CHAPTER 36:

36 1 0
                                    

Maaga akong nagising kahit wala namang pasok ngayun. Pupungas pungas pa ako pero cellphone ang agad kong tiningnan.

Tristan:
I'm here at the airport baby wife. I'm gonna miss you so damn much. I love you. Send you a message when I'm already there.

Kaninang four ng madaling araw ang message nya. Kaya binilang ko ang oras ng biyahe nya. Sixteen hours ang biyahe kaya baka eight ng gabi pa sya makapag message sakin.

"Teka? Nag aalala ba ako sa damuhong yun?" Nasabi nya sa sarili. Kung makapagsalita ako ngayun parang kapareho ko na si Ate Yanna. Nakakahawa pala ang ugali ni Ate.

Halakhak ni Christian ang una kong narinig kaya naman napangiti ako. Kailangan ko nang mag umpisang asikasuhin ang businesses ko.

Nagulat pa ako ng magpunta ako sa dining area. May cake at chocolate ice cream sa lamesa.

"Pinadala daw ni Tristan!" Bungad na sabi sakin ni Aunt Mina. Kaya napangiti ako. "Uuyyy!... Kinikilig!"

"Anong pinagsasabi nyo!" Kunyaring inis kong sabi habang pinipigilan mapangiti ulit.

"Kunyari pa!" Dinig ko pang pahabol nya.

Inilagay sa freezer ang ice cream para hindi matunaw at ang cake naman ay refrigerator para lumamig.

"Hoy babae!" Napalingon ako sa nagsalita. Si Ate Yanna at seryoso ang mukha nya. "Ano nanaman ang ginawa mo sa asawa mo at bakit mukhang basang sisiw kagabi nang ihatid kayo mag ina?"

"Bakit ako na lang lagi ang nakikita nyo?" Pikon na sabi ko sa kanila at umupo na para makapag almusal.

"Eh! Sino pa ba dapat?" Dagdag na tanong pa ni Aunt Mina kaya lalo akong napikon.

"Wala akong ginawa dun no!" Nakangusong sabi ko habang sinusubuan si Christian kumain.

"Naku!... Binasted mo nanaman ano?" Sermon pa sakin ni Ate Yanna kaya napairap na lang ako. "Dukutin ko yang mata mo loko... Sabihin mo na anong ginawa mo dun?"

"Wala nga!" Inis na sagot pero hindi ako tinantanan ng tingin ni Ate Yanna kaya huminga ako ng malalim. "Nagseselos lang yun kasi si mommy Serena nag kaayus na kami kahapon samantalang sya daw hanggang ngayun tinatarayan ko pa rin!"

"Ah!... Okay!" Tipid na sagot ni Ate Yanna kaya lalo akong napairap. "Mamimiss ko si Eugene!"

"Ano naman ang kinalaman ni Kuya Eugene sa pinag uusapan natin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Magkasama kasi silang dalawa ni Tristan na umalis papuntang New York para sa mga businesses nila at isasabay na nila ang pagbisita sa business mo!" Malungkot na sabi nya kaya napatango na lang ako at hindi nagsalita pa.

Naisip ko na lang mabuti na rin na magkasama sila para talagang hindi makapambabae si Tristan. Teka! Naging babaero rin nga pala si Kuya Eugene. Kaya naman napaisip ako ulit. Kung si Kuya Eric ang kasama nila for sure walang babaeng involve dahil mulat sapul kay Ate Eve lang yun! Wait! Nag aalala ba ako na baka mambabae sila dun. Kaya naman nagkatinginan kaming dalawa ni Ate Yanna.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Nag aalalang tanong nya sakin pero napakunot lang ang noo ko sa kanya. "Hindi kaya mambabae lang ang dalawang yun dun?... Pero hindi naman siguro kasi mahal nila tayo diba?"

"Pareho kayang babaero ang dalawang yun!" Wala sa loob na nasabi ko kaya parang natatarantang tumayo si Ate Yanna.

"Yanna saan ka ba pupunta hindi mo pa nauubos ang almusal mo?" Takang tanong ni aunt Mina kaya naman napasunod ako kay Ate Yanna.

Naabutan ko syang hawak hawak ang cellphone at may tinatawagan. Kaya nagtaka ako.

"Sino ba yang tinatawagan mo?" Takang tanong ko sa kanya dahil halata sa kanya ang pag aalala.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon