CHAPTER 12:

45 0 0
                                    

Hindi ko na napansin ang araw at nagumpisa na ang pasukan. Si Papa hindi na umalis ng bahay namin. Minsan naaawa ako kay Mama kasi parang sya lang nagtatrabaho ngayun sa amin. Si Papa kasi minsan umaalis tapos gabi na umuuwi kapag tinatanong naman ni Mama nakasigaw pa ito.

Nag aalala na ako sa para sa pamilya namin. Minsan kasi naririnig ko si Mama na umiiyak sa kwarto nya lalo na kapag gabi na ay wala pa si Papa.

Kaya naman para makalimutan ko ang lahat ng napapansin ko sa Mama at Papa ko ay itinutuon ko na lang sa pag aaral ang lahat ng isip ko.

Kasalukuyan akong naglalakad papasok ng university ng mabangga ako. Nabitawan ko pa ang bag ko.

"Sorry!" Paumanhin ko kasi naman naiisip ko kasi si Mama dahil bago ako umalis ng bahay ay narinig ko pang umiiyak ito dahil hindi nanaman umuwi si Papa.

"Sorry din!" Sabi ng nakabangga ko. Napatingin naman ako dito. Naunahan nya pa ako sa pagkuha ng bag ko. Napalingon ako sa kanya ng iabot nya sakin yung bag ko. Wow! As in WOW talaga. Ang gwapo, parang sya yung varsity player ng university na sikat na sikat dito sa university. "Hindi ko kasi napansin na may makakasalubong pala ako."

"Ako din!" Paliwanag ko habang nakatingin pa rin sa mukha nya. "May iniisip kasi ako kaya hindi kita napansin!"

"Sana ako ang iniisip mo!" Nabigla naman ako sa sinabi nya. Kaya napakunot ang noo ko. "Sige Regina, see you around!"

"Wait!" Pigil ko sa kanya ng bigla syang tumalikod. "You know me?"

"Of course!" Yun lang sinagot nya at tinalikuran na ako ulit.

'kilala nya ako?' bulong ko sa sarili. Paano?

Binalewala ko na lang ang nangyari at dumiretso na ako sa first class ko. Pagpasok ko sa loob ay pinagtitinginan nanaman ako ng mga kaklase ko. Ganito na lang lagi kapag pumapasok ako lagi na lang sila nakatingin sakin.

"Musta ang famous Regina Diane Mendoza?" Bati sakin ng kaklase kong si Qwincy. Sya ang naging malapit na kaibigan ko dito sa university magkaklase kasi kami sa lahat ng subjects ko dahil pareho kami ng kinukuhang course.

"Sira!" Nakasimangot na sagot ko sa kanya.

"Hay naku!" Naiiling na sabi nya. "Kelan mo ba mapapaniwala ang sarili mo na talagang sikat ka dito sa university!"

"Bakit mo ba kasi sinasabi yan?" Inis na sagot ko sa kanya. "Simpleng estudyante lang ako dito no!"

"Ikaw ang tinatawag na bunso ng anak ng may ari ng university na si Eric Miguel Del Valle, ang bunso ni Marko Eugene Evans, ang baby ni Tristan Fritz Dela Vega!" Paliwanag nya sakin na nakatingin pa sa malayo na para bang binabasa nya dun yung mga pinagsasabi nya sakin. "Now tell me that you're not famous!"

"Ang mga Kuya ko lang ang mga sikat hindi ako!" Asar na sagot ko sa kanya.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko sayo sis?" Napalingon naman ako sa sinabi nyang yun sakin. "E manhid ka nga masyado."

"Anong manhid?" Takang tanong ko pa.

"Sa dami ng mga nagpapacute sayo na mga boys dito sa university lahat deadma mo!" Seryosong sagot nya sa tanong ko. "Pati yung varsity player ng university, balewala sayo... Nakita ko yung nangyari kanina."

"Kanina?" Napaisip ako ng makita ang pagtango nya sakin. "Ano ba yung nangyari kanina?"

"Kaloka!" Napalakas pa ang boses nya kaya naman lahat ng kaklase namin napatingin samin. Kaya napayuko naman ako. "Halatang sinadya ni Calix na banggain ka kanina para lang mapansin mo!"

"Aaahh!... Yun ba?" Naalala ko na yung nangyari. "May iniisip kasi ako kanina kaya hindi ko napansin na may makakabangga pala ako."

"FYI hindi accident yun... Sinadya nya yun kasi dinedeadma mo sya!" Pagpupumilit nya pa rin sakin. Ano bang problema ng taong ito. "Ang gwapo kaya ni Calix pero parang sayo walang gwapo."

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon