TRISTAN
Maaga pa lang nandito na ako sa bahay ni Yanna para tuparin ang pangako. Ako ang maghahatid sa asawa ko sa university bago ako dumiretso sa opisina.
Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. Nakaupo ako sa tabi ni Diane habang kalong ko si Christian at sinusubuan sa pagkain.
Hindi ako tinarayan ni Diane kanina ng makita ako. Tipid na ngiti lang sinagot nya sakin ng batiin ko sya. Medyo nagulat pa ako ng sya pa mismo ang nagyaya sakin kumain.
Pagdating namin sa university ay pinagbuksan ko pa sya ng pinto ng sasakyan para alalayang makababa. Medyo natigilan pa ako ng hindi agad naglakad si Diane at tiningnan pa ang mga estudyanteng nasa paligid.
"May problema ba baby?" Nag aalalang tanong ko. Nakita ko pang nakakunot ang noo nya habang tinitingnan ang mga babaeng estudyante. Marahil naiinis sya dahil sa mga tingin nila sakin. Nangingiti na lang ako sa naisip ko sana nga lang yun talaga ang dahilan. May mga lalaking estudyante din pero hindi ko na naisip bigyan ng pansin dahil sa reaksyon ng baby ko.
Bigla akong natahimik ng seryosong humarap sya sakin kaya kinabahan ako. May nagawa ba akong mali na naman kaya masama ang tingin nya sakin?
"Sino ang susundo sakin mamaya?" Seryoso nyang tanong sakin kaya lalo akong kinabahan.
"Sorry wife..."
"I can't hear you!" Putol nya sa sinabi kaya nagtaka ako.
"Huh!" Nasagot ko na lang sa kanya dahil naguguluhan ako. Pero natauhan ako ng matiim syang nakatingin sakin. "Sorry wife..."
"I can't hear you!" Inis na putol nya nanaman sa sasabihin ko kaya dumiretso ako ng tayo.
"I'm sorry wife!" Nilakasan ko ang boses ko dahil mukhang nagegets ko na ang gusto nyang gawin ko. "Hindi kita masusundo kasi baka may meeting ako... Kay Mang David na lang kita ipapasundo!"
"Ayoko!" Natigilan ako sa sinabi nya kaya naguguluhan ako sa inaakto nya sakin paano naman kasi masamang tingin pa ang binibigay nya sakin kaya medyo nataranta ako.
"Huh?" Tulalang sagot ko.
"Sabi ko ayokong si Mang David ang sumundo sakin!"
"S-Sinong gusto mo baby wife?" Natatarantang tanong ko.
"I'm sorry I didn't hear you!" Nangiti ako sa sinabi nya kaya alam kong gusto nyang ipagsigawan ko sa buong university na asawa ko sya.
"Sinong gusto mong sumundo sayo mamaya baby wife?" Nakangiting tanong ko sa kanya na nilakasan ang boses ko at pinakita ko pang proud na proud ako sa sinabi ko.
"Sino ba ang asawa ko?" Natigilan ako sa tanong nya. Hindi ko inaasahan yun.
"A-ako!" Medyo na pahina pa ang sagot ko dahil sa gulat ko sa tanong nya.
"Sorry I didn't hear you again!" Lalo akong natawa.
"Me!... My dearest baby wife!" Pagmamalaki kong sabi dahil ngayun napapansin ko rin ang mga lalaking nakatingin sa misis ko at gusto kong ipamukha sa kanila na ako ang nagmamay ari sa kanya.
"Alas dose ang labas ko kaya dapat bago mag alas dose nandito ka na!" Pagkasabi nya sakin nun ay tumalikod na sya.
"Baby wife! Wait!" Pigil ko sa kanya ng lalakad na papasok sa loob. Huminto ito at nagtatakang napatingin ulit sakin.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo nya at simpleng smack sa lips. Dahil gusto kong ipamukha sa mga lalaking ito na ako ang nagmamay ari sa kanya at hindi nila pwedeng lapitan o kahit kausapin man lang.
Nang makabawi sya sa pagkabigla sa ginawa ko ay naglakad na sya papasok sa loob ng university.
Isang malapad na ngiti ang baon ko ng pumasok ako sa opisina. Hindi ko alam kung anong saya ang nararamdaman ko dahil biglang nagbago ang pakikitungo sakin ng baby ko.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomansaPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...