TRISTAN
Kung pwede ko lang suntukin si Grey ginawa ko na. Pero ano bang kasalanan nya eh wala naman syang alam.
Kanina pa ako wala sa mood dahil sa palaging pagtingin ni Diane kay Grey. Tapos malalaman ko pang may crush sya sa ugok na yun.
"Bakit?... Mas gwapo naman ako dun ah!" Nandito ako ngayun sa wine station ng reception. Dito ako dumiretso pagtayo ko sa table dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong selos.
"Problema?" Si Eugene. Sinundan nya pala ako pagkaalis ko dun.
"Tang ina!... Kanina pa ako nag seselos!" Gigil na sabi ko sa kanya. Inisang lagok ko lang ang alak na nasa kamay ko. At sinalinan ulit ng laman ang baso.
"Selos?" Nakakunot pa ang noo nya ng sabihin yun sakin.
"Basta!" At itinuloy ko lang ang pag inom ng alak. Hindi ko na kayang bumalik dun dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatay ko si Grey.
"Tama na yan!.. lasing ka na..." Pigil nya sakin at kinuha pa ang baso ko. "Dami mo ng nainom!... Mag drive ka pa pag uwi kasabay mo pa naman si Diane."
"Ikaw na maghatid sa kanya.!" Sagot ko at tumayo na para umalis.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya sakin pero hindi ko na pinansin. Lilipat na lang ako ng ibang lugar para umainom. Magpapakalasing ako ngayun.
DITO ako dumiretso sa isang bar sa quezon ave. Hindi ako nagpupunta sa mga ganitong lugar dahil madalas dun lang kami sa bar kung saan pagmamay ari ni Eric pakiramdam ko kasi ang cheap dito, pero ngayun pag tyatyagaan ko na.
Dumiretso ako sa bar at umorder agad ng wine. Inisang lagok ko lang ang isang baso at umorder pa ulit ng isa pa. Nakakarami na rin ako ng nainom ng tumunog ang cellphone ko.
['saan ka?'] si Eugene. Nireply ko kung saan ako. Makalipas ang kalahating oras ay dumating na si Eugene. Tinapik nya pa ang balikat ko para ipaalam na dumating sya.
"Alam ko na!" Napakunot noo naman ako sa bungad nya sakin. Narinig ko pang umorder din sya ng alak nya. "Wag mo naman kasing seryosohin yung sinasabi nung bata!"
"Tang ina dude!... May crush sya dun!" Halata na sa boses ko na marami na akong nainom.
"Normal sa edad nya ang magka crush!" Paliwanag nya sakin at ininom ang alak.
"Am i not attractive to her?"
"You're her Kuya gago!"
"Im not!"
"Come on!... You know what I mean!"
"But still!... Tang ina... Pangit na ba ako?" Narinig ko pang tumawa ang loko sa tanong ko. "Bakit sa iba sya nag ka crush pero sakin hindi... Puta... Hindi nya man lang ako napapansin!"
"You wanna know?" Napatingin ako sa tanong nya.
"What?" Balik na tanong ko. Umayos naman sya ng upo paharap sakin.
"Let's find out if pangit ka na!" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "See that girl over there?"
Napatingin naman ako sa babaeng nakaupo sa table sa gilid. Napansin ko pang parang sakin nakatingin at may pang aakit pa.
"Lapitan mo at ayain mag one night stand... Kapag pumayag ibig sabihin hindi ka pa rin kumukupas!" Natatawang tingnan ko naman si Eugene.
"Gago ka ba?... Eh kahit naman wala akong gawin halata namang type ako nyan..." Nilingon ko pa ang babae. "Kita mo namang nagpapacute sakin eh!"
"O edi nasagot na yung tanong mo sakin... Kasi kung ako ang tatanungin mas gwapo pa rin ako sayo!" Naiiling na sagot nya sakin at tinungga nya ang alak na nasa baso. Natatawa pa akong tiningnan sya.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
Любовные романыPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...