CHAPTER 22:

476 5 0
                                        

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, si Diane talagang inip na inip na sa bahay pero dahil hindi pa safe para sa kanya ang lumabas ay wala syang magawa.

Ilang beses nya rin akong pinipilit na mamasyal pero hindi ko mapagbigyan. Ayokong mawala nanaman syang bigla dahil lang sa manyak na matandang yun. Ilang araw na lang ang bibilangin birthday nya na. At wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Hindi na rin ako aasa at nagbabalak na lang na itakas sya paalis ng bansa at dun muna sya magtapos ng pag aaral nya dahil atleast dun kahit papaano ay malayo sya kay Mr. Garman.

"Kuya!" Tawag nya sakin. Kasalukuyan akong nasa library ng mga oras na yun at busy sa laptop ko. Madami ang trabaho ngayun. At kailangan kong tapusin agad.

"Come in, baby!" Sabi habang hindi ko inaalis ang tingin sa ginagawa ko.

"Can we talk?" Nag aalangan pa sya ng sabihin yun sakin. Napabuntong hininga naman ako. Kukulitin nanaman nya siguro ako para makapasyal. Umupo sya sa upuan sa harap ng table ko.

"Baby! If it's about you or us going out?" Sabi ko na inilipat ang tingin sa kanya. "Forget it!"

"Hindi kuya!" Nahihiyang sagot nya. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at diretsong tiningnan ko sya ng seryoso. "About po sa wedding!"

"What about it?"seryosong tanong ko sa kanya sa ngayun kasi hindi ko na iniisip ang tungkol dun kahit na gustung gusto ko ng idea na yun. Pero wala naman akong magagawa dahil ayoko naman syang pilitin.

"Kapag nag pakasal ako sayo makakapag aral na ba ako ulit?" Nakita ko sa kanya ang pag aalangan pero interesado sya sa sagot ko.

"Yes!" Sagot ko. "Hindi ka na guguluhin ni Mr. Garman about sa pagpapakasal mo sa kanya dahil kasal ka na sakin. Makakalabas ka na rin!"

"Paano yung lovelife mo?" Napakunot ang noo ko sa kanya. "Paano yung babaeng sabi mo mahal mo?... Hindi ba ako makakagulo sa inyo?"

"Baby!" Napatingin sya sakin ng tawagin ko sya. "Don't think about it!... For now, ikaw ang importante!"

"Talaga?" Nakangiting sagot nya sakin. Shit lang! ang cute. "Pwede ko bang malaman kung ano ang magiging relasyon natin kapag kinasal tayo?"

"Have you decided already?" Tanong ko sa kanya dahil sa totoo lang kinakabahan ako sa isusunod nyang sasabihin sakin. "Of course we will be husband and wife... Pero nothing will change... Though there will be some changes..."

"What are those?" Takang tanong nya.

"You are not allowed to talk to other men!" Seryosong paliwanag ko na hindi inaalis ang tingin ko sa kanya dahil gusto kong makita ang reaksyon nya sa mga sasabihin ko. Kahit naman ngayun or noon ayokong may kausap syang ibang lalaki. "Sa akin ka titira. Kailangan alam ko kung saan at sino ang kasama mo kapag aalis ka. Hindi ka pwedeng magpaligaw dahil asawa na kita."

"Edi dapat ikaw din!" Sagot nya sakin na nakapagpatigil sakin. Hindi ko inaasahang iyun ang ibabawal nya sakin. "Hindi ka din pwedeng manligaw sa iba at hindi ka rin pwedeng makipag usap sa ibang babae. At dapat alam ko rin kung saan ka pupunta at sino din ang kasama mo."

"O-okay!" Gulat na sagot ko sa kanya. She's acting like she's owning me. Well I'm owning her so that would be fair. "Magkaiba tayo ng room, sa masters bedroom ako ikaw sa guest room."

"No!" Inis na sagot nya sakin kaya napakunot ang noo ko. "Ako sa masters bedroom at ikaw sa isang room. Ako ang babae kaya dapat lang... Hindi ka pwedeng gabihin ng uwi maliban na lang kung about sa business at dapat kapag may mga gatherings or party dapat kasama ako... Mahirap na baka mambabae ka!.. dapat din lagi akong may pasalubong kapag uuwi ka"

she's too young for meMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon