Kasalukuyan akong nagpapahangin sa garden ng bahay ni Ate Yanna. Dito ako dumiretso matapos kumain. Hindi naman kasi agad umuwinsi Tristan matapos kumain. Nakikipaglaro pa sya kay Christian.
Gusto kong makalanghap ng hangin dahil pakiramdam ko nasu suffocate ako sa loob dahil kay Tristan. Naiinis pa rin kasi ako dahil sa inuna nya pa ang investor na yun kesa sakin.
"Baby!" Nagulat pa ako sa boses ni Tristan. Kaya napatayo ako bigla ng diretso. "Are you still mad at me?"
"Pwede ba... Umalis ka na?" Malumanay lang ang pagkakasabi ko dahil ayokong mapalakas ang boses ko. Ayaw ko kasi sya munang makita.
"I'm really really sorry about what happened today!" Hingi nya ng paumanhin sakin pero lalo lang akong nainis dahil naalala ko na naman na naiwan ako mag isa sa penthouse nya. "Promise I'll make it up to you!"
"Tama na!" Pagpipigil ko sa sarili na masigawan sya dahil baka marinig kami sa loob. "Stop making promises... Dahil wala ka namang natutupad!"
"Please!" Pagmamakaawa ang maririnig ko sa boses nya at nakita ko pa ang mukha nya na hindi malaman ang sasabihin sakin. "Aaminin ko hindi ako nakapag message sayo ng nitong nakaraang araw kasi nga nawala ang phone ko!"
"At wala ka man lang ibang ginawa para man lang malaman namin na nakabalik ka na ng pilipinas?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Dapat kasi didiretso na ako sa bahay nyo kaso may kailangan lang asikasuhin ng dumating ako!" Humakbang pa sya palapit sakin pero umatras lang ako para hindi sya makalapit sakin kaya natigilan sya.
"So ibig sabihin lagi na lang kaming huli sa priorities mo?" Sumbat ko pa sa kanya kaya umiiling sya sa sinabi ko.
"No!... Of course not!" Maagap na sagot nya sakin.
"Anong 'of course not!' e hindi mo nga ako binalikan sa penthouse mo dahil inuna mo ang business mo dahil business mo ang priority mo hindi kami!" Gigil na sabi ko sa kanya.
"That's not true wife!" Sagot nya na kinailing ko lang.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang pirmahan ang annulment paper natin para matapos nato!" Naiiyak na ako sa inis ng sabihin ko sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko at hawakan ako sa kamay ko.
"No!... Ayoko!" Pagmamakaawa nya sakin. May luha na agad ang mga mata nya at tumulo na iyon sa dalwang pisngi nya. "Please baby another chance!"
"Tama na kasi to tristan!" Nahihirapang sabi ko sa kanya dahil hindi ko kinakaya ang itsura nya sa harapan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya.
"No! Baby... Please give me another chance!" Hinigpitan nya pa ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya lalo akong naiyak sa inis.
"Bakit ba kasi pinagpipilitan mo pa?" Napapapadyak pa ako ng paa ko sa inis ko sa kanya. "Why can't you just let me go!"
"Yun na lang ang pinanghahawakan ko sayo baby!" Natigilan ako sa sinabi nya. Diretso nyang sabi sakin ng hindi inaalis ang mga mata sakin. "Ayokong pati yun mawala sakin...yun nalang ang meron ako na nag uugnay sating dalawa... Kayo lang ng anak natin ang mahalaga sakin ngayun... At ayokong mawala kayo sakin!"
Hindi ko mapigilan ang sarili kong magulat sa mga sinasabi nya sakin. Nagulat ako ng dahan dahan syang tumayo ng hindi inaalis ang mata sakin.
"Gagawin ko ang lahat para hindi maannull ang kasal natin!" May pagdidiin nyang sabi sakin. "Kahit yang putang inang attorney Jorge pa na yan ang humawak nun... Hindi ko hahayaan na mangyari yun... Gagamitin ko ang lahat ng connections ko para lang hindi mapawalang bisa ang kasal natin... Kaya ngayun pa lang my dear baby wife, asahan mona na hindi ka makakalaya sakin!"
"Tristan!" Tanging nasabi ko sa kanya dahil sa totoo lang may saya akong nararamdaman sa mga sinasabi nya sakin.
"Kahit habang buhay kitang ligawan ay gagawin ko bumalik ka lang sakin!" Lumambot naman bigla ang pagkakasabi nyon sa kin. "Kayo lang mag ina ko ang kailangan ko... At sorry kasi ngayun pa lang sinasabi ko na sayo na lagi mong makikita ang pagmumukha kong ito dahil gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sakin!"
Lumapit pa sya sakin at hinalikan ako sa noo ko kaya hindi ako nakagalaw. Pero akala ko hanggang dun na lang pero hindi pala. Hinatak nya ako gamit ang braso nya na pinaikot nya sa bewang ko para lalong mapalapit sa kanya at halikan ako sa mga labi ko.
Simpleng halik pero hindi ako nakagalaw, ni hindi ko nagawang itulak sya. Nakangiti pa si Tristan ng maghiwalay ang mga labi namin.
"I'll be here tomorrow morning, promise!... My baby wife!" Matapos nyang sabihin yun ay binitiwan na nya ako iniwan akong mag isa.
Hanggang ngayun hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa totoo lang natameme ako.
Natauhan lang ako ng tapikin ako ni Ate Yanna sa kanang balikat ko.
"Wag mo na pahirapan ang sarili mo Diane!" Seryoso si Ate Yanna ng sabihin nya sakin yun. "Tandaan mo!... Biktima din sya sa mga pinaggagagawa ni Garman... Kaya dapat hindi mo na sya pagdamutan ng second chance!"
"Pero Ate! Hindi mo naman ako masisisi dahil nasaktan ako ng makita ko syang may kasamang ibang babae kahapon!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.
"What?!" Gulat na sabi nya na tinanguan ko lang. "Eh!... Gago nga!"
Napalingon pa ako sa kanya pero napansin kong nagiisip pa sya kaya nagtaka ako.
"Ikaw ang asawa... Ibig sabihin ikaw ang may karapatan at nagmamay ari sa kanya!" May diin na sabi nya pa. "Tutal ayaw nyang makipag hiwalay edi gamitin mo yun para malaman ng mga babaeng yun ang lugar nila... Ipakita mo sa kanya kung gaano kabagsik ang galit ng legal wife... Bantayan mo ang asawa mo. Alam mo namang habulin talaga ng mga babae ang mga yan kaya ikaw dapat ang magpakita ng pangil!"
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Mahal mo sa Tristan diba?" Natameme na naman ako sa tanong nya. "Wag ka na magdeny dahil halata namang nagselos ka nang may makita kang kasama nyang babae... Malay mo naman kung sino lang yun at wala naman talaga silang relasyon... Kaya dapat ipaglaban mo ang asawa mo... Ipaglaban mo ang karapatan mo bilang asawa!"
"Ewan ko Ate!... Naguguluhan ako!" Naiiling kong sagot sa kanya.
"Kung may iba syang babae... Bakit ayaw nya pang makipaghiwalay sayo?" Natigilan naman ako sa sinabi nya. "Ibig sabihin walang ibang babae... At kitang kita ko sa kanya na mahal na mahal ka nya... Dahil ganyan na ganyan sakin si Eugene at alam kong nagsasabi sya ng totoo dahil hindi sya susugod sa hotel kagabi kung hindi sya nag aalala sayo... Take note inuwi ka pa nya at takot na takot sya kanina ng pumunta sya dito at hinahanap ka!"
"Paano ba naman kasi pinaghintay nya ako!" Nainis na naman ako ng maalala ko yun.
"Kaya nga diba natatarantang nagpunta dito para mag paliwanag?" May himig pa ng inis ang sabi nya sakin. "Alam mo bang ang putla ng gagong yun ng dumating dito?... Takot na takot dahil alam daw nyang galit ka nanaman sa kanya... Kaya wag mo ng pahirapan ang sarili mo at hayaan mo ng maging masaya kayo... Para naman may buong pamilya na ang inaanak ko!"
Natahimik ako sa sinabi ni Ate Yanna. Matapos nyang sabihin sakin yun ay iniwan nya na ako mag isa sa garden habang nag iisip isip.
Napahawak ako sa bracelet ko. Pero natigilan ako ng mapansin kong iba na ang bracelet na suot ko. Nang pakatitigan ko iyon ay lalo akong naiyak dahil iyon yung bracelet na namimiss ko.
"Te quiero y eres mia!" Mahinang basa ko. "Hindi ko napansin na ito na pala ang suot ko!"
Nangiti pa ako ng mapansin kong may maliit na padlock yun. Bigla ko tuloy naisip kung nasaan kaya ang susi nun dahil kahit na anong pilit kong alisin sa kamay ko ay hindi ito matanggal.
"Perfect fit!" Nasabi ko na lang habang tinitingnan ang bracelet ko. "I think it's about time para ariin ko ang pagmamay ari ko!"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
Любовные романыPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...