CHAPTER 11:

453 3 0
                                        

DIANE

Nakakainis talaga si Kuya Tristan. Naglalakad ako pauwi ng mapansin kong parang may dumating samin. Bisita ba?

Hindi na muna ako pumasok sa loob dahil narinig ko ang boses ni Mama na nagagalit. Pero hindi ko alam kung kanino.

Nagtago lang ako sa tabi ng pinto. Sinenyasan ko pa si manong David na wag maingay, sya ang driver namin dahil tinitingnan nya ako habang nagtatago sa gilid ng pinto.

"Magkano!" Sigaw ni Mama.

"Mahigit limang daang milyon!" Nagulat ako ng marinig ang boses nya. Boses ni papa yun, nandito sya? "Kailangan na bayaran yun!"

"At paano naman natin babayaran yun?" Galit na sagot pa ni Mama.

"At anong gusto mo makulong ako?"

"Bakit ka kasi nagsugal ulit Frederico?"

"Wag mo na ako sisihin dahil nandyan na yan!"

"Saan mo ba natutunan yang sugal na yan ha?... Na pati ang isang business natin sa newyork naibayad mo dahil sa utang mo sa sugal?"

"Tumigil ka na Dianna!... Wala kang pakielam kung saan ko dalhin ang mga pera ko dahil pera ko yun!"

Dahan dahan akong umalis sa pwesto ko at lumabas ng gate namin. Hindi kasi ako makapaniwalang nagsusugal si Papa. Nag aaway na sila ni Mama at yun ang hindi ko matiis na makita.

Naglalakad lang ako ng mapadpad ako sa clubhouse dito sa loob ng village namin. Naupo ako sa maliit na bench dito.

"Bakit ba kasi naimbento ang sugal?" Wala sa sariling natanong ko.

"Simpleng libangan lang kasi iyon sa umpisa!" Nagulat ako ng may sumagot sa tanong ko. Paglingon ko ay si mrs. Deguia ito. "Larong pambata lang nagumpisa.

Isa rin ito sa mga nakatira dito sa village at malapit ang bahay nila samin. Matanda na ito, biyuda dahil namatay ang asawa nya sa gyera. Isa daw kasing army ang napangasawa nya at simula nun ay hindi na sya nag asawa. May mga sariling pamilya na rin ang mga anak nya kaya naman madalas ay nakikita ko syang mag isang naglalakad dito sa village papunta dito sa clubhouse.

"Inimbento para maging libangan at bonding ng mga magkakaibigan at pamilya." Malumanay nyang paliwanang sakin habang umuupo sa tabi ko. "Hanggang sa nagkaroon na ng bayaran kaya naging sugal ang simpleng libangan lang!"

"Mrs. Deguia!" Tawag ko sa kanya habang nakangiti sakin.

"Lola!" Nagulat ako sa tinuran nya. "Lola ang gusto kong itawag mo sakin. Ikaw ang anak ng mga mendoza tama?"

"Regina Diane Mendoza po!" Pakilala ko. "Pero Diane na lang po lola!"

"Ano ba ang inaalala mo sa sugal apo?" Malambing na tanong nya sakin.

"Wala naman po!" Sagot ko. Nahihiya kasi akong magkwento.

Marami syang naikwento sakin ng umagang yun. Umuwi na lang ako ng mag lunch na. Pagdating ko sa bahay namin ay nandun si Papa at nakaupo sa sala.

"Papa!" Excited na tawag ko. Hindi ko ipinahalata na may alam ako sa away nila ni Mama.

"Namiss mo ba ako?" Malambing na tanong nya sakin.

"Opo!" Nagpalinga linga pa ako. "Si mama po?"

"Lumabas hindi ko alam kung saan nagpunta!" Seryosong sagot nya sakin. Hindi ko na lang pinansin kasi hindi ko rin naman alam kung makakatulong kung magtatanong pa ako tungkol sa problema nila.

HINDI ko nakita si Mama maghapon na yun. Hindi ko alam kung saan nagpunta pero sa tingin ko nagpalipas na lang galit kay Papa.

Nagbonding kami ni Papa. Nagkwentuhan kami at namasyal pa dahil namiss nya daw ako. Ako din naman namiss ko sya. Nilibang ko na lang ang sarili ko at hindi ko na lang muna inisio ang problema. Gusto ko munang sulitin ang mga oras na nandito ang Papa ko dahil siguradong ilang araw lang sya nandito. Tuwing tinatanong ko kasi sya kung hanggang kelan sya dito sa pilipinas hindi sya kumikibo kaya hindi ko na lang sya kukulitin.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon