CHAPTER 34:

42 1 0
                                    

Hapon natapos ang mga klase ko sa university. Itinuloy ko ang pag aaral ko sa DV university. Mabuti na nga lang at nakapagtransfer ako from cebu. Dalawang taon na lang ay matatapos na din ako kaya kailangan kong tyagain.

Medyo nahihirapan na rin ako dahil nag wowork from home rin ako para asikasuhin ang business ko sa ibang bansa. Mabuti na lang at nandyan si Ate Yanna para suportahan ako. Kung minsan nga ay tinutulungan din ako ni Kuya Eugene at Kuya Eric.

Nung una ay ayoko dahil naiisip kong kaibigan pa rin sila ni Tristan pero sila na rin ang nagsabi sakin na hindi nila iyon ginagawa para kay Tristan kundi para sakin dahil ako pa rin naman daw ang bunso nila.At aaminin ko na napakaswerte ko dahil may mga Kuya akong tulad nila.

Lagi rin akong may natatanggap na cake at chocolate. Kung minsan ay bouquet of tulips na galing kay Tristan. Talagang alam na alam ng matandang yun ang mga paborito ko. Pero hindi ako makukuha sa mga panunuyo nyang ganyan.

Madalas nya ring dalawin ang anak namin kapag wala ako sa bahay. Yun ang sabi ni aunt Mina. Kaya kahit papano ay natutuwa ako dahil nararamdaman ni Christian ang pagkakaroon ng ama.

Palabas na sana ako ng university ng magring ang cellphone ko. Pero unregistered number lang kaya hindi ko sinagot pero nag ring ulit kaya sinagot ko na rin para malaman kung sino ang tumatawag.

"Hello!... Who's this?" Sagot ko habang naglalakad palabas ng university.

[" Anak!"] Napakunot ang noo ko at natigil sa paglakad ng marinig ko ang boses nya.

"Papa?" Gulat na sagot ko.

[" Ako nga anak!... Pwede ba tayo magkita?"] Nakakagulat na parang casual lang ang pagkakasabi nya nun sakin na parang walang syang ginawang mali sakin.

"Bakit?... Kailangan ba?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.

["Sige na anak... Gusto kitang makita e!"] Hindi ko mawari ang boses nya kung kabado o excited.

"Busy ako!" Tipid na sagot ko sa kanya.

[" Ganun ba edi puntahan na lang kita sa tinitirhan mo para makapag usap naman tayo!... Sabihin mo lang kung saan"]

"At bakit ko naman sasabihin sayo kung saan ako nakatira?" Iritang sagot ko.

["Please anak!... Namiss ka na ni Papa!"] Malambing na sabi nya pa sakin kaya lalo kong naisip na may iba syang dahilan.

"Kung ganun, maghintay ka kung kelan ako hindi busy!" Yun lang isinagot ko at ibinaba ko na tawag nya.

Kabastusan man ang ginawa ko dahil kahit papano ay ama ko pa rin sya pero hindi maalis sakin ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Dahil hanggang ngayun ay hindi ko pa rin matanggap na ako ang ipinambayad nya ng mga utang nya. Walang kwentang ama sya para sakin at napakasakit na magkaroon ng ama na tulad nya.

Nang akmang papara ako ng taxi ay may biglang humintong itim na Chevrolet sa harap ko. Kaya parang nainis ako. Ibinaba nito ang salamin sa bintana at nakita ko si Mang David ng silipin ko kung sino ang driver.

"Mang David!" Gulat na tawag ko sa kanya.

"Senyorita!... Sakay na po kayo... Ako po ang sundo nyo simula ngayun!" Magalang na sabi nya sakin.

"Po?" Takang sabi ko na lang.

"Utos po ng asawa nyo!" Alanganing sabi nya sakin. Bumaba pa ito at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Kaya ayun wala na akong nagawa kundi ang sumakay.

"Musta na po kayo Mang David?" Tanong ko sa kanya ng makasakay na sya ng sasakyan.

"Okay naman po senyorita!" Malambing na sagot nya sakin. "Matagal rin po akong nawalan ng trabaho kasi po nawala kayo ng matagal!"

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon