TRISTAN
Nagising ako ng may tumatapik sa pisngi ko.
"Tristan gising!" Hirap na sabi nya kaya napabalikwas ako at inalis ang kamay at paa ko na ipinatong ko sa kanya. "Sa wakas nakahinga rin ako!"
"Sorry wife!" Sa sobrang takot ko kasi na baka pag gising ko ay wala na ang misis ko ay talagang ipinalupot ko ang kamay ko sa kanya at pinatong ko pa ang paa ko para sigurado.
Napakasarap nga ng tulog ko dahil sa nangyari sa amin kagabi. Aaminin kong napagod ako at pinagod ko talaga sya dahil gusto kong samantalahin ang unang pagkakataon na maangkin ko sya ng paulit ulit.
"Ang bigat ng kamay at paa mo... Hindi ako makakilos!" Reklamo nito sakin kaya napakamot na lang ako ng ulo ko.
Lalo pa akong nataranta ng balak nyang tumayo pero napahiga lang sya muli.
"Ang sakit ng katawan ko!" Nangiti naman ako dahil sa totoo lang ako ang may kasalanan. Inalalayan ko syang umupo at natatawa ako dahil takut na takot syang matanggal ang kumot sa katawan nya.
"Sorry wife!... Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong angkinin ka ng paulit ulit dahil napakasarap mo!" Malambing na sabi ko at idinikit ko ang mukha ko sa leeg nya dahil gustung gusto ko ang amoy nya. Alam ko ring namumula sya sa sinabi ko kaya naman lalo akong nangiti.
Inamuy amoy ko ang leeg nya dahil ang sarap ng amoy nya. Ang bango ng misis ko . Nakakaadik. Nagigising tuloy ang alaga ko at hindi ko sinasadyang madikit ko yun sa hita nya. Isang malakas na hampas sa braso ko ang nagpatigil sakin sa pag amuy sa kanya. Napatingin ako sa kanya ng kunot ang noo. Ang sakit ng hampas nya.
"Pigilan mo nga yang alaga mo sa pagiging galit!" Natawa ako sa sinabi nya. "Ang sakit sakit Ng katawan ko at ng ano ko dahil sa pinag gagagawa mo kagabi tapos ayan na naman yan... Nangangalabit nanaman!"
"Bakit naman kasi nakakaakit ka!" Seryosong sabi ko dahil totoo namang naaakit ako sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin pero hindi ko yun inalintana. "Alam mo bang matagal ng sumasakit ang puson ko dahil sa pagpipigil ko sayo nun?... Kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ako kabaliw sayo ngayun!"
"Manyak!" Inis na sabi nya sakin kaya lalo akong natawa sa kanya.
"Alam mo bang hayuk na hayok ako sayo wife?" Pang aakit ko pa sa kanya habang hinihimas ko ang tyan nya hangang puson napapakagat labi pa ako. Gusto ko kasi maka isa pa. Breakfast in bed ba? Nakita ko pa ang paglunok nya ng laway nya. "Matagal kaya ako nagtiis na hindi mag init sa twing nakikita kita... Nakakainis ka nga... Wala ka namang ginagawa pero nag iinit na agad ako. Akit na akit ako sayo... Samantalang yung ibang babae kailangan pa nilang hintayin na mag init ako sayo bago nila ako matikman!"
"Bastos!" Nanlalaki ang mata nyang sabi nya sakin.
Hahalikan ko na sana sya para maumpisahan ko na ang bakbakan namin kaso biglang may kumatok sa pinto kaya nagkatinginan kami.
"Mommy! Daddy!" Maliit na boses ng anak namin ang narinig ko kaya napabuntong hininga ako. Naudlot ang plano ko.
"Ako na!" Tumayo ako at nag suot ng boxer short ko bago ako nagbukas ng pinto. Hindi ko nilakihan para hindi makita si Diane.
"Good morning son!" Bati ko sa gwapong anak namin. Napakaswerte namin dahil kay Diane iniwan si Christian ng tunay nyang ina.
"Morning Daddy!" Malambing na sabi nito na hinalikan pa ako sa pisngi kaya naman napangiti ako. Napakalambing ng anak ko. "Where's mommy!"
"Nakahiga pa sya love!... Pinagod kasi ni daddy kagabi!" Pilyong ngiti ang binigay ko sa anak ko na halata sa mukha ng anak ko na naguguluhan. "Where is your yaya?"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...