CHAPTER 14:

54 0 0
                                    

Alas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako natutulog. Tumayo ako sa higaan at inayus ang ilang gamit ko. Binilang ko ang perang nasa wallet ko para makasiguro akong hindi ako mahihirapan kung sakaling makatakas ako.

Hindi ko dadalhin ang cellphone ko para mas lalong hindi ako mahanap. Pati ang card na binigay sakin ni Mama ay iiwan ko para mas sigurado. Naglagay ako ng ilang damit sa bag ko at nagbihis para makatakas sa bahay. Aalis ako para matapos na ang kinakatakutan ko.

"Diane kaya natin to!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Dahan dahan kong binukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip sa labas. Madilim na at wala na akong naririnig na ingay kaya alam kong tulog na ang lahat.

Naglakad ako palabas ng mansion ng hindi gumagawa ng ingay. Akala ko lusot na ako pero nakita ko ang guard namin na nakabantay sa gate.

"Nakakainis naman!" Bulong ko sa sarili. saglit akong nag isip king anong gagawin ko hanggang sa naisipan kong dumaan na lang sa likod at dun dumaan. Kinuha ko ang hagdan sa bodega at kahit mabigat ay pinilit kong buhatin para makatawid ako sa pader.

"Ang taas naman masyado!" Naiinis kong bulong sa sarili. Kahit mataas ang pader ay buong tapang kong tumalon sa kabila mabuti na lang at madamo kaya ng bumagsak ako ay hindi masyadong masakit sa paa.

"Aray!... Ang sakit naman!" Mahinang daing ko. Pinahinga ko muna ang mga paa dahil medyo sumakit ang mga ito dahil sa pagbagsak ko. Hinimas himas ko pa para kahit papaano ay mawala ang sakit. At ayun sa wakas nagtagumpay akong makatakas.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ng may nakita kong taxi kaya kinawayan ko ito.

"Kuya sa bus station po!" Sabi ko sa taxi driver. Tumango lang ang lalaki at hinatid na ako sa bus station.

"Gabi na iha!" Basag ni manong driver sa katahimikan namin. May pag aalala akong nakita sa mga mata nya. "Saan ba ang punta mo at bakit namin ganitong oras mo pa naisipang pumunta ng bus station?"

"N-Nagka emergency po kasi kaya kailangan ko pong umuwi!" Pagsisinungaling ko sa kanya. Nakita ko pang tumango tango ang driver.

"Mag iingat ka sa biyahe lalo na at alanganin na ang oras." Paalala nya sakin kaya tumango lang ako. "Ang bag mo yakapin mong maiigi dahil baka may biglang humatak sayo nyan. Marami pa namang masasamang tao ngayun na nagkalat."

"Opo!... Tatandaan ko po!" Magalang na sagot ko sa kanya.

Binayaran ko ang driver at bumaba na. Nakita ko ang mga karatulang nandun may paountang Laguna, cavite at kung saan saan pa kaya naman dali dali akong bumili ng ticket papuntang laguna.

First time kong sasakay ng bus. Inalala ko ang napanood kong movie at yun ang sinunod ko para hindi ako mahirapan. Ginaya ko ang ang mga napapanood ko.

Nang makasakay ako sa bus ay umupo ako sa bandang kanan sa tabi ng bintana. Pinilit kong matulog sa biyahe para may lakas ako pagdating dun. Niyakap ko pa ang bag ko para siguradong hindi mawala mahirap na baka magkatotoo ang sinabi ni manong driver sakin kanina.

Wala akong kilala sa Laguna kaya naman hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero atleast nakaalis na rin ako sa mansion at hindi ko na kailangan pang magpakasal sa Mr. Garman na yun.

Nagising na lang ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Ineng nandito na tayo gising na!" Napalingon ako sa kundoktor ng bus.

Nagpupungas pungas pa ako ng mata ko ng mapansin kong nawala na ang bag ko. Hinanap ko ito sa pwesto ko pero hindi ko na nakita.

"Manong nakita nyo po ba yung bag ko?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa konduktor na nanggising sakin habang hinahanap ang bag ko. "Kulay pink po?"

"Hindi! Bakit may dala ka bang bag?" Takang tanong sakin.

"Opo!" Naiyak na ako ng tuluyan dahil nandun ang pera ko at gamit ko. Anong gagawin ko.

"Naku ineng baka nanakawan ka!" Gulat na gulat ako sa sinabi nya sakin. "Pumunta ka sa police station at ireklamo mo ang nangyari sayo!"

Naiiyak akong bumaba ng bus. Anong gagawin ko ngayun? Wala akong kilala dito tapos ninakaw pa ang bag ko. Wala akong pera paano na ako nito.

Nakita ko ang police station at nagreport ako tungkol sa nangyari sakin. Pero kahit sila nagsasabi sakin na malabo ng makita ang bag ko dahil hindi ko rin naman nakilala ang kumuha.Wala sa sariling naglakad ako palabas ng pulis station.

Dire diretso lang ako sa paglalakad dahil wala naman talaga akong mapupuntahan. Hindi ko na nga alintana ang gutom dahil sa kakaisip kung anong gagawin at kung saan napunta ang bag ko.

Hanggang sa hindi ko na namalayang dumilim na pala. Hala! Gabi na pala? Wala na halos mga tao na naglalakad dito. Sa haba ng nilakad ko ay pagud na pagod akong naupo sa isang upuan dito sa park na hindi ko alam kung saan ito. Sa sobrang pagod ko ay nakatulugan ko na.

Nagising ako ng may mainit na tumatama sa balat ko. Umaga na pala. Naririnig ko na ang pagkalam ng tyan ko pero wala akong magawa wala akong pera pambili ng makakakain ko.

Tulad ng nangyari kahapon ay wala akong tigil sa paglakad kahit wala ako sa sarili. Nagugutom na ako pero wala akong makakain. Dinaan ko na lang sa paglunok ng laway ko at itinuloy ko ang pag lalakad.

Hanggang sa hindi ko nanaman namalayan ang oras. Madilim na naman. Nauuhaw ako pero saan ako kukuha ng tubig? Nagugutom na rin ako talaga pero wala akong pera pambili ng pagkain.

Napaupo ako sa gilid ng kalsada sa ilalim ng puno. Wala nanamang tao ako na lang nanaman mag isa. Sabagay mag isa lang naman talaga ako.

"Mama!" Tawag ko habang yakap yakap ang dalawang tuhod ko. At yumuko ako dun para umiyak ng umiyak. "Tulungan nyo po ako Mama!... Natatakot po ako!"

Nakatulugan ko na lang pag iyak ko. Nagising ako ng tapikin ako ng isang manong. Umaga na pala hindi ko namalayang nakatulog ako

"Umalis ka dyan bata!" Sigaw sakin ng guard na to. "Bawal matulog dyan!... Alis!"

Kaya naman dali dali akong umalis. Ang sungit sungit kasi ng manong guard na yun akala mo kung sino. Naglakad ulit ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.  Kaya pinilit kong maglakad lakad ulit hanggang sa makarating ako sa isang lugar kung saan may mataas na building.

Naalala ko ang building ni Kuya Tristan mas mataas iyon kumpara dito. Nangingiti na lang ako ng maalala ko si Kuya Tristan. Tiningnan ko pa ang bracelet at singsing na binigay nya sakin.

"Sana kayo ang maging lucky charm ko para makayanan ko ang lahat ng to!" Nangingiti ako habang nakatingin sa bracelet ko. Mabuti na lang at hindi ito nakuha ng magnanakaw atleast dahil dito ay nararamdaman kong nasa tabi ko lang si Kuya Tristan.

Namimiss ko na sya pati si Ninang Serena. Si Mama namimiss ko na rin ng sobra. Itinuloy ko lang ang paglalakad pero napahinto ako ng parang nahihilo ako.

Pinikit pikit ko ang mata ko para mawala ang hilo ko pero napahawak ako sa isang pader ng parang babagsak ako.

"Miss?" Rinig ko pang sabi ng isang babae pero hindi ko na sya nalingon dahil nahihilo talaga ako. "Okay ka lang ba?"

Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon