DIANE
NANDITO kami ngayun sa bahay ng ninang Serena ko kasama si mama. Pinaguusapan nila kung saan ako mag aaral ng college. Kung ako kasi ang tatanungin ay wala rin akong maisip. Business administration ang pinapapakuha sakin ni papa pero sabi ni mama kunin ko daw kung ano yung gusto kong kurso. Pero hanggang ngayun ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto ko.
"Hindi mo pa rin ba talaga alam kung anong gusto mong course baby Diane?" Tanong sakin ni Ninang serena.
"Hindi ko pa po alam Ninang e!" Sagot ko sa kanya na nagpabuntong hininga sa kanya.
"Okay lang naman baby kung hindi mo pa alam, may 1month ka pa naman para makapag decide." Malambing na sagot sakin ni Mama.
"So saan nyo ba binabalak na papasukin si Diane?" Tanong ni Ninang Serena kay Mama.
"Hindi ko pa nga rin alam e. Hindi pa kasi alam ni Diane kung anong course ang gusto nyang kunin!" Sagot ni Mama. Nahihirapan sila sa pagdedesisyon tungkol sa college ko.
Natapos ang hapon na iyon na hindi nila alam kung ano ang gagawin sa college ko. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang kukunin ko sa college.
Simula ng hindi na ako humihingi ng tulong kay Kuya Tristan ay nahirapan na ako sa mga bagay pagdating sa pagdedesisyon. Dati kasi kapag may gusto akong gawin ay isinasangguni ko muna sa Kuya Tristan ko.
Kasi naman nahihiya na ako sa kanya dahil simula ng magsalita ng hindi maganda sakin Kuya Tristan ay tumatak ang mga salita nya sa utak ko. Alam ko naman na humingi na sya ng tawad sakin pero iniwasan ko pa rin na basta nalang puntahan sya para lang magtanong o magkwento pa sa kaniya, nahiya kasi ako nung sabihin nyang nakakaistorbo ako. Kaya naman talagang tiniis kong hindi sya puntahan kahit na sya lang ang nagiisang kuya ko at best friend ko.
Oo wala akong ibang kaibigan dahil madalas iniiwasan ako ng mga kaklase ko, hindi ko alam kung bakit. Kung may pumansin man sakin ay madalas binubully lang ako kaya naman ako na mismo ang umiiwas na lang. Naalala ko pa nung minsang nagsumbong ako kay Kuya Tristan tungkol sa mga nambubully sakin ay talagang nakita ko sa mukha ng Kuya Tristan ko ang galit kaya simula nun ay ako na lang ang umiiwas.
KUMATOK ako ng tatlong beses sa pinto ng opisina ni Kuya Tristan. Sinadya ko talagang puntahan sya dito sa building nila.kagabi pa kasi ako hindi mapakali dahil nahihirapan talaga ako sa pagpasok ko sa college. Ito ang unang beses na kumatok ako sa pinto ng opisina nya kaya naman nagtataka ang secretary nya habang pinapanood akong kumatok sa pinto siguro hindi sya sanay na kumakatok ako.
"Come in!" Narinig kong sagot sa loob. Kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakita ko si Kuya Tristan na busy sa laptop nya hindi nya pa alam na ako ang pumasok kasi hindi nya pa ako tinitingnan. "What is it, Lance?"
Akala nya ako yung secretary nya kasi hindi pa rin nya ako tinitingnan. Hindi nya kasi inaalis ang mata sa laptop nya.
"Kuya!" Alanganing tawag ko sa kanya. Nakita ko namang napatingin sakin siya sakin. Nakita ko pa na nagulat sya dahil ako ang narinig nya. Nahihiya naman akong nakatingin sa kanya.
"Baby!" Tawag nya sakin na tumayo pa sya para lapitan ako at yakapin. Anyare kay Kuya bakit nya ako niyakap. "What's wrong?.." tanong nya pa sakin at bumitaw ng yakap at tiningnan ako. "Wait!... Ikaw ba yung kumatok?"
"Oo!" Sagot ko sa kanya na nagtataka pa rin sa ginawa nya.
"Oh?... Okay!" Nakita ko pa rin sa kanya ang parang nalungkot dahil sa pagkatok ko.
"Mabuti na kasing kumatok ako para siguradong wala akong maistorbo!" Paliwanag ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Hinatak nya ako sa sofa nya at pinaupo magkaharap kami ngayun at tiningnan nya ako. "Kuya... I need your help!"
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...
