CHAPTER 30:

38 2 0
                                    

DIANE

"Ano kaso mo?" Maangas na tanong sakin ng babaeng kasama ko dito sa kulungan.

"B-bakit ikaw? A-ano ba kaso mo?" Balik na tanong ko sa kanya. Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig sa tabi ng rehas. Natatakot kasi akong makitabi sa kanila dahil nakakatakot silang tingnan. Baka totoo yung mga napapanood ko sa TV na binubugbog yung mga bagong preso.

"Kidnapping!" Mayabang na sabi nya. "Itong nasa kanan ko pagnanakaw, yung tatlong yun human trafficking!... Ikaw?"

"M-murder!" Halos pabulong kong sabi.

"Ano?" Sigaw na tanong nya kaya nagulat ako sa sigaw nya.

"Murder!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang taranta ko.

"Itsura mong yan nakapatay?" Gulat na sabi nya.

"Baka nagsisinungaling boss!" Sulsol pa ng katabi nya.

Sasagot pa sana ako ng dumating ang pulis.

"Dela Vega!.. may dalaw ka!" Anya habang tinatanggal ang kandado para makalabas ako at sumunod naman ako sa kanya papunta sa dalaw ko.

"Sino daw po bisita ko?" Tanong ko sa pulis habang naglalakad kami.

"Abogado mo!" Tipid na sagot nya kaya napatango na lang ako.

Si Kuya Jorge ang nakita ko ng makapasok ako sa isang kwarto katabi nya si Ate Yanna. Kaya naman napangiti ako. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko rin si Tristan na nakatayo at may katabi ding lalaki na hindi ko kilala.

Hindi ko na lang sya pinansin at umupo na lang sa harap ng abugado ko.

"Musta ka na dito ganda?" Bati sakin ni Kuya Jorge. Ganda ang tawag nya sakin dahil lagi nyang sinasabi sakin na ako daw ang pinaka magandang babae na nakita nya. Halata namang bola lang nya.

"Okay lang!" Seryosong sagot ko.

"Nandito din si Tristan kasama ang abugado nya!" Singit ni Ate Yanna.

"Si Kuya Jorge ang gusto kong humawak sa kaso ko!" Pagpipilit ko sa kanya.

"Baby! Listen to me!" Narinig kong nagsalita si Tristan pero hindi ko sya tiningnan. "Hindi kita babawalan na maging abugado si Marquez pero makakatulong din si Mr. Soriano!"

"Diane mas magiging mabilis kung dalawa ang lawyer mo!" Paliwanag pa ni Ate Yanna kaya hindi na ako nakakibo.

"Ganda!..." Tawag sakin Kuya Jorge pero hindi nya na natuloy ang sasabihin dahil kay Tristan.

"Mrs. Dela Vega!" Inis na pagtatama nya kaya napalingon si Kuya Jorge sa kanya. Nakita ko pang matalim ang tingin nya kay Kuya Jorge. "Respect my wife!"

"I am not your wife!" Singhal ko sa kanya.

"Hindi ko pa napa file ang annulment natin so technically you're still my wife!" Mayabang na sabi nya sakin kaya lalo akong nanggalaiti sa galit.

"Edi i file mo na para happy ka na!" Sarkastikong sagot ko sa kanya. Kaya natahimik na lang sya.

"Pwede mo bang ikwento samin ang nangyari Diane?" Seryosong sabi ni Kuya Jorge. Parang sinadya nya para mabago ang usapan. "It should be detailed... Wala kang dapat na makaligtaan na sabihin sakin!"

"Okay Kuya Jorge!" Napayuko ako pumikit para alalahanin ang mga nangyari.

Sumakay ako sa sasakyan ni Mr. Garman dahil wala naman na akong magagawa. Nakapirma na ako sa annulment paper kaya alam kong mas lalo akong hindi matatahimik.

Kaya kahit na ayokong sumama ay ginawa ko nalang tutal wala na rin naman naniniwala sakin at dala na rin ng galit ko sa pamilya ko.

"Mabuti naman at hindi mo na ako pinahirapan pa, my princess!" Nakangisi pa sya ng sabihin sakin yun, kinikilabutan man ay wala na akong magagawa. Ngayun ko napagtantong dapat pala ay tumakbo na lang ako.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon