DIANE
KINABUKASAN.
Maaga pa lang nandito na sila Kuya Eugene at Kuya Eric sa penthouse ni Kuya Tristan.
Nakatayo silang dalawa sa sala habang umiikot ang mata nila sa paligid. Nakatayo naman sa harap nila si Kuya Tristan at nakatingin lang sa dalawa ng seryoso ang mukha. At ako? Nandito sa bandang likod ni Kuya Tristan.
"You didn't inform us that you renovated your place!" Sabi ni Kuya Eric habang seryosong tinitingnan ang lugar.
"Don't ask?" Seryosong sagot lang ni Kuya Tristan. Alam ko kasing nagagalit sya dahil sa ginawa ko sa penthouse nya. Hindi pa nga nya ako binabati mula ng magising ako.
"I kinda like it!" Nangiti naman ako sa sinabi ni Kuya Eugene habang nililibot ang mata sa buong sala. At alam kong napataas ang kilay ni Kuya Tristan sa sinabi ni Kuya. "It's so lively and... pinky and... So girly!"
"And I'm the owner!" Walang buhay na dagdag ni Kuya Tristan. Kaya naman napangiwi ako sa sinabi nya.
"And I think you're the interior designer?" Dagdag pa ni Kuya Eugene habang nakatingin sakin na nakangiti. Kaya napangiti na lang din ako.
"But why pink?, Bunso?" Takang tanong ni Kuya Eric sakin.
"Why not?" Takang tanong ko sa kanya. "Pink is my favorite and i love it!"
"Yeah!, But bunso this is Tristan's place and pink don't fit in him!" Paliwanag nya sakin. Kaya napayuko na lang ako dahil sa ginawa ko. Tama sya kasi lalaki si Kuya Tristan kaya hindi bagay ang pink.
"He told me I can do everything I want in this place!" Paliwanag ko sa kanya. "So I thought I could make a makeover.!"
"So It's your fault!" Nakangising tiningnan nya at sinisisi ni Kuya Eugene si Kuya Tristan.
"Shut up!" Pikon na sagot sa kanya ni Kuya Tristan. "Magsi upo na nga kayo!"
Umupo naman ang dalawa sa sofa na cute na cute para sakin dahil nagustuhan ko talaga ang sofa na pink na to kaya hindi ako nagdalawang isip na bilin yun on line.
"What happened to your favorite sofa?" Tanong ni Kuya Eric na sakin nakatingin pero sa halip na sumagot ay nayuko na lang ako.
"Sa bodega!" Walang buhay na sagot ni Kuya Tristan sa kanya.
"But I like pink sofa than grey sofa!" Pang aasar ni Kuya Eugene! "Grey is boring!"
"Shut up!" Sigaw ni Kuya Tristan sa kanya na tinawanan lang ni Kuya Eugene. "Bakit ba nandito kayo?"
"Visiting Diane!" Tipid na sagot ni Kuya Eric habang pinagmamasdan ang bulaklak sa vase na nilagay ko sa coffee table. "Ow! Tulips!"
"Her favorite!" Paliwanag pa ni Kuya Tristan sa sinabi ni Kuya Eric.
"So who's the real owner of this penthouse?" Natatawang tanong ni Kuya Eugene. Talagang hindi sya titigil na inisin si Kuya Tristan. Kaya naman mas lalo tuloy akong naguilty. Matalim na tingin lang ang sinagot ni Kuya Tristan sa kanya.
"How's Eve?" Pag iiba ng usapan ni Kuya Tristan.
"Same!" Malungkot na sagot nya kay Kuya Tristan. "Tulala pa rin at laging nagigising sa madaling araw para umiyak!"
"Sino ang kasama nya ngayun?" Dagdag tanong pa ni Kuya Tristan.
"Yung mag asawang Grey at Leslie!" Tipid na sagot ni Kuya Eric.
Ngayun ko lang naisip na mali pala talaga ang ginawa ko dapat hindi ko na lang Pinakielaman ang bahay ni Kuya Tristan. Anong gagawin ko ngayun kasi hindi pa rin ako pinapansin ni Kuya Tristan.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...
