nya akong nandito sa tabi nya.
"Wala lang!" Sinayahan ko nalang ang sagot ko para hindi nya maramdamang nasaktan ako sa tanong nya. "Bakit?.. ayaw mo na ba akong nandito?"
"Wala ka bang trabaho?" Seryoso nyang tanong sakin na hindi man lang ako tinintingnan.
"Wala!... nagleave ako for two days!" Akala ko itatanong nya sakin kung bakit ako nagleave pero hindi na ito nagsalita ulit at itinuloy lang ang drawing nya. "Nagtatampo ka pa rin ba sakin?"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...