CHAPTER 15:

37 0 0
                                    

TRISTAN

Kasalukuyan kaming nag aalmusal ni Mom ng lapitan kami ng isang kasambahay namin.

"Sir nasa sala po sir Frederico." Sabi nya kaya naman nagtataka akong tumayo pati si Mom ay tumayo rin at sabay naming pinuntahan si Ninong sala.

Nakita kong hindi mapakali si Ninong habang nakatayo. Napalingon ito samin ng maramdaman nya ang presensya namin.

"Nandito ba si Diane?" Nag aalalang tanong nya samin kaya naman bigla akong kinabahan.

"Wala po Ninong!" Sagot ko sa kanya. "Matagal na po kaming hindi nagkikita ni Diane!"

"Bakit Frederico?" Halata sa boses ni Mom ang kaba.

"Nawawala sya!" Kabadong sagot nya samin.

"Paanong nawawala po Ninong?" Nakunot ang noo ko at parang mababaliw ako sa sobrang pag aalala ko. "Chineck nyo po ba ang buong bahay nyo?"

"I'm stupid if I haven't done that!" Galit na sagot nya sakin. "I also went to university to check if she's there but she's not even there!"

"Saan naman kaya pupunta ang batang yun!" Naiiyak na si Mom sa pag aalala.

"Ano bang dahilan para maglayas sya?" Tanong ko sa Ninong ko pero hindi ito sumagot. "May nangyari po ba Ninong?"

"Wala!" Galit na sagot nya sakin. "Hindi naman kami nag kaproblema kaya hindi ko alam kung bakit sya umalis!"

Sa kaba ko nilabas ko ang phone habang naglalakad papunta sa pool.

"Eugene!" Tawag ko ng marinig kong may sumagot.

["Yes?"] Sagot ng boses babae ang landi pa ng tono e.

"Give the fu***ng phone to Eugene!" Bulyaw ko sa babaeng sumagot sa tawag ko. Hindi ko na narinig na nagsalita ang babae. Maya maya ay boses na ni Eugene ang narinig ko.

["Yow?"] Sagot nito.

"While your having a good time with that bitch of yours, my Diane is missing, asshole!" Galit na singhal ko sa kanya.

["What?..."] Halata sa boses nya ang gulat.

"I need you right now!" Sigaw ko pa sa kanya.

["Coming!"] Yun lang ang sinagot nya sakin at ibinaba ang tawag ko.

Hindi ako makapag isip ng tama. Anong gagawin ko nawawala ang baby ko? Saan ko sya hahanapin? Bakit ba kasi hindi nya ako pinuntahan?

Ang sakit sa dibdib. Dumadagundong sa kaba ang puso ko. Parang mamatay ako sa pag aalala. "Nasaan ka ba?"

Nanlalambot akong naupo sa gilid ng pool at nagiisip kung anong pwedeng dahilan ng pag alis nya.

Hindi kaya nagtanan siya with that fu***ng Calix? Shit! Ang sakit sa dibdib na maisip kung ganun nga ang nangyari.

Kaya naman wala sa sariling pag iisip na napatayo para kunin ang susi ng kotse ko. Nakita ko pa si Mom na napatayo ng makita ako nanagmamadaling umalis.

"Where are you going?" Nag aalalang sinundan ako ni Mom papuntang garage.

"I have to find her!" Halata sa boses ko ang takot at kaba. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko.

"Okay!... Just drive safely and call me if you found her!" Natigilan ako sa pagpasok sa kotse ng makita kong tumulo ang luha mula sa mga mata ng Mom ko.

"Don't worry Mom!" Sagot ko at lumapit sa kanya para yakapin sya dahil nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya. Alam ko ang nararamdaman nya dahil mas pa ang nararamdaman ko. "I will do everything to find her!"

she's too young for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon