DIANE
"I'm really sorry baby but I really need to be with your papa..." Malungkot na paliwanag sakin ni mama. Aalis kasi ito at pupuntahan si papa dahil nagkakaproblema daw sa business namin sa ibang bansa. "Naiintindihan mo naman si mama diba?"
"But Mama... Two days na lang birthday ko na!..." Nagtatampong sagot ko sa kanya. "Mag isa lang akong mag secelebrate?"
"I know but i promise you babawi ako... Baby I just really need to be there.." paliwanag pa ni mama sa kin. Kaya naman wala na akong nagawa at malungkot na tumango na lang sa kanya.
"Thank you for your understanding baby!" Nakangiting sagot nya sakin. Bukas ng madaling araw ang biyahe ng mama ko. Kaya siguradong pag gising ko bukas ay nakaalis na si mama. "Nakausap ko na rin si ninang Serena mo para dun ka muna sa kanila habang wala ako!"
Sayang ang hinanda kong card para sa kanya. Gumawa ako ng card para ibigay sa kanya para sya ang makadate ko sa birthday ko pero mukhang masasayang lang ang effort ko, hindi na nga naghanda para sa birthday ko wala pa akong ka date or kasama man lang dito sa mansyon. Ang laki laki ng mansion pero palagi namang walang tao. Parang mas nakatira pa ako sa mansion ng mga Dela Vega kesa dito sa sarili naming mansion dahil laging wala akong kasama. Laging out of town si mama dahil sa mga kumpanya namin, si daddy naman ay halos hindi na umuuwi ng pilipinas na dahil busy rin sa pagpapatakbo ng kumpanya namin sa Europe.
Mayaman nga kami, pero hindi naman kami magkakasama. Bakit sila Kuya Tristan kahit may sariling kumpanya at businesses ay laging may time para magkasama sila nila ninang Serena?... E kung tutuusin nga ay mas mayaman sila samin.
Nakatulugan ko na lang ang paghihimutok ko sa mama at papa ko.
Tulad nga ng inaasahan ko nakaalis na si mama pag gising ko ng umaga. May iniwan pang sulat ang mama ko sa tabi ng unan ko. Pero sa inis ko ay hindi ko iyon pinansin. Dumiretso na lang ako sa banyo para makapag handa sa pagpasok ko sa school. Isang buwan na lang at gagraduate na ako ng high school kaya kailangan kong pumasok para hindi masira ang iniingatan kong grades.
NAISIPAN kong puntahan si Kuya Tristan sa opisina nya pagkatapos ng klase ko. Sya na lang ang aayain kong makadate bukas. Dinala ko pa ang card na ginawa ko para ibigay sa kanya na dapat ay para sa Mama ko. Siguro naman ay hindi nya ako tatanggihan dahil alam kong alam nya na birthday ko bukas.
Atleast kahit papaano may makakasama akong mag celebrate ng birthday ko tutal taon taon naman ay naaalala ni kuya ang birthday ko. Nitong nakaraang isang linggo ay naging busy ito sa trabaho at hindi ko nakikita kaya namimiss ko na rin sya.
Nang maihatid ako ng driver namin sa building nila Kuya ay bumaba na agad ako ng kotse at dumiretso na ako papasok sa loob. Kilala na ako ng mga empleyado dito kaya hindi nila ako sinisita kapag nag pupunta ako dito.
Excited pa akong sumakay sa private elevator papunta sa pinaka taas na floor kung nasaan ang opisina ng CEO na si Kuya Tristan. Nang bumukas na ang elevator ay nagmamadali akong pumunta sa opisina niya. Hindi naman ako napansin ng secretary ni kuya dahil busy ito pero okay lang dahil hindi naman ako pipigilan nito dahil sanay na ito sakin.
Hindi ako kumatok basta binuksan ko na lang ang pinto para makapasok. Okay lang naman na gawin ko yun dahil lagi ko naman yung ginagawa. Pero nagulat ako ng makita ko si Kuya Tristan na may kahalikang babae at di lang yun dahil wala ng damit yung babae na pang itaas. Nakabra na lang ito at naka suot ng maikling palda. Nakaupo ito sa binti ni Kuya Tristan na nakahiwalay ang dalawang hita. Ang isang kamay ni Kuya Tristan ay humihimas sa likod ng babae at ang isang kamay ay nakapasok sa loob ng bra at nakahawak sa dibdib nito.
Sa gulat ko sa nakita ko ay napasigaw ako at gamit ang dalawang ko ay nagtakip ako ng mga mata ko. Nahinto naman sa ginagawa ang dalawa at napalingon sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/292079504-288-k812722.jpg)
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...