TRISTAN
Hindi ko alam ang gagawin ko sa galit at inis. Nasa loob ngayun ng visiting area si Calix at kausap ng asawa ko. Hindi ko nakayanan ang selos na nararamdaman ko lalo na nang isisi ni Diane sa annulment paper ang nangyari sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang dalawang to. Hindi ba nila inisip na mas nakabubuti pa nga sa kanila ang paghihiwalay namin dahil pwede na silang ikasal at magsama pero heto ako pa ang nasisisi.
Nagulat na lang ako ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Phoenix, ang pinsan kong hindi ko akalaing sundalo pala.
"What is it cous?" Walang ganang sagot ko sa tawag nya.
["I'm here at Eric's office, we need to talk!"] Ramdam ko pa sa boses nya ang excitement.
"Is that important?" Iritang tanong ko pa. "I'm busy right now!"
["Busy saan?"] Takang tanong pa nya kaya lalo akong nairita.
"Nandito ang kabit ni Diane at magkausap!" Galit na sabi ko. "Hindi ako papayag na mapagsolo sila kaya nandito ako!"
["Forget them!... Besides Mr. Herrera is harmless to your wife!... Be here right now!"] Magsasalita pa sana ako pero bigla akong binabaan ng tawag.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang umalis at pumunta sa opisina ni Eric.
Pagdating ko ay nandun na din si Eugene kaya nagtaka ako.
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ang mga papeles na binigay sakin ng pinsan ko na kinausap ni Eugene. Kasalukuyan kaming nandito sa opisina ni Eric. Pati ang mga picture at evidence about Diane's whereabouts this past two years ay nasa mga kamay ko rin.
"Tauhan din ni Garman ang private Investigator na hinire mo kaya puro kasinungalingan ang mga sinabi sayo!" Dagdag pa ni Eric. "Lahat ng mga information na nakalap nila that time na binigay sayo are fake!"
"Even the photos?" Gulat na tanong ni Eugene.
"No! Those photos are real but I think only your wife can explain those to you!" Seryosong sabi ng pinsan kong si Phoenix sakin. "This picture with Mr. Herrera in the restaurant I don't have any idea but this one at the airport napag alaman kong hindi sya kasamang umalis nun at hinatid lang nya si Mr. Herrera papuntang America!"
"So wala silang relasyon?" Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. At marahang tango ang sinagot nya sakin. Si Phoenix pala ang kinausap ni Eugene na magimbestiga kay Diane. Hindi ko nga akalaing sundalo pala ang babaeng pinsan kong ito ang alam ko lang kasi pasaway to. "Pero may anak sila!"
"About sa batang si Cristian Fritz Dela Vega...." Nagulat ako sa pangalan ng bata kaya naputol ko agad ang sasabihin nya.
"Wait!... Fritz Dela Vega?" Gulat na tanong ko.
"Binuntis mo ba si bunso bago sya umalis ng penthouse mo?" Nakangising sabi ni Eugene sakin.
"Ang kapal mo dude!" Nagulat ako sa reaksyon ni Eric. "Ginalaw mo si Diane tapos ibibintang mo kay Herrera?"
"The f**k!... I only kissed her!" Bulyaw ko sa dalawa. "Nagka sakit sakit nga puson ko kakapigil and when I am planning to do that she left me!"
"Excuse me cous!" Napatingin kami kay Phoenix. "Hindi po nagbuntis si Diane Kuya!"
"Are you saying na anak sya ni Tristan at kinupkup lang ni Diane?" Lalo tuloy akong naguluhan sa sinabi ni Eugene. Oo! alam kong napakarami kong pinarausan ng mawala si Diane but I used condom. Wait meron bang hindi ko ginamitan?
"No mga Kuya!" Kaya napatingin kami sa kanya na nakakunot ang noo. "He is adopted!"
"What?" Gulat na tanong ko pero lumuwag ang hinga ko. "Pero paanong nangyaring naging Dela Vega sya?"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...