CHAPTER 21:

38 1 0
                                    

TRISTAN

Nagmamadali akong umuwi sa penthouse dahil nag aalala na ako kay Diane baka lalong mainip yun at may maisipan nanaman sa bahay kong gawin. Kaya naman pagkatapos ng huling araw ng event sa resort ay nag asikaso na agad ako ng mga gamit ko para makauwi.

Hapon na rin ako nakarating dahil sa traffic. Pagpasok ko palang sa penthouse ay lumabas ulit ako para icheck kung tama ang pinasok ko. Tiningnan ko ang pinto.

"Tama naman!" Takang sabi ko sa sarili.

Pumasok ulit ako sa loob. Blue and white na ang loob ng penthouse at ang sofa ko naibalik na sa pwesto nya.  Nang mapunta ang tingin ko sa pader ng penthouse. Landscape made by paint, a mural.

"Woah!... Ang ganda!" Wala sa sariling nasabi ko. Kaya naman nangiti ako ng sobra. Pero ang carpet ay pink pa rin. Okay lang dahil bumagay naman ito sa kulay ng wall.

Ang vase ay nandun pa rin. Napansin ko namang wala na ang tulips na bulaklak. Nagulat ako ng may marinig akong nahulog sa dining area kaya naman dahan dahan akong sumilip dun. Una kong nakita ang kusina napalitan na rin ang kulay ng walls nito pati na rin ng mga cabinet. Napalingon ako sa dining table.

Shit! Busing busy ang baby ko habang tinatapos ang mural na nilalagay nya sa pader ng dining area. If I am not mistaken it's another landscape and it's too early to tell what kind of landscape is it. At ang narinig kong nahulog ay ang paint brush nya na ngayun ay pinupulot nya. Hindi ako gumawa ng ingay dahil ayoko syang istorbohin.

Nakablack syang tshirt at short na maong. Nakasuot sya ng apron at ang dungis na nya dahil puro sya pintura sa kamay at braso, meron na rin sa mukha nya kaya naman nangingiti akong pinapanood sya. She's so serious while painting.

Magulo ang dining area ko dahil hindi pa sya tapos sa pagmake over. And I would say I love what she did to my place. Specially the paints and murals.

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Lalabas muna ako para mamili ng kakainin namin. Ipagluluto ko na lang sya para naman pambawi sa ginawa nya sa penthouse.

Hindi ako gumawa ng ingay palabas dahil talagang serious si Diane sa pagpaint. Siguro pagbalik ko magugulat sya dahil nakapamili na ako ng iluluto ko.

Inabot rin ako ng isang oras sa pamimili. Pagbalik ko sa loob ng penthouse ay hindi pa rin tapos si Diane sa ginagawa. Ewan ko pero napakasarap nyang panoorin habang nagpipinta sya sa pader ng dining area ko. Dahan dahan kong ibinaba ang pinamili ko sa sala at bumalik sa dining area para panoorin ang ginagawa nya. Maaga pa naman para magluto ng dinner.

Pagbalik ko sa dining area ay nakita kong kumakain sya ng donut habang nagpipinta. Napakacute. Sa sobrang tuwa ko ay nilabas ko ang phone ko at kinunan sya ng litrato habang busy sya. Hindi pa ako nakuntento dahil vinideohan ko pa sya.

Sa sobrang tutok nya sa ginagawa ay hindi nya talaga ako napansin.

Makalipas ang dalawang oras ay nakikita ko na ang pinipinta nya. Its a family of four having picnic in a park.

"Wow!" Hindi ko na talaga napigil na mapahanga kaya nasabi ko yun. Nakita ko namang nagulat si Diane dahil bigla itong lumingon sa lugar ko at nabitawan pa ang paint brush nya. Nakaupo ako sa isang upuan na hindi kalayuan na nakaharap sa ginagawa nya.

"Kuya!" Gulat na sabi nya sakin kaya naman napangiti ako sa kanya reaksyon nya. "Kanina ka pa ba dyan?"

"Oo!" Sagot ko sa kanya habang tinitingnan sya. "Hindi mo ako napansin na dumating kanina kaya hindi na kita inistorbo muna. Nakapamili na nga rin ako ng lulutuin ko para sa dinner natin!"

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon