CHAPTER 23:

48 1 0
                                    

DIANE

Sa totoo lang hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayun. Nitong mga nakaraang araw naguguluhan na ako. Para kasing nag kaka crush na ako kay Kuya Tristan o nasasanay na lang ako na lagi syang nandyan.

Madalas may pasalubong pa rin sya sakin. At iba ang atensyon na binibigay nya sakin. Kapag umuuwi sya ng gabi ay hindi ako mapakali. Gusto ko lagi ko syang nakikita.

Ano bang nararamdaman ko talaga?

Nung isang gabi hindi sya nakauwi dahil may event daw ulit na dinaluhan sya. Akala ko okay lang pero napanood ko kinabukasan sa balita may kasama syang babae sa event. Parang nagseselos ako nun. Bakit ako nag seselos? Samantalang kay Kuya Grey hindi naman ako selosa.l

Pero naisip ko baka kaya ako nagseselos kasi sila nakakalabas ako nandito lang sa loob. Hindi pwedeng lumabas dahil sa matandang Mr. Garman na yun.

Sabi kasi ni Mama sakin pinaghahanap na ako nila Papa at kapag nakita daw ako ay hindi na ako makakatanggi pang magpakasal sa matandang yun.

Lagi na lang daw sila nag aaway ni Papa dahil naghihinala na daw si Papa na may kinalaman si Mama at Kuya Tristan sa pagkawala ko. Nang dahil dun hindi na kami nagkikita ni Mama para masigurong ligtas ako.

Natatakot akong lumabas kaya naman itinigil ko na ang pangungulit kay Kuya Tristan sa paglabas ko para mamasyal. Pero nagseselos naman ako kapag nalalaman kong may kasama syang ibang babae para umattend ng event. Nahihiya naman akong magtanong kung sino yung mga babaeng yun wala naman akong karapatan diba?.

Minsan iniisip ko baka isa sa mga babaeng yun ang babaeng mahal ni Kuya Tristan. Nagseselos talaga ako sa kanya.

Kaya naman napag isip isip kong kailangan makalabas na rin ako ng bahay. Pumayag na ako sa kasal na inaalok ni Kuya Tristan. Tutal may deal naman kami.

Sa totoo lang masaya ako kasi sya ang mapapangasawa ko. Hindi ko alam kung bakit pero masaya talaga ako. Sa tingin ko iba si Kuya Tristan sa paningin ko. Crush ko na ata sya talaga. Kaya lang hindi naman ako ang gusto nya.

Isang taon ang alam kong usapan namin tungkol sa kasal kahit sa isip ko sana hindi lang isang taon.

Teka hindi na nga pala dapat Kuya ang tawag ko. Kinikilig ako kanina nung papiliin nya ako kung anong gusto kong itawag sa kanya pakiramdam ko nga nag init ang pisngi ko sa tanong nya.

"Parang gusto ko yung love." Ay! ano ba yan? "Itigil mo nga yang pinagsasasabi mo Diane!" Parang baliw na sita ko sa sarili ko.

Basta hindi ako papayag na mambabae pa sya kapag kinasal kami, dapat ako lang dahil mag asawa na kami at bawal ang kabit.

"Naku! Naku! Naku!" Nasambit ko ng maisip ko ang kabit. "Hindi pwede ang kabit!.. bawal!.. hindi ako papayag na may kabit sya!"

Nakausap na namin sila Mama at Ninang tungkol sa kasal. Sa araw mismo ng birthday ko ang kasal. Civil wedding lang tulad ng sabi ni Kuya Tristan.

Seryoso ang usapan namin dahil si papa daw hanggang ngayun hindi tumitigil sa paghahanap sakin sa tulong daw ni Mr. Garman. Kaya kailangan matuloy na ang kasal namin para matahimik na kami.

Isa pa gusto ko ng makapag aral ulit nahinto na ako ng isang taon kaya nanghihinayang ako.

"Kain na tayo!" Aya ni Kuya Tristan este Tristan pala. Sabi nya ngayun palang dapat sanayin ko na ang sarili ko na hindi sya tinatawag na Kuya.

Sumunod na ako sa kanya papunta sa dining area nya. Maaga syang umuuwi ngayun at hindi na sya nagpapagabi. Mabuti nga yun para nasa akin na lang ang atensyon nya.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon