CHAPTER 26:

450 3 0
                                        

Narito ako ngayun sa opisina at nasa harap ko ang private investigator ko na hinire ko para alamin ang lahat ng tungkol sa pagkawala ni Diane.

Pero lalo lang akong nasaktan sa lahat ng narinig ko at mga litratong pinakita sakin.

"Matagal na silang may relasyon ni Mr. Calix Herrera... Bago pa kayo ikasal ay sila na... At kaya nawala si Mrs. Dela Vega dahil nakipagtanan sya kay Mr. Martin at isinama sya sa America!"

"Sigurado ka ba dyan?" Gulat na tanong ni Mama Dianna. "Hindi magagawa ng anak ko yan!"

"Yun po ang nakalap kong impormasyon Mrs. Mendoza!" Sagot nya samin.

Tinitingnan ko ang mga picture na pinakita nya sakin. Nandun si Dianne sa isang restaurant na malapit sa university kasama ang hayop na Calix na yun at kitang kita sa Kuha na napakasaya nya habang kausap ang lalaki. Pati ang paglalakad nila na magkasama.

Ang ikinagalit ko ay ang isang litrato kung saan magkasama sila at may dalang mga maleta. Kuha iyon sa airport. Talagang niloko nya ako. Sumama talaga sya sa lalaki nya para iwan ako.

Iniwan nya ako para sa lalaking yun. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya at ginawa nya sakin to?

"Parang may mali kasi!" Sabi pa ni Mom. Naiiling na naiiyak habang sinasabi yun dahil hindi nya matanggap sa sarili ang ginawa ng anak nya.

"Kung hindi kayo maconvince!" Binalibag ko ang mga picture sa harap nila. "Tingnan nyo yan para maconvince kayo!... Ipadadala ko na lang sa account mo yung bayad!"

Yumuko ang lalaki at umalis na.

"Kahihiyan ang ginawa nya sa pamilya!" Galit ang makikita sa mukha ni Mama Dianna habang nakatingin sakin. "Hindi matatanggap to... Hindi ko akalaing magagawa ka nyang iwan at lokohin sa kabila ng lahat ng ginawa mo!"

"Pero bakit kailangan nyang magpakasal pa sayo kung may Calix naman pala sya?" Naguguluhang sabi ni Mom. Na tila hindi kumbinsido.

"Simple lang!" Galit na sagot ni Mama Dianna. "Alam nyang tututol ako... Hindi ko gusto ang ibang lalaki para sa kanya... Yun lang ang dahilan nun... Ayoko ng pag usapan pa ang babaeng yun dahil kahihiyan ang binigay nya sa pamilya ko!"

Galit na kinuha ko ang coat ko at lumabas ng opisina. Ayokong makita ang galit ni Mama Dianna para sa anak nya. Ewan ko ba kung bakit parang nasasaktan ako para kay Diane na hindi naman dapat. E ano naman kung magalit sa kanya ang Mama nya kasalanan nya naman.

Nagpunta ako dito sa isang bar na pagmamay ari naming tatlo nila Eric. Nagpakalunod ako sa alak. Gusto kong makalimutan ang lahat at mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Simula ng iniwan ako ni Diane ay ganito ang naging routine ko. Pagkatapos ko galing sa opisina ay nag papakalasing ako at nagpapakasaya sa iba't ibang babae. Iba ibang babae ang ikinakama ko.

Ilang beses na rin akong pinagsasabihan nila Eugene pero wala akong naririnig. Nagpapakasaya lang ako at pinipilit na makalimutan ang nangyari.

Pero hindi ko pa rin magawang kalimutan sya. Kung minsan ay nagwawala pa rin ako sa bahay lalong lalo na kapag lasing na lasing na ako at naalala sya.

Naging sadista na rin ako sa mga babaeng nakakatalik ko dahil hindi ko napipigilan ang sarili kong saktan sila kapag nagtatalik kami. Lalo na kapag biglang naaalala ko si Diane.

Pakiramdam ko kasi ay nakakaganti na ako sa ginawang panloloko sakin ni Diane. Kaya lahat ng babaeng nakakasama ko ay pinapahirapan ko.

"Hanggang kailan mo ba gagawin yan Sa sarili mo?" Seryosong tanong sakin ni Eugene. "Dalawang taon ka ng ganyan. You're a mess!"

she's too young for meMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon