NAKITA kong pumasok si Kuya Tristan sa pinto ng restaurant inililibot nito ang mata nya sa kabuuan ng restaurant. Pero hindi nya pa rin ako nakikita.
Nagulat si Ate Yanna ng bigla akong tumayo at tumakbo papunta sa Kuya Tristan ko. Bigla na lang akong yumakap sa Kuya Tristan ko at umiyak ako ng umiyak. Namiss ko sya, namiss ko talaga sya ng sobra.
Ginantihan nya ako ng yakap at napakahigpit nun. Hindi talaga ako bumitaw at umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib nya. Nararamdaman ko pang hinihimas nya ang likod ko.
"Ssshhhh!, Baby!" Malambing na sabi nya sakin habang hinihimas ang likod ko at nararamdaman ko pang ilang beses nyang hinalikan ang buhok ko. "It's okay... I'm here!... No worries now!"
"Kuya!...." Nasagot ko lang sa kanya habang umiiyak ako.
Matagal bago ako nahinto sa pag iyak ko. Bumitaw na ako ng yakap sa kanya. At hinarap ko sya. Alam ko pagagalitan nya ako dahil sa ginawa ko. Chineck naman ako ni Kuya Tristan kung may galos ba ako o kung ano. Nang mapagtanto nyang okay naman ako nakahinga sya ng maayus.
"Kuya!... Sorry!" Humihikbi pa ako habang sinasabi ko yun. Pinunasan ni Kuya Tristan ang luha ko sa pisngi.
"Maupo muna tayo!" Malambing na sabi nya. Kaya naman inaya ko sya papunta sa table namin ni Ate Yanna pero natigilan ako ng marinig ko si Kuya Eugene.
"Ako ba hindi mo yayakapin?" Nagtatampong sabi nya. Kaya nangiti ako. "Tsss!... Nag alala din kaya ako!"
"Kuya Eugene!" Tawag ko sa kanya at niyakap ko din sya. Gumanti sya ng yakap sakin at saglit lang ay naghiwalay na kami. "Dun tayo!"
Hinatak ko silang dalawa sa pwesto namin ni Ate Yanna. Nahinto si Kuya Eugene ng makita si Ate Yanna. Nakatayo na kasi si Ate Yanna at nakatingin samin.
"Mga Kuya si Ate Yanna. Sya yung tumulong sakin nitong mga nakaraang araw!" Nakangiti si Kuya Tristan pero si Kuya Eugene ay natulala. "Ate Yanna, si Kuya Tristan at Kuya Eugene!"
Nagkamay sila at naupo na kami. Pero napansin kong parang napakunot ang noo ni Ate Yanna. Katabi ko si Ate Yanna at kaharap ko si Kuya Tristan at katabi naman nya si Kuya Eugene.
"Bakit mo ba ginawa yun baby?" Seryoso na ang boses nya. Hindi tulad kanina na malambing. Heto na for sure sesermunan na ako. "Nag alala kaming lahat sayo. Bakit ba hindi mo muna inisip na may mag aalala sayo bago ka maglayas?."
"Kuya... Sinabi mo ba kay Papa?" Natakot ako baka kasi sinabi nya siguradong babanggitin din yun kay Mr. Garman.
"Wala pa akong pinagsasabihan si Eugene pa lang!" Sagot nya sakin na halata pa rin ang pag aalala kaya naman napayuko ako. Si Kuya Eugene naman tahimik na nakatitig kay Ate Yanna. "Ano bang nangyari?"
Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari bago ako lumayas samin. Nakita ko ang pag igting ng panga nya sa galit at ang pagtikom ng kamao nya na nanginginig pa sa galit.
"Dun ka muna sa resort!" Napatingin ako sa kanya sa sinabi nya sakin. Nakita ko sa mga mata nya ang galit. "Dun ko dadalhin si Ninang at Mom... Pag uusapan natin ang dapat nating gawin!"
"Okay po Kuya Tristan!" Nahihiyang napayuko na naman ako.
"Next time sasabihin mo muna sakin ang problema bago mo maisipang maglayas!" Bulyaw nya sakin. Ramdam ko ang galit nya. "Halos mabaliw ako sa pag aalala sayo... Lahat kami walang maayus na pahinga dahil hinahanap ka namin!"
"Sorry po!" Naiiyak nanaman ako dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko para pakalmahin ako.
"Tama!" Napalingon kaming dalawa kay Ate Yanna. Nakita ko ang paulit ulit na pagpapalitan nya ng tingin sa dalawa kong kuya. "Ikaw si sir Dela Vega diba? at ikaw yung sikat na janitor namin!"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...
