Paano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang maghintay ng tamang edad kung tadhana na talaga ang gumawa ng paraan para ipamukha sa iyo na sya talaga ang nararapat na tao para sayo? Paano kung dahil sa maling paniniwala mo ay nasaktan mo sya at ikaw pa ang naging dahilan para mapahamak sya?