"Diane?" Rinig kong tawag sakin ng isang lalaki kaya naman napalingon ako sa kanya. Wala ako sa sarili kong naglalakad kaya hindi ko napansin na may tao pala.
"Calix?" Gulat na banggit ko. Sa pangalan nya.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong nya sakin pero hindi ako sumagot dahil hindi ako okay. Nilapitan nya ako tiningnan ako maigi. "Namumutla ka at parang wala sa sarili!"
"Calix tulungan mo ako!" Yun lang nasambit ko sa kanya at umiiyak na napayakap ako sa kanya. Naramdaman ko namang nagulat sya sa ginawa ko. Pero hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa Mr. Garman na yun.
Hinayaan nya lang akong umiyak ng umiyak habang nakayakap sa kanya. Hinihimas nya lang ang likod habang umiiyak ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa dibdib nya.
Dinala nya ako sa restaurant na malapit dito sa university. Nakaupo kami habang hinihintay ang inorder nya para saming dalawa. Tahimik lang ako habang nagiisip kung anong gagawin ko.
"Ano bang problema?" Mahinahong tanong nya sakin napatingin ako sa kanya ng mangiyak ngiyak. "Nag away ba kayo ng asawa mo?"
"Paano mo nalamang may asawa na ako?" Tanong ko sa kanya dahil wala naman ang pinagsabihan na kahit na sino.
"Hindi mo ba napanood ang balita?" Naguluhan ako. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng balita dahil ang gusto ko na panoorin ay puro anime. Napailing na lang ako sa sinabi nya. "Balitang balita ang biglaang pagpapakasal mo kay Mr. Dela Vega. Proud na proud nga ang asawa mo habang iniinterview sya at sinasabi na sayo sya ikinasal at kitang kita ko sa kanya na napakasaya nya!"
"Ganun ba?" Nangiti ako at hindi ko napigilan ang kiligin dahil hindi nya ako kinahiya at pinangalandakan nya talagang mag asawa na kami. "Talaga?"
"Ang saya ah!" Mapang asar ang pagkakasabi nya sakin kaya napangiti ako ng marinig ko yun sa kanya. "Samantalang kanina parang binagsakan ka ng mundo!"
Nawala ang ngiti at saya ko ng maalala ang nangyari kanina. Napansin naman yun ni Calix kaya sumeryoso ang tingin nya sakin.
"Tulungan mo ako Calix!" Nanginginig ako ng sabihin ko yun sa kanya.
"Ano bang nangyari?" Tanong nya sakin. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat mula sa kasunduan ng papa ko at Mr. Gaman hanggang sa pagbabanta nya sakin kanina.
Natahimik si Calix at seryosong nag iisip sya.
"Kilala ko ang Mr. Garman na yun!" Seryosong sabi nya. Kaya napakunot ang noo ko. "Ang pinsan ko sa side ng mommy ko ipinakasal sa kanya bilang pambayad din ng utang. Hindi maganda ang pagkakakilala namin sa kanya dahil makapangyarihan syang tao kaya lahat nakukuha nya kapag ginusto nya."
"Anong nangyari sa pinsan mo?" Natatakot ako sa kinahinatnan ng pinsan nya. Nakita kong nalungkot sya at bumuga ng hangin.
"Nabaliw at nagpakamatay!" Natulala ako sa sinabi nya naramdaman ko pa ang panginginig ng buong katawan ko. "Wala kaming nagawa dahil balewala ang mga sinampa naming kaso sa kanya dahil suicide ang nangyari... Ang alam ko binubugbog at nirirerape nya ang ate ko... Wala kaming magawa dahil tuwing nagsasampa kami ng kaso sa kanya ay nababalewala lang at ang masama pa ay binubunton nya kay ate ang galit nya!"
"Anong gagawin ko?" Naiyak na ako ng sobra dahil sa takot. "Hindi ako pwedeng magsumbong kay Mama at Tristan dahil mapapahamak sila."
"Hindi ka pwedeng mapa sa kamay ng Garman na yun Diane!" Diin na sabi nya sakin. Kaya napatingin ako sa kanya. "Kailangan mong umalis sa poder ng asawa mo dahil siguradong gagawin ni Garman ang banta nya."
"Saan ako pupunta!" Napasabunot ako ng buhok ko habang nakayuko sa lamesa.
"Wala ka bang ibang kilala na pwede mong puntahan?" Napadiretso ako ng tingin sa kanya. "Yung hindi kilala ng Garman na yun?"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomansaPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...