CHAPTER 8:

51 1 0
                                    

Mangiyak ngiyak sa gulat si Ninang. Hindi nya kasi inaasahan na nandun ang lahat ng mga kaibigan nya. Ang alam nya kasi ay pupunta lang dito sa resort para mag bakasyon hindi namin sinabi sa kanya na may special celebration para sa kanya. Nakailang tanong nga sya sakin kanina ng inaayusan sya bago kami pumunta sa resort, pero syempre hindi ko sinabi ang dahilan.

"Si Kuya Tristan mo ba nasaan na?" Naalala kong tanong nya sakin nung nasa kotse na kami. Hindi kasi namin kasama si Kuya at nauna na sya sa resort.

"Nag sosorry nga po Ninang kasi hindi sya makakasama sa resort kasi marami daw pong trabaho!" Pagsisinungaling ko, nakita ko pang sumimangot si Ninang. "Kailangang kailangan daw po kasing matapos e!"

"Nakakainis!..." Asar na sabi nya. "Birthday ko ngayun pero wala sya!... Lagi na lang syang busy sa work nya. Last time na kinalimutan nya ay yung birthday mo tapos ngayun naman binabalewala nya ang birthday ko... Humanda sya sakin sa bahay kapag nakauwi na tayo!"

Natatawa na lang ako ng palihim sa reaksyon ni Ninang. Pero para hindi na ako mabuko ay hindi na lang ako nagsalita. Pagdating namin dun ay sinalubong agad sya ng mga empleyado sa resort ng mga flowers kaya naman takang taka sya habang kinukuha ang mga inaabot sa kanya.

Nagulat pa sya ng makarating kami sa mismong venue ng birthday celebration nya. Dahil sabay sabay kaming bumati sa kanya ng happy birthday. At nakita nyang nandun si Kuya Tristan at nilapitan sya para yakapin.

"Pinlano nyo tong dalawa no?" Tanong nya na naiiyak sa saya at tiningnan kaming dalawa. Nginitian lang namin sya bilang sagot.

Naging masaya ang birthday celebration ni Ninang. Natutuwa nga ako kasi lahat ng sinabi ko ay nasunod ni Kuya Tristan. Panay naman ang thank you sakin ni Ninang dahil nalaman nyang ako ang nagplano ng lahat.

Ang saya talaga. Lahat ng kaibigan ni Ninang ay nandun at nakicelebrate mga mayayaman ang mga kaibigan nya pero syempre hindi mawawala ang mama ko.

At tulad nga ng gusto ni Kuya Tristan ay ang banda nga ni Kuya Grey ang nandun. Ang ganda pala talaga ng boses ni Kuya Grey at Ate Eve. Kaya pala inlove na inlove si Kuya Eric sa kanya. Ang galing pa nya magdrums at ang ganda nya grabe, napakabait pa kahit para syang lalaki kung kumilos, puro lalaki kasi ang mga kapatid nya kaya daw ganun sya kumilos. Nakakatuwa nga kasi sa tagal ng taon na nagkahiwalay sila ay ikakasal na rin sila sa wakas. Kinuha nya pa akong maid of honor nya kasi si Ate lesly ay kinasal na kay Kuya Grey at buntis na rin kaya ako na lang ang kinuha nya na maid of honor nya. Next week na rin yung wedding nila kaya naeexcite ako kasi first time kong maging abay sa kasal.

At ang gwapo ni Kuya Grey. Crush na crush ko talaga sya kasi gwapo na at mabait pa at masasabi kong bagay sila ni Ate Leslie kasi magaling naman magkeyboard si Ate at mabait din. By request ang tema ng band nila. Kaya naman sige lang request ng mga kaibigan ni Ninang nakakatuwa nga kasi kahit luma ang kanta ay alam nilang kantahin. Karamihan nga sa mga kinanta nila ay first time ko lang napakinggan.

"Huy!" Nagulat pa ako kasi si Kuya Tristan yun. Umupo pa sya sa tabi ko. "Titig na titig ka sa banda ah!"

"Syempre. Ang gagaling nila e. Lalo na si Kuya Grey ang ganda ng boses at ang gwapo nya talaga..." Sagot ko sa kanya medyo kinikilig pa ako.

"Nagagwapuhan ka sa kanya?" Nararamdaman ko pa ang galit sa tanong nyang yun. Anong problema nito?. "E mas gwapo pa ako sa kanya!"

"Hindi kaya!" Pagtatanggol ko pa. Hindi ko pa rin inaalis ang mata ko kay Kuya Grey.

"Tang ina!" Galit na sabi nya at padabog na tumayo sya. Anyare dun. Bakit nagagalit sya? Sinundan ko pa si Kuya Tristan ng tingin kung saan sya pupunta.

Bakit kaya sya pumasok sa loob ng hotel? Hindi ba nya tatapusin ang celebration ng birthday ni Ninang? Wait hindi pwede yun dapat nandito sya dahil isasayaw nya pa si Ninang mamaya.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon