CHAPTER 3:

61 3 0
                                    

TRISTAN

GABI na ako nakauwi galing sa opisina. Sa totoo lang hindi naman na ako nakapagtrabaho ng maayus dahil sa nangyari kanina. Hindi ko akalain na pupuntahan ako ni Diane sa opisina. Nandun pa naman ang bago kong syota... Wait!... Ano nga pa lang pangalan nun?... Mabuti na lang at hindi pa kami nakakarating sa mainit na bakbakan namin ng biglang pumasok si Diane.

Nag init pa ang ulo ko ng sabihan ng babaeng yun si Diane ng bitch. Kung wala lang sa harapan ko si Diane ay baka sinapak ko na ang babaeng yun. Ang kapal ng apog nun na pagsalitaan ng ganun ang babaeng mahal ko. E parausan ko lang naman sya.

Bakit ba kasi hindi ko naalalang ilock ang pinto. Hindi ko rin naman kasi akalaing may papasok ng basta basta sa opisina ko dahil alam kong nasa labas ang secretary ko at binilanan ko itong wag magpapasok ng kahit na sino. Pero siguro nasanay na lang din ako dahil sadya ko naman talagang hindi nila lock ang pinto ko dahil iniisip ko na papasok si Diane. Pero iba na ang sitwasyon ko kaya dapat ay matuto na akong maglock bilang hudyat ko kay Diane na dapat ay dumistansya sakin.

Damn. Hindi ko naman gustong pagsalitaan ng hindi maganda si Diane pero gusto ko lang pagtakpan yung kahihiyan ko kanina kaya inunahan ko na lang ng galit. At isa pa sinusubukan ko na rin kasing umiwas sa kanya baka sakaling mawala ang nararamdaman ko. Naumpisahan ko na nga, isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Diane dahil lagi akong late umuwi galing trabaho at sinasadya ko yun.

Sa loob ng isang linggo ay halos mabaliw na ako kakaisip sa kanya. Namimiss ko na sya pero tinitiis ko dahil gusto kong subukan na kalimutan sya.

Sa totoo lang natuwa talaga ako ng ilagay nya sa table ko yung card nya at sabihing gusto nya akong makadate bukas pero nakakompromiso na kasi ako sa isang kabusiness ko na magpupunta kami sa isang resort na balak ko sanang bilhin para kay Mom. Tuwing weekends lang kasi yun available. 

Mabuti na rin siguro yun para tuluyan ko syang iwasan. Ang kaso lang nasaktan ako ng makita kong naiiyak na si Diane kanina. Gusto ko syang habulin at yakapin kaso pinigil ko ang sarili ko.

Bigla pa akong nakaramdam ng selos ng maisip kong baka may iba syang ayain na lalaki na makadate sya kaya hindi ko rin sya pinayagan na magpunta sa party na yun. Mahirap na baka may mangyaring hindi ko magustuhan ay makapatay pa ako ng wala sa oras.

KINABUKASAN ay madaling araw pa lang umalis na ako sa mansion. Hindi na ako nag abalang gisingin si Mom para magpaalam baka kasi nandun sa kwarto nya si Diane minsan kasi magkatabi matulog ang dalawa kapag dun nagpapalipas ng gabi si Diane.

Balak ko na rin na dun magpalipas ng dalawang araw sa resort para makaiwas na rin dahil alam kong nasa bahay lang si Diane dahil walang pasok sa school yun. Mahirap na baka mapunta lang sa wala ang naumpisahan kong pagtitiis.

NAPAKAGANDA nga ng lugar. Nakakapagod ang binyahe ko papunta dito, napakalayo naman kasi. Pero worth it naman ang view at nakakawala ng pagod. Ang beach dito ay napakalinis, kulay asul ang dagat at napaka presko ang paligid kung titingnan mo. Limitado lang ang guest nila na pinapapunta dito dahil ayaw ng may ari ng masyadong crowded. Gusto din kasi nila na mapanatili ang kalinisan dito kaya naman napagdesisyunan ko na bilhin ito. Pero kapag ako na ang may ari nito ay gusto kong gawing exclusive to para samin lang ng Mom ko.

"Mr. Dela Vega!..." Nahinto ang iniisip ko ng marinig ko ang lalaking nasa likod ko.

"Mr. Smith!..." Bati ko rin sa kanya at inabot ang kamay ko para makipag kamay. Sya ang may ari ng resort na ito. Ibebenta nya na ito dahil plano na ng pamilya nya na mag migrate sa states. "I like it!"

"Then buy it!" Natatawang sagot nya pa sakin.

"Yes!... Actually I am!" Yun lang at inaya nya na ako sa opisina nya para magkapirmahan na ng mga dokumento. Inabot din kami ng ilang oras dahil itinour nya pa ako sa buong resort. Napakaganda nito kaya alam kong jackpot ako dito.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon