CHAPTER 41:

454 4 0
                                        

DIANE

"Mama?" Tawag ko kay Mama ng makita ko sya.

Gulat pa sya ng marinig ako. Kitang kita ko kung paano sya unti unting tumingin sa kin.

Naramdaman ko ang pangungula nya sakin ng makita nya ako. Tumayo sya ng hindi tinatanggal ang mga mata sakin.

"Baby!...! Tawag nya sakin pero hindi ko na sya hinayaan pang magsalita at nilapitan ko na sya para yakapin ng mahigpit.

Namiss ko sya. Ang Mama ko. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin kaya lalo akong naiyak dahil ngayun ko lang napagtanto kung gaano ko namiss ang mama ko.

"I'm so sorry!..." Naiiyak na sabi nya sakin.

"Just hug me tight Mama!" Malambing na sabi ko habang hindi tumitigil sa pagiyak. "Don't let me go... Please!"

Matagal kaming nagyakap ni Mama. Hindi na kami nagsalita, umiyak lang kami habang mag kayakap.

Malipas ang ilang minuto ay hinatak ako ng Mama ko sa sofa nya. Pinunasan nya ang mga luha ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Kaya naman nagtawanan kami ng magkatinginan kami.

"Iwan ko na muna kayo dito!" Si Tristan yun. Pero sinamaan ko sya ng tingin bilang tugon ko. "Sabi ko nga wife dito lang ako!"

Akala nya siguro makakapambabae pa sya. Halatang halata pa naman na type sya ng secretary ni Mama. Kung ayaw nyang makipag hiwalay? Pwes! Hindi sya pwedeng mambabae!

Pinapanood ko syang maupo sa single sofa ni Mama pero masama pa rin ang tingin ko sa kanya. Ang nakaka inis lang ngingiti ngiti pa ang lalaking to.

"Musta ka na baby?" Natigilan ako sa pagtingin kay Tristan ng marinig ko ang tanong ni Mama. Kaya napalingon ako sa kanya.

"Okay naman po!" Malambing na sagot ko at yumakap ako ulit. "I missed you Mama... So much!"

"Me too baby... I'm so sorry sa lahat!" Umiling lang ako dahil ayoko ng mapag usapan. "Pwede ko bang makita ang apo ko?"

"Opo Mama!" Mabilis na tugon ko.

"Uwi ka na sa bahay baby!" Naiiyak na sabi nya sakin kaya nangiti ako habang tumatango.

"Wait!" Inis na banggit ni Tristan kaya napalingon kaming dalawa ni Mama sa kanya. Anong problema ng isang to?. "Dapat sa bahay natin kayo umuwi, baby!"

"At bakit?" Sarkastikong tanong ko. Napakamot pa sya sa ulo nya ng magtanong ako.

"Y-You're m-my wife!" Nabubulol pa nyang sabi kaya napakunot ako ng noo. "So you and Christian must be with me, in our house!"

"Ano?!" Inis na sabi ko.

"I'm sorry!" Napalingon ako kay Mama ng magsalita sya. "Nakalimutan ko... You're a married woman now... So dapat dun ka kung nasaan ang husband mo!"

"See!" Proud na singit pa ni Tristan.

"Pero hijo!... Baka naman pwede ko munang mahiram ang mag ina mo kahit isang linggo lang?" Malambing na sabi ni Mama kaya nainis ako.

"At bakit kailangang sya ang magdesisyon nyan?" Napipikong tanong ko at tiningnan ko pa ng masama ang asawa ko. Nagbawi pa ito ng tingin sakin. "Ako ang magsasabi at magdesisyon ng bagay na yan!"

"Pero baby..." Protesta ni Tristan pero hindi ko na sya hinayaang magsalita pa.

"May problema ka ba dun?" Seryosong tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing ipamukha sa kanya na nanliligaw pa lang sya at ako ang dapat na masunod. Tapos ang mga panahong sya ang magdedesisyon para sakin. Dahil iba na ako ngayun.

"Wala naman baby!" Mababang boses ang narinig ko sa kanya at kitang kita ko ang pagka lungkot nya.

Akala nya siguro magiging sunud sunuran ako sa kanya no way.

she's too young for meMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon