DIANE
Kasalukuyan kong hinihintay ang sagot sa ipinakiusap ko kay Ate Yanna. Kausap nya kasi yung kaibigan nyang nagpapirma daw kay Tristan.
"Okay! Salamat!" Sagot ni Ate Yanna sa kausap at ibinaba na ang tawag tapos nilingon ako. "Napirmahan na nya!"
"Salamat Ate Yanna!" Hindi ko talaga akalaing hanggang ngayun si Ate Yanna pa rin ang tumutulong sakin. Kasalukuyan kasi ako ngayung nandito sa isang condo nya sa Cebu. Dito nya ako pinatira ng umalis ako sa puder ni Tristan para mailayo kay Mr. Garman.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo Diane?" Paninigurado nya sakin kaya tumango lang ako. "kung yan ang naisip mo edi suportahan kita dyan!"
"Salamat Ate!" Nakangiting sagot ko sa kanya. "Ano na nga palang susunod na gagawin?"
"Pinadala ko na sa kinakapatid kong si Jorge ang papeles para sya na ang bahalang lumakad!" Pormal na paliwanag nya habang napapatango na lang ako. "Hindi naman na tayo magkakaproblema dahil hindi naman na natin kakailanganin ang presensya ni Tristan para maproseso na ang documents kayang kaya nya na daw gawan ng paraan ang tungkol dun sabi ng kinakapatid ko. Lalo na ngayun na may pirma na nya kaya siguradong magugulat yun kapag nalaman nya ang ginawa natin!"
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa sya sa ginawa ko. Pero yun kasi ang gusto kong mangyari.
"Aalis na ako sabihan na lang kita kung ano ang magiging resulta!" Nakangiting paalam nya sakin. Kaya naman hinatid ko na sya palabas ng condo.
Napatakbo ako ng kwarto ng marinig ko ang iyak ng baby. Gising na pala ito kaya binuhat ko sya para padedehin.
"Wag ka na umiyak my loves!" Malambing na sabi ko sa kanya na animo'y naiintindihan ako. "Nandito na ang gatas mo kaya wag ka na umiyak!"
Pinadede ko sya para hindi na sya umiyak. Tatlong buwang pa lang ang bata sakin kaya naman talagang alagain ko pa sya.
"Napirmahan na ni daddy yung papeles mo para tuluyan na kitang maging anak!" Balita ko sa kanya habang dumedede. "Siguro naman hindi ka na kukunin ng tunay mong mga magulang kasi hindi ka naman nila iiwan sa pinto ng condo kung kukunin ka pa nila sakin!"
Naiiyak ako kasi naaawa talaga ako sa baby nato. Papasok ako ng trabaho ng makita ko ang baby sa tapat ng pinto ng condo. Binalak kong dalhin sya sa dswd pero nagbago ang isip ko dahil ang cute cute nya. Kaya inisip kong ampunin na lang sya. Balak sana namin ay si Ate Yanna ang aampon kaso hindi pwede dahil hindi sya kasal kaya ako na lang ang talagang umampon sa kanya. Sa tulong ng mga kaibigan ni Ate Yanna ay magiging legal parents nya na kami ni Tristan.
"Sana magustuhan ka nya din kapag nakita ka nya!" Naiiyak kong sabi sa bata. "Kaso baka hindi na mangyari yun dahil balita ko nagbago na sya... At isa pa hindi pa ako pwedeng bumalik dahil hindi pa safe!"
Kahit nahihirapan ako ay kinaya kong magtrabaho at mag alaga ng bata. Naghire si Ate Yanna ng Yaya para kapag nasa trabaho ako may magaalaga sa anak ko. Oo anak ko dahil kahit hindi sya nanggaling sakin ay tinuturing ko syang tunay na anak.
Makalipas ang isang buwan ay natanggap ko na ang pinakaaasam kong balita. Sa wakas legal ko na syang anak.
"Anak!" Naiiyak ako sa sobrang tuwa ng kargahin ko ang anak ko. "Ako na talaga ang mommy mo... Ikaw na si Cristian Fritz Mendoza Dela Vega... At ang daddy mo si Tristan Fritz Dela Vega... Wag kang mag alala kasi kahit wala si daddy ay aalagaan at mamahalin ka ni mommy!"
"At ako ang Ninang Yanna mo pogi!" Nakangiting sabi ni Ate Yanna. Sya mismo ang nagdala ng adoption paper sakin at sa totoo lang mas excited pa sya sakin ng ibalita nya. "Kelan nga pala natin pabibinyagan ang inaanak ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/292079504-288-k812722.jpg)
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomansPaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...