Ito na ang pinaka importanteng araw namin ng baby wife ko. Kinakabahan ako dahil wala pa akong balita kung nasaan na ang bride ko. Sa sobrang excited ko kasi ay maaga akong dumating sa simabahan kung saan gaganapin ang kasal namin.
"Nervous?" Nakangising tanong sakin ni Eric. As usual ang dalawang ito ang best man ko.
"Naranasan na namin yan kaya alam namin ang pakiramdam!" Dagdag pa ni Eugene. Na ikinangiti ko. "Ano kaya kung hindi dumating si bunso?"
"F**k you!" Galit na sabi ko.
"Your mouth hijo!" Saway sakin ni Mom. Kaya natigilan kaming tatlo. "Nasa loob ka ng simbahan ang bastos ng bibig mo!"
Nagtawanan na lang kaming tatlo para medyo mawala ang kahihiyang nagawa ko.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Diane kaya naman lalo akong kinabahan.
"It's okay!" Pagpapakalma sakin ng dalawang ugok nato.
Naglakad na ang mga flower girl at syempre ang anak kong si Christian ang ring bearer. Pareho kami ng suot ng anak ko. Humalik pa ito sakin ng makalapit sya.
Natigilan na lang ako ng makita ko ang bride ko na naglalakad palapit sakin. Pakiramdam ko kaming dalawa ang nandito sa simbahan.
Napakaganda nya. Ang swerte ko dahil napakaganda ng bride ko. Hindi ko na nga nagawang kumurap sa pagtitig sa kanya.
Si Mama Dianna ang kasama nya sa paglalakad palapit sakin. Nag makalapit sya ay nakita ko pang naluluha ito.
"Punasan mo muna yang luha mo dude!" Mapang asar na sabi ni Eugene habang inaabot sakin ni Eric ang panyo. Nuon ko lang napansin na naluha na pala ako sa sobrang saya ko.
Nangingiting pinunasan ko ang luha ko. Humalik ako sa pisngi ni Mama At ibinalik ang tingin sa bride ko at nanginginig ang kamay ko na kinuha ang kamay nya kay Mama.
Inalalayan ko syang maglakad papunta sa harap ng pari na magkakasal samin.
"You're beautiful, my bride!" Hindi ko napigilang purihin sya sa kagandahan nya.
"You're handsome too, my groom!" Nakangiting sabi nya sakin.
Matapos ang kasal namin ay dumiretso kami sa reception. Tiniis ko ang tagal ng oras para matapos ang celebration ng kasal namin. Gusto ko na kasing masolo ang misis ko.
One week kaming hindi nagkita. Sa simabahan na kami nagkita kaya sabik na sabik ako sa kanya. Sa loob ng isang linggo si Christian lang ang madalas kong makita.
Nagtatawagan lang kami ni Diane kapag gusto ko syang makausap at halos oras oras yun dahil nakakabaliw ang mawalay sa kanya.
Isang linggo pa lang pero halos mabaliw na ako ano pa kaya kung mawala sya sakin ng tuluyan. F**k di ko kakayanin.
"Happy?" Tanong ko sa napakaganda kong misis.
"Very happy!" Malambing na ngiti pa ng sinama nya sa sagot nya sakin. Halik sa noo nya ang ginawad ko dahil baka di ko mapigilan kung sa labi ko sya hahalikan.
Matapos ang celebration ay nagmamadali ko syang binuhat para isakay sa limo at hindi na kami nagpaalam sa ibang guest.
Ngayun ang flight namin papuntang Europe. In short, diretso honeymoon na. Pagdating namin sa limo ay sinunggaban ko agad sya ng halik.
Natatawang gumanti sya ng halik sakin.
"Hayok na hayok ka naman!" Reklamong sabi nya ng sa wakas ay bitawan ko ang labi nya.
"One f****ng week without you baby!" Reklamo ko sa kanya. "Di mo ako masisisi kung manabik ako sayo... Kaya humanda ka sakin pagdating natin Europe dahil babawiin ko ang one week na nangulila ako sayo!"
Hindi ko alam kung banta ba yun o ano pero sa totoo lang gagawin ko talaga yun. Hanggang maari ay hindi ko sya paglalakarin ng isang linggo para mapawi ang pangungulila ko ng isang linggo sa misis ko.
"I love you baby wife!" Nasabi ko habang magkatitigan kami.
"I love you too hubby!" Malambing na sagot nya.
"I love that hubby endearment." Natutuwanh sabi ko sa kanya. "That only means I'm yours and you are mine!"
"Te quiero y eres mia mi esposo!" Natawa ako sa sinabi ka nya.
"Who taught you?" Nakangiting tanong ko.
"Estudie para ti mi esposo!" Nakangiting sabi nya na ang ibig sabihin ay 'pinag aralan ko paras sayo asawa ko'.
"Gracias por todo lo que haces por mi! Mi amor!" Malambing na sabi ko.
"Huh?" Sagot nya sakin kaya natawa ako.
"Sabi mo pinag aralan mo bakit di mo naintindihan sinabi ko?" Panunuya ko sa kanya.
"Dahan dahan lang naman kakaumpisa ko pa lang kagabi!" Nakasimangot na sabi nya kaya natawa ako.
"Sabi ko!... thank you for everything that you've done for me!" Malambing na sabi ko at hinalikan syang muli. "gracias por la segunda oportunidad que me diste!"
"Huh?" Nakanunot nanaman ang noo nya kaya hinalikan ko muna sya bago ako nag salita muli.
"thank you for the second chance that you gave to me!" Nakangising sabi ko. "Yun ang ibig sabihin nun... Don't worry i teach you spanish para kapag bumisita tayo sa family namin sa spain hindi ka maout of place!"
"Talaga?" Excited ma sabi nya na ikinatango ko lang bilang sagot.
"I'll teach Christian too!" Malambing na sabi ko at niyakap sya ng napakahigpit.
"Thank you for loving Christian kahit hindi natin sya tunay na anak!" Mangiyak ngiyak na sabi nya.
"I love him!" Simpleng sagot ko lang pero may kasamang pagyayabang ito dahil para sakin kahit hindi namin sya kadugo ay anak ko pa rin sya. At proud akong ipangalandakan iyon. "He's my son!... Our son!"
Napakaswerte ko at sya ang napangasawa ko.
Nagbunga ang paghihintay ko ng matagal kahit na sa una pa lang ay alam kong mali at malabo.
But I love her eventhough she's TOO YOUNG FOR ME....
END
Author note:
Thank you for reading sana po nag enjoy kayo. Sorry po kung matagal ako mag update medyo naging busy po...
Salamat po ulit....
Comment lang po kayo para sa reaksyon nyo...
Read my other two novel:
In love to a tomboy(complete)
His true first love (soon)
![](https://img.wattpad.com/cover/292079504-288-k812722.jpg)
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...