Inabot din kami ng dalawang oras sa biyahe. Nakatulog na nga ako sa sobrang tagal. Bakit naman kasi ang layo? Nagising ako nang maramdaman kong huminto ang sasakyan.
"Nasan na tayo?" Pupungas pungas pa ako nung itanong ko.
"Dito sa bago kong biling resort!" Sagot nya sakin tapos bumaba na ng sasakyan. Kaya naman sumunod na rin ako sa kanya.
"Bagong bili mo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Habang manghang mangha ako sa ganda ng lugar. Naririnig ko pa ang tunog ng dagat.
"Regalo ko kay mom kaya wag mong sasabihin sa kanya ha!... Secret lang natin!" Mayabang na sagot nya pa sakin.
"Aaahhh!... Para sa birthday nya. Kasi malapit na yun diba?... next week na!" Sagot ko nang maalala ang birthday ni Ninang.
"Halika!... Kailangan ngayun pa lang mapaghandaan na natin." Hinawakan nya ulit ang kamay ko at pinagsiklop ulit ang mga daliri namin. Pumasok kami sa loob ng isang three storey building. "Tatawag na lang ako sa bahay at kay Ninang para sabihing bukas na tayo uuwi. Dito na lang tayo magdate... Okay lang ba sayo na ang date natin ay ang pag aasikaso sa birthday ni mom?"
"Oo naman!" Excited na sagot ko sa kanya. "Basta para kay Ninang payag ako... Ako na tatawag kay Mama para magpaalam!"
"Okay!" Tipid na sagot nya sakin.
"Good afternoon sir!" Bati ng isang receptionist nya na babae. Halatang nagpapacute pa kay Kuya Tristan.
"Good afternoon!... Bigyan mo kami ng VVIP room with two bedroom!" Utos nya dito na parang balewala lang sa kanya ang pagpapacute ng babae.
Natatawa ako sa babae dahil halos iluwa na ng damit nya ang dibdib nya. Hindi ba sya naiilang? kasi ako naiilang e. Natatakot ako baka masira yung damit nya kasi tanggal na yung dalawang butones sa itaas ng uniform nya siguradong makikitaan sya.
"Miss!..." Bulong na tawag ko sa kanya. Napatingin naman ito sakin. Itinuro ko sa kanya yung damit nya sa dibdib. "Pakiayus yung damit mo parang matatanggal na kasi yung butones e, makitaan ka ni Kuya!"
Napalingon naman sakin si Kuya Tristan nang bulungan ko yung babae. Kaya naman nginitian ko lang si Kuya para hindi mapahiya yung babae. Concern lang ako sa kanya. Parang nahiya naman yung babae kaya yumuko sya at inayus ang pagkakabutones ng damit nya.
"Bakit?..." Takang tanong ni kuya. "Ano ba yun?"
"Wala!..." Sagot ko sa kanya. "Secret lang yun naming dalawa ni ate..."
Inabot naman na nung receptionist yung susi kaya naman hinatak na nya ulit ako pasakay ng elevator.
"Kailan mo nabili itong resort?" Tanong ko sa kanya habang nasa loob kami ng elevator.
"Nung araw ng birthday mo!" Sagot nya sakin na naoakamot pa sa batok nya. "Kaya nawala sa isip kong birthday mo kasi inasikaso ko ang pagbili nitong resort!"
"Ganun ba?" Parang naguilty tuloy ako dahil may rason naman pala kaya nakalimutan nya yung birthday ko. Tapos nagtampo pa ako sa kanya.
"Hayaan na natin yun ah?" Nahihiyang tanong pa sakin nya. "Okay na tayo diba?... Kaya kalimutan na natin. Okay?"
"Okay!" Sagot ko nalang sa kanya na sinabayan ko pa ng ngiti habang nakatingin sa kanya. Nakita ko namang namula nanaman ang mukha nya. Bakit kaya laging namumula ang mukha nya? Hindi kaya naiinitan sya lagi?
Pagpasok namin sa loob ng kwarto ay napanganga ako sa ganda. Grabe talaga si Kuya sa pagpapa ayus ng mga ari arian nya dahil halatang pinagkakagastusan nya.
"Magpahinga ka muna saglit tapos bili ng damit mo para may pamalit ka." Tinanguan ko lang sya habang parang bata akong nagiikot sa loob ng kwarto. Binuksan ko pa ang dalawang bedroom para makita ko.
BINABASA MO ANG
she's too young for me
RomancePaano mo kaya pipigilan ang sarili mo na mahalin ang taong inalagaan mo at itinuring mong kapatid? Hanggang kailan mo itatago sa sarili mo ang nararamdaman para sa taong mahal mo pero sobrang layo ng edad nyo sa isa't isa? Mapapanindigan mo bang mag...