DIANE
Nagising ako sa isang ospital. Alam kong ospital dahil sa amoy at itsura ng lugar.
"Thank god your awake!" Sagot ng isang babae na nagmamadaling lumapit sakin. Anghel ba sya? Kasi napakaganda naman nya. Hala! langit ata ang napuntahan ko dahil may anghel na napakaganda na lumapit sakin. Wait! She looks familiar. "Are you okay?"
"Medyo nahihilo lang po!" Sagot ko na nahihiya dahil nag alala sya sakin. parang may kamukha sya e. Di ko lang maalala. "Ano pong nangyari?... Nasaan po ako ako?... Patay na po ba ako?... Namatay po ba ako sa gutom?"
"Of course not baby!" Malambing na sagot nya sakin na natatawa pa. "Nakita kita kanina na parang nahihilo sa gilid ng kalsada kaya napalapit ako sayo... Mabuti na lang malapit na ako ng mawalan ka ng malay, kaya nasalo pa kita!"
"Ganun po ba?" Naiiyak na sagot ko. Napa yuko pa ako sa hiya.
"Ang sabi ng doctor nalipasan ka na ng gutom!" Paliwanag nya sakin na nag aalala ang itsura. "Ano bang nangyari sayo? Hindi ka naman mukhang pulubi dahil sa itsura mong yan mukhang laking mayaman ka!"
"Sorry po!" Yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko talaga maalala. Siguro kamukha lang.
"Alam mo ba kung paano makocontact yung family mo?..."nagulat ako sa tanong nya kaya hindi ko na sya pinatapos.
"Wag nyo po muna ako ibibigay sa Papa ko miss!" Takot na pakiusap ko sa kanya. "Please lang po!"
"Okay... Okay!" Pagpapakalma nya sakin. "Don't call me miss, call me ate Yanna... How about you?... What's your name?"
"Diane po!" Nahihiyang sabi ko sa kanya ang ganda nya kasi kaya nahihiya ako sa kanya.
"Okay!... Hindi ko muna itatanong sayo ang family mo!" Seryoso sya sa pagsasabi sakin pero bakit ganun napaka amo talaga ng mukha nya at talagang para syang anghel. "Naghanda ako ng lugaw dito para makakain ka kahit papano... Bawal pa kasi ang ibang pagkain dapat daw malalambot lang para hindi mabigla ang tyan mo!"
Napakabait nya sakin. Sinubuan nya pa ako para makakain lang. Marami syang naikwento sakin tungkol sa buhay nya. At sabik na sabik sya sa kapatid kaya daw magaan ang loob nya sakin.
Pagdating ng hapon ay nakalabas na ako ng ospital. Isinama nya na lang ako muna sa bahay nya. Sa Cavite pala sya nakatira at nandun lang sya sa laguna para umattend ng meeting. Sa manila pala sya nagtatrabaho pero may bahay sya dito sa Cavite. Magfile daw sya ng leave muna para may makasama ako dito sa bahay.
Mag isa lang syang nakatira sa maliit na bahay nya. May isang kwarto at maliit na kusina. May sofa din sya dito sa sala nya at TV.
"Maupo ka na muna dyan..." Napakalambing nya sakin talaga. "Diane kapag nauuhaw ka kumuha ka lang ng tubig dito sa ref ok?.. mag reready lang ako ng mamiryenda natin!"
"Opo Ate Yanna!" Sagot ko sa kanya. Maya maya ay lumabas na sya at may dala syang mamon at tubig na maligamgam.
"Inumin mo itong tubig na medyo mainit para naman mainitan ang sikmura mo!" Ininom ko naman. Natural kung ganito ba naman kaganda ang nag aalala sayo e talagang susunod ka na lang. "Kelan mo naman balak umuwi sa inyo?"
"Hindi ko po alam Ate!" Naiiyak nanaman ako.
"Ano ba kasi ang nangyari?" Malambing na tanong nya sakin kaya naman kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sakin kung bakit ako lumayas samin. "Edi sana kay Kuya Tristan mo ikaw tumakbo!"
"Hindi ko na po naisip!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Pero for sure... They are worried sick about you!" Nag aalala talaga sya sakin. "Okay pagbibigyan kita muna na hindi umuwi sa inyo pero hindi dapat magtagal dahil may mga taong nag mamahal at nag aalala sayo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/292079504-288-k812722.jpg)
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...