SERENA
Paglabas ni Diane sa gate ay galit na bumalik ako sa loob. Nakita ko si Dianna na nakaupo sa sofa at nakatulala.
"Anong klase kang ina!" Galit na singhal ko sa kanya. Nakita ko pa ang gulat sa mukha nya ng marinig ako. "Ni hindi mo man inalala ang anak mo kung kumusta na ba sya o kung ano ang naging buhay nya sa loob ng dalawang taon!"
"Bakit pa?... Sinabi na nga ng private investigator ang nangyari sa kanya diba at may ebidensya pa!" Sarkastikong sagot nya sakin.
"Yun lang ang dahilan mo kaya hindi pinakinggan muna ang paliwanag nya!" Hindi makapaniwalang singhal ko. "Ikaw ang ina nya pero hindi mo man lang sya binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili nya!... Kung anu anong sumbat agad ang binungad mo... Ni hindi mo nga tinanong kung kamusta ang apo mo!"
"Serena!" Inis na tawag nya sakin pero hindi ko na sya binigyan pa ng pagkakataon na makapagsalita. "Hindi ko matatanggap ang batang yun!"
"I can't believe you!" Gulat na sabi ko dahil sa sinabi nya. "Pati bata idadamay mo sa pagkakamali ng ina nya?... Anong klase kang lola?... Kung sabagay... Tama naman sya e... Hindi ka naging ina sa kanya dahil lagi kang wala kaya okay lang sayo kung hindi mo malaman kung okay ba sya o kung may tutuluyan ba sya dito sa manila!... Kaya ano pa ba ang aasahan ko sa pagiging Lola mo?... Wala kang alam sa pagiging ina kaya mas wala kang alam sa pagiging lola!" Galit na tuya ko sa kanya. "Dahil kung tutuusin hindi mo kilala ang anak mo!"
"Mom!" Napalingon pa ako kay Tristan nang marining ko syang tawagin ako nakalabas na pala ito ng library. "Bakit parang kami pa ang may maling ginawa?"
"Dahil hindi nyo nararamdaman ang nasa dibdib ko ngayun!" Galit na sigaw ko kay Tristan. "Naiintindihan kita kung bakit ka nag kakaganyan pero ang babaeng ito hindi... Dahil kung tutuusin sya ang dapat na nagtatanggol sa anak nya pero sya pa mismo ang hindi nakinig sa anak nya!"
"Mom!... Please!... Sya ang dapat na sisihin mo sa mga ginawa nya!" Paliwanag nya sakin pero hindi ko pa rin mapigilan ang sakit na nararamdaman ko.
"Madali para sayo na sabihin yan dahil galit ka!... Pero ako hindi nyo kailanman maiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi naman kayo ang naging ina sa kanya kundi ako... Kaya alam ko ang hirap na nararamdaman nya ngayun!... At ako lang naniniwala sa kanya!"
Galit na tinalikuran sila at umakyat papasok sa kwarto ko.
"Mom!" Narinig ko pang tawag sakin ni Tristan pero hindi ko sya pinansin at tuluy tuloy lang ako sa pag akyat.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay hindi ko na napigilan ang pag iyak. Hindi mawala saking isipan ang panginginig ni Diane kanina sa sobrang galit at sakit na nararamdaman nya. Ang reaksyon nya sa sampal sa kanya ng Mama nya.
Alam kong hindi ako ang tunay nyang ina pero halos ako na rin ang nagpalaki sa kanya dahil lagi syang nandito sa mansyon. Mas naging bahay nya pa nga ang mansyon ko kesa sa mansyon nila dahil mas matagal syang nagstay dito.
Umpisa pa lang alam ko na may parang mali at ilang beses kong sinabi sa kanila yun pero hindi sila sakin nakikinig.
Maya maya ay narinig ko ang katok sa pinto at ang pagbukas nito pero hindi ko pinigilan ang pag iyak ko dahil nasasaktan talaga ako.
"Mom!" Malambing na tawag nya sakin at tumabi sakin sa pagkakaupo.
"Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya at pinagkakatiwalaan nya pero ikaw mismo ang bumalewala sa kanya anak!" Hinanakit ko sa kanya na lalong ikinaiyak ko. Nakita ko naman ang pagyuko sya.
"Ano pa bang dapat kong marinig sa kanya? Alam ko nanaman ang lahat dahil sa private investigator na kinuha ko!" Seryosong sagot nya sakin. "Siguradong magsisinungaling lang yun!"
![](https://img.wattpad.com/cover/292079504-288-k812722.jpg)
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...