CHAPTER 42:

40 2 0
                                    

Dumating na ang araw ng paglipat namin ng anak ko dito sa penthouse. Kasama namin ang bagong yaya na hinire ni Tristan. Katulad pa rin ng dati, sinundo kami ni Tristan para kumain muna ng dinner sa labas bago kami umuwi. Gabi na kasi kami nakaalis ng bahay dahil may tinapos pang trabaho si Tristan sa opisina nya.

Pagpasok namin ng penthouse ay bago na ang lahat ng gamit sa loob. At ang bango ng loob. Mukhang may air freshener pa syang pinalagay. Pinalitan nya ang lahat ng gamit kahit sa kusina. Kaya napangiti ako sa tuwa sinunod nya kasi ang sinabi ko.

Tulog na si Christian ng dumating kami kaya diniretso ko na sya sa kwarto nya kasama ang yaya nya habang nakasunod samin si Tristan.

Pagbukas ko ng kwarto nya ay nagulat ako sa pagbabago. Kulay blue na ang pintura ng loob at ang mga gamit ay tamang tama lang para kay Christian.

Marami ring nakalagay na mga laruan ng bata. May car toys at iba pa. Mukhang talagang pinaganda ni Tristan ang kwarto.

"You like it?" Malambing na tanong sakin ni Tristan.

"Yeah!... I love it!" Na amaze talaga ako sa ginawa nya sa kwarto.

Inilapag ko si Christian sa kama para makapag pahinga ng maayus.

"Salamat sa ginawa mo dito ah!" Malambing na sabi ko sa kanya.

"It's nothing!" Nakangiti nyang sabi sakin. "Sabi ko naman lahat gagawin ko para sayo... Para bumalik ka na sakin... At alam kong kulang pa to sa kasalanan na nagawa ko sayo"

"Biktima lang tayo pareho Tristan!" Naiiling kong sabi sa kanya. Nakakahiya dahil nandito ang bagong yaya.

Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ko ang kwarto ko para naman hindi nya makita ang pamumula ng mukha ko.

Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako. White and pink ang pintura ng loob. Bago na rin ang kama. White ang kobre kama at pink ang punda ng unan at kumot. Napalitan na ang lahat ng gamit, sinunod nya ang lahat ng sinabi ko.

May bago na ring sofa pero pink pa rin at mas maganda ito kesa sa dati.

"Hope you like your new room?" Kabadong sabi nya habang nakatingin sakin. "I also put some tulips there!"

"Wow!" Yun na lang nasabi ko dahil nagustuhan ko talaga. "Thank you for this!"

Hindi ko na napigilang mapaluha dahil sa tuwa.

"Baby!" Napalingon ako sa kanya tawagin nya ako. "I know I've done so many things to hurt you!... But there's one thing that I can assure you!... At yun ay ang hindi ako nagdala ng ibang babae dito ng mga panahong nawala ka... Ni hindi nga pumasok sa utak ko na magdala ng ibang babae dito... Dahil ikaw lang ang may karapatan na tumira dito!"

Halos hindi ako huminga ng lumapit sya sakin ng hindi inaalis ang tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko na naman ang pakiramdam na to nung magkasama kami at alam naming mahal namin ang isa't isa.

"Nang mawala ka sakin... Namatay ako, baby!" Natameme ako dahil kitang kita ko ang pagtulo ng mga luha nya. "Nasaktan ako ng sobra... Aaminin ko... Iba ibang babae gabi gabi ang nakakasama ko... At alam kong taliwas yun sa pangako ko sayo nuon... Naisip ko kasi kung nagawa mong manlalaki mas kaya kong mambabae... Pero mali ako, baby!... Maling mali... Dahil habang gumaganti ako ikaw naman nagdudusa!"

"Tama na..." Ayoko ng marinig dahil gusto ko ng makalimut pero pinigilan nya ako ako sa totoo lang hindi ko na rin napigilan ang maiyak.

"Please!... Hayaan mo ako... Mabigat e!" Ramdam ko sa boses nya ang sakit at pagsisisi. Masakit din sakin na makitang nasasaktan sya. "Nagdadala ako ng babae sa condo!" Nayuko ako dahil masakit na marinig yun pero maagap nyang hinawakan ng dalawang kamay ang mukha ko. "Look at me baby, please!... Hear me out... Gusto kong sabihin sayo lahat... Ayokong maglihim!"

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon