CHAPTER 31:

43 2 0
                                    

"Dela Vega!... May dalaw ka!" Napatayo naman ako sa sinabi ng pulis. Kahapon lang nung dumalaw sakin si Kuya Jorge at usapan namin babalik sya after two days para balitaan ako sa kaso.

"Sino po?" Tanong ko sa kanya. Dahil wala akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sakin ulit.

"Asawa mo!" Tamad na sagot nya sakin. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano nanaman ang ginagawa ng lalaking yun dito.

"Pakisabi po ayoko syang makita!" Seryosong sagot ko.

"Tang ina hindi pwede!" Nagulat ako sa sinabi nya. "Gusto mo bang mabaril ako ng pinsan nun?"

"Po?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Pinsan nya si capt. Phoenix sue Dela Vega!" Seryosong sagot nya sakin. Teka si Ate Phoenix? Sundalo ba yun o pulis? Akala ko ba pasaway na anak lang yun ng tito ni Tristan? "At kabilin bilinan nya sakin ang pagpunta dito lagi ng asawa mo, kaya lumabas ka dyan!... Mahal ko pa ang buhay ko!"

Wala na lang akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ko akalain na ganun pala kaimpluwensya ang pamilya nya.

Pagpasok ko sa isang kwarto ay nagulat pa ako ng makita ko ang isang pamilyar na tao.

"Calix!" Sigaw ko sa kanya. At mabilis na lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Diane!" Sagot nya sakin na ginantihan ang yakap ko.

"Tang ina naman sa harap ko pa talaga?" Natigilan kami sa narinig namin. Galit na napatingin ako kay Tristan. "Keep your hands off of my wife!"

"Ex-wife!" Galit na pagtatama ko sa kanya. At ibinalik ang tingin kay Calix. Nakita ko naman sa mata ni Calix ang pagtataka.

"Musta ka dito?" Tanong sakin ni Calix ng maupo kami. Si Tristan naman ay nanatiling nakatayo sa likod ni Calix habang matalim na nakatingin sakin.

"Okay lang!" Tipid na sagot ko sa kanya na hindi pa rin tinitingnan si Tristan.

"Nasabi na sakin ni Yanna ang mga nangyari sayo!" Napayuko na lang ako sa harap nya. "Bukas isasama ko dito si Christian para makita mo sya alam ko kasing namimiss mo na ang bata!"

"Talaga!" Mangiyak ngiyak ako sa tuwa ng marinig ko ang sinabi ni Calix kaya naman hinawakan ko ang kamay nya. "Salamat Calix!"

"Hands off!" Sigaw nanaman ni Tristan samin at halatang galit na galit na ito. "Tang ina!... Talagang hindi kayo nahihiya sa harapan ko?"

"Ano ba problema nyan?" Asar na tanong sakin ni Calix.

"Wag mong intindihin ang mga hindi importanteng tao na gusto magpapansin!" Inis na sigaw ko para marinig ni Tristan. Nakangising tiningnan ko pa ang asawa ko para makapang asar.

"Ow!... FYI... Itong hindi importanteng tao na sinasabi mo is your husband!" Sarkastikong sabi nito habang lumalakad palapit samin at pilit pinaghiwalay ang mga kamay namin ni Calix. "YOUR HUSBAND!"

"You mean ex-husband!" Pagtatama ko nanaman sa kanya. Naiinis na ako sa kanya dahil hindi ko sya maintindihan dahil sa pagkakaalam ko galit sya sakin.

"Wrong my dear baby wife!" Nakangising sagot nya pa sakin. Nagulat pa ako sa tinawag nya sakin. "Wala akong balak na ifile ang annulment paper natin dahil ayokong maging masaya kayo habang buhay ng lalaking to!"

"What the f**k?" Gulat na napamura pa si Calix sa narinig.

"Hayaan mo na sya Calix!" Mahinahon na sagot ko sa kanya. "Ganyan lang talaga ang mga taong makikitid ang utak... Na mas naniniwala sa tsismis!"

"Oh!... Really?... Tsismis lang?" Sarkastikong sabi pa ni Tristan. Kaya naman galit na tumayo ako at nakipagtitigan sa kanya.

"Simula ng pinapirma mo ako sa annulment paper na yun... Yun na rin ang huling araw na pagiging mag asawa natin!" Galit na sagot ko sa kanya na hindi tinatanggal ang matalim na tingin sa kanya. Napansin ko pa sa mga mata nya ang pagkawala ng galit na para bang nabigla sa sinabi ko. "Wala akong pakielam kung ano ang iniisip nyo samin dalawa ni Calix dahil hindi ko na balak pang magpaliwanag sa mga taong hindi ako binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili ko... At wala rin akong pakielam kung ano ang plano mo sa putang inang annulment paper na yan dahil kung hindi dahil dyan wala sana ako dito sa loob ng kulungan!"

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon