CHAPTER 35:

53 3 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas. Si Mang David na siguro yun at ihahatid na ako sa university. Humalik muna ako sa anak ko bago ako lumabas. Pero nagulat ako ng makita ko sa Tristan sa labas ng gate at halatang hinihintay akong lumabas.

"What are you doing here?" Walang emosyong tanong ko. Himala walang bitbit na kahit na ano para sakin. Wait! Nag expect ba ako?

"I came here cause there's something I wanted to tell you!" Nakangiting sabi nya sakin kaya napairap ako sa kanya. Baka nagsawa na sa pagpapadala ng kung anu ano sakin.

"What makes you think I am interested!" Inis na sagot ko.

"I know you're not but I still wanted to tell you!" Tiningnan ko lang sya ng diretso at nakita ko pang huminga sya ng malalim bago nagsalita. "I am leaving tomorrow to New York!"

"So?" Walang ganang sagot ko. Nakita ko pang parang maiiyak sya sa sinabi ko. Nasasaktan ba sya sakin? Pero binaliwala ko na lang.

"I don't how long I will be gone maybe 3 days or more!" Hirap na pagpapaalam nya sakin na ipinagtataka ko dahil hindi naman kailangan. "You want me to visit your business there?... I can visit them besides hindi mo pa nabibisita ang mga yun kaya pwede kong gawin yun habang nandun ako!"

Hindi ako nag salita dahil hindi ko alam ang isasagot. Maganda kasi ang inaalok nya sakin. Makakatulong din yun sakin kung sakali.

"Gusto ko rin sanang ipagpaalam si Christian kung pwede ko sana syang hiramin ngayun para ipasyal?" Kabadong tanong nya sakin. "I'm gonna miss him too just like how I'm gonna miss you!... "

"Siguraduhin mo lang na nakauwi na dito ang anak ko bago dumilim!" Bilin ko dahil ayoko naman ipagdamot ang bata sa kanya dahil kahit papano ay sya ang tumatayong tatay ng anak ko. Nakita ko pang lumiwanag ang mukha ni Tristan ng marinig yun sakin. "No ice cream and too sweet too dahil baka ubuhin sya... At ayokong malalaman ko na may sugat or galos ang anak ko pag uwi... At wag na wag mong itatakas ang anak ko dahil papatayin talaga kita!"

"Noted baby wife!" Masayang sabi nya na nagpataas ng kilay ko. Dahil hindi man lang sya natakot sa huling sinabi ko. Sapakin ko kaya tong lalaking to. "And I promise I won't cheat!... Walang babae at hindi ako magpupunta sa mga bar para uminom!"

"Tara na nga Mang David!" Inis na sabi ko sa matanda at tinalikuran na si Tristan. Masisiraan kasi ako ng ulo sa mga pinagsasasabi nito sakin. E ano naman kung mambabae sya dun. Pinagbuksan pa ako ng pinto ni mang David.

Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay na rinig ko pang nagsalita si Tristan ng isara ang pinto ng kotse sa side ko.

"Mang David... Ang bilin ko... No scratches or even mosquito bites for my baby wife or else!" Bilin nito at nakita ko pang tiningnan ng matalim ang driver.

"Opo senyorito!" Natataranta pa si Mang David habang pumapasok ng sasakyan kaya napailing ako.

"I love you baby wife!" Pahabol nya pang sigaw sakin ng umandar na ang sasakyan. "I'm gonna miss you so much!"

"Baliw!" Nasabi ko na lang.

"Ang sweet ni senyorito!" Kinikilig na sabi ni Mang David kaya napa irap ako.

"Baliw na kamo Mang David yang amo mo!" Napipikon ako sa mga pinagsasasabi ng lalaking yun. Natawa lang matandang lalaki sa sinabi ko.

Tanghali ang tapos ng klase ko ngayun kaya naman sa labas na ako manananghalian tutal wala naman si Christian ngayun sa bahay kasama ni Tristan.

"Kuya sa restaurant tayo ni Kuya Grey!" Sabi ko kay Mang David. Tumango lang ito at sinindi ang sasakyan.

Nakaupo ako sa isang table at tumitingin ng makakain sa menu.

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon