DIANNA
Kailangan kong makausap si Federico. Hinding hindi ako papayag sa kagustuhan nya. Masyadong masakit para sakin na malamang ang ama ng anak ko ang mismong dahilan kung bakit umalis ang nagiisa kong anak.
Kaya naman matapos naming magkasundo ni Tristan ay umuwi na ako agad para maka usap ang walang hiya kong asawa. Mabigat sa dibdib ko na iwan ang anak ko sa resort.
Pagdating ko sa bahay ay nakaupo si Federico sa sala at halatang nag aalala ito. Marahil dahil hanggang ngayun ay hindi nya pa nakikita si Diane, siguradong natatakot na sya dahil wala pa ang oambayad nya ng utang.
"Nakita sa CCTV kung paano umalis si Diane dito sa mansion!" Galit na bungad ko sa kanya. Tiningnan nya naman ako ng diretso at gulat na gulat pa ang itsura dahil siguro sa sinabi ko.
"Nakita na ba sya?" Excited pa ang itsura nya ng itanong yun sakin.
"Anong dahilan at bakit ganun na nalang kapursige ang anak ko na layasan ka?" Hindi ko pinakinggan ang tanong nya dahil wala akong balak na sabihin sa kanya. "Ikaw lang ang kasama nya dito sa mansion pero nilayasan ka nya!"
"Wala akong natatandaan na nag away kami!" Kabadong sagot nya sakin na napatayo pa at akma pang lalapitan ako pero sa inis ko ay umiwas ako sa kanya.
"Yung totoo Federico!" Sigaw ko sa kanya dahil hanggang ngayun ay hindi sya nagsasabi ng totoo. "Hindi yun aalis ng walang dahilan!"
"Hindi ko alam!" Pagsisinungaling nya.
"Anong hindi mo alam?" Nanggigil kong tanong sa kanya dahil hindi pa rin nagsasabi ng totoo. "Kung alam ko lang na mag kakaganito ang lahat edi sana hindi ko na lang pinuntahan ang business mo sa New York para isalba!"
"Tumigil ka na Dianna!" Sigaw nya sakin nakita ko pang nagdilim ang mukha nya sa galit.
"Hindi ako titigil hanggang hindi mo sinasabi sakin ang dahilan kung bakit sya umalis dahil alam kong may kinalaman ka!" Ganting sigaw ko sa kanya. Hindi na ako magpapatalo pa o mananahimik na lang dahil anak ko na ang nadadamay.
"Tumigil ka na dahil wala akong ginagawa!" Galit pa talaga sya ng sumagot sakin. Ang kapal talaga ng mukha.
"Wag ako ang pinagloloko mo dahil hindi aalis si Diane dito ng walang dahilan!" Pinandilatan ko pa sya sa galit.
"Tama na!" Sigaw nya sakin at akmang tatalikuran ako para lumabas ng mansion pero sa galit ko ay hinatak ko ang braso nya at pilit na pinaharap sakin. "Ano ba?"
"Anong ginawa mo sa anak ko?" Sigaw na tamong ko sa kanya.
"Fine!" Padabog na bumalik sya sa sofa at padabog na umupo dun. Ako naman ay nanatiling nakatayo na nakarap sa kanya. Nakita ko pang huminga ito ng malalim bago nagumpisang magsalita. "Masyadong malaki ang utang ko kay Mr. Garman at alam kong mahihirapan akong makabayad. Kaya naman nung makita ni Mr. Garman si Diane,... si Diane ang gusto nyang kabayaran!"
"Ano?" Galit sagot ko sa kanya. Hindi ko mapaniwalaang totoo nga ang sinabi ng anak ko.
"Kailangan nyang pakasalan si Mr. Garman para makabayad na ako ng mga utang ko!" Masaya pa syang nagpapaliwanag sakin na para bang tuta lang ang anak ko na pwedeng ipambayad. "Hindi pa yun Dianna. Dahil pati ang business ko sa California na ipinambayad ko sa kanya nuong nagkautang din ako sa kanya ay ibabalik nya sakin basta makasal lang sila ni Diane!"
"Ano nanaman ba ang ginawa mo at bakit nagka utang ka nanaman sa kanya?" Inis kong sabi sa kanya na napahilamos pa ako ng kamay sa mukha ko. "Hindi ba at kakabayad ko lang ng utang mo sa kanya nitong nakaraan? Kaya nga wala ako dito nung magbirthday si Diane diba?"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...
