Kinakabahan ako habang nandito sa labas ng gate ng mansion ng mga Dela Vega. Hindi ko na sinama si Ate Yanna dahil sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari. Iniwan ko na rin muna sa kanya ang anak ko. Saka ko nalang sya isasama kapag nakausap ko na sila.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nag doorbell. Maya maya pa ay nagbukas na ang gate at dumungaw ang isang babae.
"Sino po sila?" Tanong nito sakin ng makita ako. Bago lang ito dahil hindi ko sya kilala.
"Nandyan ba si Tristan?" Casual na tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya.
"Nandito, pero sino ka ba?" Nagulat naman ako sa pagtataray ng babaeng ito. Pero hindi ko nalang sya papansinin hindi naman kasi sya ang pinunta ko dito.
"Pakisabi si Diane!" Seryosong sagot ko sa kanya at hindi ko na rin sya binigyan pa ng ngiti.
"Sinong Diane?" Dagdag na tanong nya na nagtaas pa ng kilay.
"Sino yan?" Si Tristan yun sigurado dahil kilala ko ang boses nya. Nilingon naman ito ng babae.
"Sir, Diane daw po!" Nakita ko pa ang pagpapacute ng babaeng to sa asawa ko.
"Papasukin mo!" Narinig kong sabi nya.
Ibinukas na ng babae ang gate ng para makapasok ako nakita ko pa ang pag irap nya sakin. Kaya naman napataas na lang ako ng kilay.
Nasa sala si Tristan ng pumasok ako. Nakaupo ito sa mahabang sofa at seryosong nakatingin sakin.
"Mabuti naman at naisipan mo ng umuwi sa legal mong asawa!" Sarkastikong sabi nya sakin. Ramdam ko ang galit sa mga salita nyang yun kaya naman lalo akong kinabahan. "Kumusta ang buhay kasama ang kabit at bastardo mong anak!"
"Ha?" Naguguluhan kong sagot sa kanya. Ano bang pinagsasabi nya.
"Oh! Come on!... Stop playing games with me bitch!" Nagulat ako sa tinawag nya sakin. Ako ba ang kinakausap nya talaga kasi hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya sakin. "So ready ka na ba pumirma sa anullment paper?"
"Tristan!..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sya na mismo ang nagpatigil sakin.
"Hindi ko kailangan ang kahit na ano sa iyo.. pirma mo lang kailangan ko para maging malaya na ako sa pagkakatali ko sa babaeng tulad mo!" Galit na sabi nya.
"Tristan hayaan mo muna sana ako magpaliwanag!" Naiiyak na ako sa mga sinasabi nya sakin.
"Tumigil ka!" Sigaw nya sakin kaya naman natulala ako sa takot sa kanya dahil sa pagsigaw nya sakin. At hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. "Wow!... What an actress!" Natauhan naman ako sa sinabi nyang yun sakin. "Hindi tatalab sakin yan... Pirma lang kailangan ko."
"Tristan... Ayoko!" Tutol ko sa kanya dahil yun na lang ang nagsasalba sakin para hindi ako mapunta kay Garman.
"Ano pang kailangan mong babae ka ha?" Sigaw nya sakin at napatayo pa sya kaya napatingala ako para tingnan sya. Hindi huminto ang pagtigil ng mga luha ko. "Matapos mo akong gaguhin at tarantaduhin ayaw mo pa ring makipaghiwalay sakin!"
"Pakinggan mo muna kasi ang paliwanag ko!" Napahagulgol na ako sa iyak. Pero matalim lang na tingin ang binato nya sakin kaya naman lalo akong natakot.
"Ano pa bang ipapaliwanag mo e alam ko na naman ang lahat!" Gigil na sabi nya. "Niloko mo ako!... Nakipagtanan ka sa lalaki mo at ngayun masaya ka na sa piling nya at ng anak nyo!"
"H-hindi.. Tristan... N-nagkakamali ka.." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Huling huli ka na nagdedeny ka pa!" Galit sabi nya sakin.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...