DIANE
Nagising ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung saan. Pero bigla akong napa upo ng mapansin ang lugar nato.
"Kilala ko ang kwarto na to ah!" Napahawak pa ako sa ulo ko ng makaramdam ng sakit sa ulo.
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kaya napalingon ako.
Gulat na gulat ako ng makita kong si Tristan ang nagbukas ng pinto at maydala itong pagkain.
"Where am I?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Medyo natigilan sya sa tanong ko pero saglit lang.
"In our house!" Tipid na sagot nya sakin na nakangiti pa. Ang saya nya ah!
"Anong ginagawa ko dito?" Natatarantang tanong ko pa. Pero hindi ako pinakinggan ng isang to. Inalalayan nya lang akong umayos ng upo.
Nilagyan nya ng unan ang headboard ng kama at pinasandal ako. Inilapag nya sa harap ko ang dala nyang pagkain. Chicken soup, sliced apple at tea.
"Kumain ka na baby!... Para mawala ang sakit ng ulo mo!" Naguguluhan talaga ako kung ano bang nangyayari. Pinapanood ko lang sya habang inaayus ang pagkain sa harap ko.
"Kailangan ko ng magready baby dahil may meeting pa ako ngayung umaga!" Malambing na sabi nya habang naglalakad papuntang walk in closet nya. Paglabas nya ay maydala na syang tuwalya. Maliligo ata ang loko. "Babalik agad ako after ng meeting ko kaya magpahinga ka lang dyan!"
Maya maya ay narinig ko ang ingay ng tubig galing sa banyo. Natutulala pa rin ako hanggang ngayun dahil wala akong maalala kung ano ang nangyari sakin at bakit nandito ako sa bahay ni Tristan.
"Pasensya ka na nga pala baby kung hindi hindi ako nakapagmessage sayo nitong nakaraang araw dahil nawala ang phone ko!" Napalingon ulit ako kay Tristan ng magsalita ulit ito. Ganun pala nawala yung phone nya.
Nakatapis lang sya ng tuwalya sa pang ibabang parte ng katawan nya. At ang isang towel na hawak nya ay pinupunas nya sa buhok nya. Kaya naman nakita ko ang six-pack abs nya. Kaloka!
"do you like the view?" Napataas ang tingin ko sa mukha nya at nakangisi ito sakin. Kaya nagiwas agad ako ng tingin. Alam kong namula na ang mukha ko. "By the way baby! One of your investors are here... Sumama sya sakin para makita ang iba nating businesses dito sa pinas para mag invest na rin sakin!"
"Ano naman ngayun?" Matamlay na tanong ko dahil sa totoo lang masakit talaga ang ulo ko. Nainis pa ako ng maalala ko ang nangyari kahapon na may kasama syang babae.
"Gusto ko lang malaman mo baby!" Malungkot na sabi nya sakin. Pero hindi nun matatabunan ang nararamdaman kong sakit na pinagtaksilan nya ako.
Bigla Kong napansin na iba na Ang suot ko. Nakasuot na Ako Ng t shirt at kung Hindi Ako nagkakamali sa kanya Ang damit na to.
"Sino nagpalit Ng damit ko?" Na eeskandalong Tanong ko sa kanya.
"Ako!" Balewala lang sa kanya Ng Sabihin nya sakin Yun. Kaya Naman napanganga pa Ako Ng marinig Yun sakin. "Wag ka mag alala... Wala Akong ibang ginawa Sayo kundi Ang palitan ka lang Ng damit dahil basa ka na Ng pawis kagabi!"
Okay! Sabi nya Naman wala syang ibang ginawa sakin kundi Ang palitan lang Ako ng damit. Pero nakakahiya pa rin dahil nakita nya ang katawan ko.
Pasimple pa akong tumingin sa loob ng tshirt na suot ko. Medyo nakahinganako ng maluwag dahil nakapanty at bra pa rin naman ako. Napalingon pa ako ng makita kong ngingiti ngiti si Tristan habang tinitingnan ako. Lokong to! Ano kaya nasa utak nito?
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ng dinala nya. Kahit papaano ay nakatulong ang mainit na sabaw sa sikmura ko. Pero ang sakit ng ulo ko ay hindi pa rin nawawala.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...