DIANE
"So anong gagawin mo kung hindi nya pirmahan ang annulment paper?" Tanong sakin ni Ate Yanna. Kasalukuyan kaming nasa opisina nya para mapag usapan ang company ni Papa na ako na ang nagmamay ari ngayun. Pero heto annulment namin ni Tristan ang napag usapan namin.
"Ewan ko ba naman kasi sa lalaking yun!" Naiinis kong sabi kay Ate Yanna. "Dati sya tong adik na adik na mapirmahan ang annulment paper. Ngayun naman sya itong ayaw!... Balak nya ba talaga akong pahirapan?"
"Baka naman alam nya na ang totoong nangyari kaya ganun!"
"Wala akong pakielam kung alam nya na o hindi!"
"Sure ka?... Edi ba mahal mo yun?"
"Dati yun Ate nuong akala ko matalino sya pero hindi pala kasi uto uto pala sya!... Nakakaturn off!"
"Sabi mo e!" Nagkibit balikat pa sya ng sabihin yun sakin. "Change topic!... Ano plano mo sa company ng Papa mo?"
"Balak ko sana Ate... Hawakan ko na yun habang tinatapos ang pag aaral ko!"
"Kaya mo ba?... Kasi siguradong mababawasan mo ang oras mo kay Christian!" Nag aalalang tiningnan nya pa ako. "Isa pa kailangan mong pumunta dun sa New York at Europe para bisitahin ang mga businesses na nalipat sayo kaya siguradong malaking adjustment ang mangyayari!"
"Kailangan e!" Nag aalala rin ako dahil baka mapabayaan ko ang anak ko. "Kung kumuha na kaya ako ng yaya?"
"Pwede!" Anya na tatangu tango pa. "Tapos kapag may available time ka pwede kitang itrain pa para mas makatulong sayo!... Ang problema lang lagi ka siguradong wala at maapektuhan ang pag aaral mo!"
"Anong gagawin ko?" Ngayun ko lang naisip ang problemang pinasok ko dahil sa bwisit na company ni Papa na nailipat sakin.
"May alam ako kung sino ang makakatulong sa problema mo?" Parang iba ang dating sakin ng pagkakasabi nya nun. Nakakakaba. Kaya nanahimik na lang ako at naghintay ng sasabihin nya. "Si Tristan!"
"Nang aasar ka ba?" Pikon kong tanong.
"Sya lang naman kasi ang nakilala kong tao na kayang mag handle ng mga businesses nya dito sa pilipinas and at the same time sa abroad!" Paliwanag nya sakin na seryoso pa.
"Ibenta ko na lang yun kesa naman lumapit ako sa ungas na yun!" Napa irap pa ako ng sabihin ko yun.
"Kung ayaw mo edi si Eric or Eugene!" Suggestion nya pa sakin. Na lalong kinainit ng ulo ko.
"Wala ka na bang ibang kilala na maliban sa tatlong yun?" Inis na tanong ko.
"Mga business tycoon kaya ang mga yun at mga magagaling humandle ng multiple business here and abroad!"
"Ibenta ko na lang!" Mabilis na sagot ko.
"Tumigil ka nga dyan!" Inis na sagot sakin kaya nangiti ako dahil napikon ko rin sya. "Si Jorge tanungin mo?"
"Si Kuya Jorge?" Takang tanong ko sa kanya.
"Oo!... May mga businesses din yun sa abroad at dito liban pa sa pagiging attorney... Isa kaya syang Marquez!... Anak sya ni Ninong Dave Marquez na kilala din sa business world!"
"Talaga!" Gulat ma tanong ko.
"Oo!... Bigatin ang kinakapatid kong yun!... Balita ko nga naka arrange marriage yun kaya medyo stress!"
"Stress na nga dadagdag pa ako!" Disappointed kong sagot.
Matapos namin mag usap ni Ate Yanna ay umuwi na rin ako agad. Namimiss ko na agad ang baby Christian ko.
Pero sa gate pa lang nakita ko na agad ang sasakyan na nakaparada sa harap kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang sasakyan nato pero mamahalin.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
Roman d'amourPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...